Chapter 4

1740 Words
Hinayaan ko lang ang pagdaloy ng tubig sa aking mukha at katawan kasabay ng pag-agos ng mga luha ng sakit mula sa aking mga mata. Nang iwan nila ako ay para na ring gumuho ang buhay ko na dati'y puno pa ng saya. Sa sitwasyon ko ngayon ay wala ng kakikitaang saya sa aking pagkatao. Kasabay ng pagkawala ng mga magulang ko ay siya ring paglaho ng aking pag-asa ko. Kung nawala na ang mga taong naging dahilan upang maging matatag ako ay bakit ko pa kailangang mabuhay? Ano pang silbi ng buhay ko sa mundong ito? Nanginginig kong itininapat ang kutsilyo sa aking leeg. Buo na ang desisyon kong kitilin ang sarili kong buhay. Tanging ang masasayang alala nina Mama at Papa ang sumasagi sa aking isipan sa oras na ito. Kung sana ay pwede ko lang ibalik ang nakaraan ay pipiliin kong maging bata na lang muli kasama ang buong pamilya at hihilinging hindi na tumanda pa pero ang gusto kong mangyari ay napaka imposible. Handa na akong idiin ang kutsilyo sa aking leeg ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang galit na galit na si Karina. Mabilis itong lumapit sa akin at agad na inagaw sa akin ang hawak-hawak kong patalim. Pilit ko namang inagaw sa kaniya ito. "Damn it, Esmae! Nababaliw ka na ba?!" bulaslas niya habang patuloy pa ring inaagaw sa akin ang kutsilyo. "No, just let me do this!" angal ko. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko at gustong-gusto ko na itong tapusin na. "You'd better put that knife down, Esmae!" Kasabay ng kaniyang pagsigaw ay siya ring pagsampal nito sa aking pisngi. Napahinto ako dahil sa ginawa niya at naging madali na lamang sa kaniya na kunin mula sa akin ang kutsilyo dahil napaluwang na ako ng hawak ito. Napaupo naman ako sa basang sahig at inilayo na sa akin ni Karina ang patalim bago ito bumalik sa akin. "What do you think you're doing, huh?! Sa tingin mo ba solusyon ang magpakamatay? Esmae naman, mag-isip ka nga ng tama. Ang kapatid mo, patuloy siyang lumalaban para mabuhay pero ano ito? Gusto mong kitilin ang sarili mong buhay? Sa tingin mo anong mararamdaman ng kapatid mo kapag paggising niya wala na siyang natitirang pamilya? Hindi ba mas masakit para sa kapatid mo kung pati ikaw ay mawala? May dahilan ka pa para mabuhay, Esmae," paliwanag niya. Tila naman nagising ako sa realidad dahil sa sinabi nito. "Zuri," sambit ko dahilan upang humagulhol ako ng iyak. "Kailangan ka niya...kailangan niya ang suporta mo para mabuhay. Kailangan niya ang ate niya," saad niya na siyang ikinalungkot ko dahil sa katotohanang ang kapatid ko ay nahihirapan ngayon. Pero anong pumasok sa isip ko para gawin ito? s**t, ang tanga-tanga ko. Ang tanga ko para isiping magpakamatay para lang sa kagustuhan kong makawala sa problemang ito. Dahan-dahan naman akong tumayo habang nakahawak ako sa wall bilang suporta ko. Lumapit din sa akin si Karina para tulungan ako, na ginantihan ko ng pasasalamat. Laking pasasalamat ko dahil napigilan niya ako sa masamang balak ko dahil kung hindi ay anong buhay ang mababalikan ni Zuri kung pati ako ay mawala sa kaniya. Alam ko ring hindi nanaisin ni Mama at Papa na pabayaan ko lang si Zuri at siya ang nangangailangan ng maraming atensyon kapag paggising nito. Kung mahirap sa aking mawala sila ay mas masakit ito kay Zuri dahil sa edad nito ay kailangan pa nito si Mama at Papa. Ngayon ay lalaki siya na walang pag-aaruga ng isang magulang. Nang ako'y nakapag-ayos na ng sarili ay dumiretso na kami sa hospital para tignan si Zuri. Pagkapasok namin sa loob kung nasaan si Zuri ay nakita namin si Tita Evie at Tito Ansel na siyang nagbabantay kay Zuri. Lumapit akon sa mga ito at sinalubong sila ng yakap. "Kamusta ka na, hija?" tanong nito sa akin. "Heto po, nagpapakatatag para sa kapatid ko," tugon ko. Hinawakan nito ang aking kamay at ngumiti sa akin. "Kung kailangan mo ng tulong huwag kang mag dalawang isip na lapitan kami, okey," Napatango naman ako bilang tugon sa kaniyang sinabi. "Alam kong mahirap harapin ang hamon ng buhay pero pasasaan pa't maghihilom din ang sugat na idinulot nito sa iyo. Tandaan mo handa kaming tulungan ka dahil parte ka narin at ng kapatid mo sa pamilya namin," sabi ni Tito na siyang ikinatuwa ng aking puso dahil sa kabaitan nila. "Thank you po Tita, Tito." pasasalamat ko dahil sa kabaitang ipinakita nila sa amin. Magmula noong nabubuhay sina Mama at Papa ay sobra silang malapit kina Tita at Tito dahil sa matagal na nilang pagiging kaibigan. Nakakatuwa nga na yung mga araw na sila'y magkakasama ay talagang aakalain mong nasa High school palang sila dahil sa kakulitan nilang apat. Ang sarap balikan ng mga araw na iyun na ang saya-saya pa namin at para bang hindi namin alintana ang mga problemang kinakaharap namin dahil sa sama-sama kaming nagtutulungan. Pero ngayon ay nag-iba na ang sitwasyon. But still, ipinapangako kong balang-araw magiging maayos din ang lahat at tuluyan nang maghihilom ang sugat na nakatanim sa aming pagkatao. Bago umalis sina Tita at Tito ay nang iwan pa ang mga ito ng pagkain. Napansin din kasi nilang nangangayayat na ako at dahil dito ay ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Simula ngayon ay hindi ko na muling papabayaan ang aking sarili at magkakaroon na ako ng maraming oras para sa kapatid ko. Habang hawak-hawak ko ang kamay ni Zuri ay siya ring hinihiling ko na sana gumising na ito. Siya na lang ang dahilan ko para ipagpatuloy ang buhay naming nasira. Alam kong hindi na muling maibabalik pa ang dating saya na meron sa amin subalit magpapatuloy pa rin kaming mamumuhay na parang normal lang ang lahat. "Zuri, please, ipangako mo sa akin na lalaban ka at hindi mo ako iiwan. Ikaw na lang ang natitira sa akin at hindi ako papayag na pati ikaw ay mawala sa akin. Sa paggising mo ipagbe-bake kita ng paborito mong cookies, 'di ba gustong-gusto mo iyon. Kaya bago sumapit ang kaarawan ko dapat kasama kita para i-celebrate natin, okey," sabi ko sa kaniya. Sa isang araw na pala ang twenty sixth birthday ko at iyun ang unang kaarawan ko na hindi namin sila kasama. Ang saklap, ang agang kinuha sa amin ang mahal namin sa buhay pero wala na kaming magagawa dahil nangyari na, eh at hindi na namin maaarin pang ibalik ang oras para makasama silang muli. Kinabukasan, habang naglalakad ako para sana pumunta sa store na malapit lang sa hospita ay may nakita akong isang pamilyar na lalake. Pinasingkit ko pa ang aking mata at nang mapagtanto kung sino ito ay muling bumalik sa akin ang sakit na ipinaranas niya sa akin ngunit hindi ko na gagawin pang tanga ang sarili ko sa kakaiyak dahil sa kaniya. Aalis na sana ako nang makita kong may lumabas na babae sa kotse nito at agad naman niya itong inalalayan. Kaysa sa umalis na ay nanatili pa rin ako sa pwesto ko habang nasa kanila ang aking tingin. Bigla naman akong nakaramdam ng galit nang mapagtanto ko kung sino ang babae. Paano? Paano nila ako nakayanang lokohin? Anong nagawa kong kasalan sa kanila? Akala ko ba nasa ibang bansa si Lyra? Bakit? Sa nakikita ko ay sayang-saya ang mga ito. Napatingin naman ako sa tiyan ni Lyra nang mapansin kong hinihimas ito ni Nico hanggang sa itinapat na niya ang tenga nito na para bang may nais na marinig. Dahil sa nakita ko ay bigla na lang may kumirot sa bandang puso habang pinagmamasdan sila. Ito ba ang dahilan? Ito ba ang dahilan kung bakit niya ako nagawang iwan? Sarkastiko akong napangiti. Ngiti na hindi kakakitaan ng saya kung 'di ay lungkot. Si Lyra at ang magiging anak nila ang pinili niya kaysa sa akin. Itinuring kong kaibigan si Lyra pero siya pala ang dahilan kung bakit ako tinakbuhan ni Nico sa araw ng kasal namin at ngayon makikita ko siyang buntis habang kasama si Nico. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa umuuwi si Nico sa kaniyang pamilya. So, pinili na talaga nilang magsama bilang isang pamilya. Kahit na nakakaramdam na ako ng sakit sa aking dibdib ay nanatili pa rin akong nakatayo. Ngayon ay naglalakad na ang mga ito habang inaalayan naman ni Nico si Lyra. Papalapit na sila sa aking pwesto habang hindi alintana na pinapanood ko sila. Nakatuon lamang ang tingin ko sa kanila at nang medyo malapit na sila sa akin ay tsaka lamang nila ako nakita na siyang ikinahinto nila sa palalakad. Sarkastiko akong ngumiti sa kanila at dahil sila'y huminto sa kanilang paglalakad ay lakas loob akong lumapit sa kanilang puwesto. Halata sa mga mukha ng mga ito ang pagkagulat na makita ako sa kanilang harapan. Mukha yatang nagulat ko sila, ah. Ganoon na ba nila kinatatakutan ang mukhang ito? "E—Esmae," pautal-utal nitong sambit sa aking pangalan. "How are you?" pormal kong tanong sa kaniya. Napabaling naman ang aking tingin kay Nico. "Now I know, na sa isang taksil na kaibigan ko pa pala ang pinili mo. Nice!" mapang-uyam kong sabi sa kaniya. "Esmae, I'm sorry," naiiyak na paghingi ng patawad ni Lyra sa akin. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya at hindi ko na ikinagulat pa ng biglang humarang si Nico harap nito. "Walang kasalan si Lyra sa kung anumang nangyari sa atin. Kung balak mo siyang saktan...ako ang saktan mo. In the first place ako ang nang-iwan sa iyo," paliwanag niya. Mapang-uyam naman akong napatawa dahil sa sinabi niya. "Nagpapatawa ka ba? Do you think sasaktan ko siya para makahigante lang sa iyo? Gusto ko lang sabihin sa kaniya na isa kang walang kuwentang lalake. Akalain mo nga naman...pagkatapos si Karina at ako, isinunod mo naman ang isa naming kaibigan at talagang binuntis mo pa," diretsahan kong sabi na siyang ikinatahimik niya. Hindi na nagsalita ang mokong. "Esmae, kung anong nangyari sa inyo tapos na iyon at labas na ako doon. Mahal ako ni Nico at alam kong hindi niya ako lolokohin at sasaktan," sumbat ni Lyra. Sobra siyang nagtitiwala sa lalakeng ito. "Really? Fine, lets see kung magtatagal kayo," tugon ko bago maglakad papaalis. Hindi kay Lyra ako galit dahil nag-aalala rin lang ako sa kundisyon niya. What if iwan din siya ni Nico? Kung mangyari man iyun ay siya ang mas lalong masasaktan dahil magkakaroon na sila ng anak. Sana nga...sana pinili nga ni Nico si Lyra para mahalin at hindi ang saktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD