Chapter 16

1715 Words
Magkahawak ang kamay namin ni Zephyr habang naglalakad lakad kami. Napahinto kami sa isang lugar kung saan naroroon ang isang puno at may nakalagay na swing. Umupo kami sa damuhan. Sa likod ko umupo si Zephyr habang ako ay nakasandal sa akin at siya ay nakayakap sa akin. Bukas na ang araw ng kasal namin at hindi na ako makapaghintay pa. Alam kong siya na talaga ang para sa akin at kahit na anumang mangyari hindi magbabago iyun. Malakas ang pakiramdam ko na siya na ang gusto kong makasama habang buhay. "Hindi na ako makapag hintay pa na ikasal tayo. Sana matapos na ang araw na ito." Pilit ko siyang tiningnan patingala. Nagka salububong naman ang aming mga mata. "I don't want this day to end," tugon niya. Humarap ako sa kanya habang yakap yakap pa rin niya ako. "At bakit naman, huh? Ayaw mo ba iyun na maikasal na tayo. Teka nagbago na ba ang isip mo? Hoy lalake sinasabi ko sayo kapag ako—" Napahinto ako ng bigla niya akong halikan sa labi. Napatawa naman siya ng humiwalay siya sa aking labi. "Huwag mo nga akong idaan daan sa pahalik halik mo!" Nangingilid na ang aking luha sa aking mga mata. Mahina ko naman siyang pinagpapalo sa kanyang braso dahilan upang mapabitaw na siya sa pagkakayap sa akin at pinigilan ang aking mga kamay. "Hey, bakit ka umiiyak?" nag-aalala niyang sabi. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa aking mga mata gamit lamang ang kanyang daliri. "Kasalan mo ito! Kung hindi ka naman seryoso sabihin mo na ngayon hanggang maaga pa," lumuluha kong sabi. Niyakap naman niya ako ng mahigpit. "Shhh...don't say na hindi ako seryoso sayo. Gustong-gusto kong maikasal sa babaeng pinaka mamahal ko at ikaw ang babaeng iyun wala ng iba. Gusto kong masulit ang araw na ito na kasama ka." Gumaan na ang pakiramdam ko ng sabihin niya iyun. Humiwalay ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya. "Masusulit pa naman natin ang araw na magkasama tayo kapag ka ikinasal na tayo, hindi ba?" "Syempre naman. Tumahan ka na nga sa pag iyak mo. Ikadudurog lang ng puso ko na makita kang umiiyak. Uhugin pa naman ang future wife—aray—hahaha..." "Hindi kaya ako uhugin noh. Ano ako bata huh?" Lokong lalakeng ito nagawa pa akong asarin. Nagulat na lang ako nang yakapin na naman niya ako. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na para bang hindi na ako makahinga. Bahagya ko siyang itinulak. "Papatayin mo ba ako sa higpit ng yakap mo?" sabi ko. Tumawa lang siya at niluwagan ng kaunti ang pagkakayakap niya. Ganoon lang kami ng ilang sandali. "I love you, what ever happen ikaw pa rin ang mamahalin ko," bulong niya sa akin. Hindi ako nakaimik. Bakit parang pakiramdam ko may kakaiba? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Mariin akong napapikit at iniwaksi sa aking isipan ang aking iniisip. Napa-paranoid na naman ako. Alam kong mahal niya ako at nasisiguro ko iyun dahil sa ipinapakita niya sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang ayaw kong mawala siya sa akin. Mahal namin ang isa't isa at magsasama kami ng masaya. Nang medyo gumagabi na ay bumalik na kami sa bahay. Pumasok na kami sa loob at nagpaalam na rin si Zephyr. Pumunta na rin ako sa aking silid at pagbukas ng pinto ay ang white gown ko agad ang napansin ko. Lumapit ako dito at pinagmasadan ito. Sa pangalawang pagkakataon ay magsusuot muli ako nito. Isang taon na ang nakakalipas at heto muli ako na naghihintay na maikasal kinabukasan. Humiga ako sa kama at ilang saglit pa ay nakaramdam na ako ng antok. Naimulat ko ang aking mga mata ng maramdaman kong nilalamig ako. Kahit papungay-pungay pa ang mata ko ay pinilit ko ang sarili kong tumayo. Napatingin naman ako sa sahig kung saan ako nakahiga kanina. Nalilito ang isipan ko kung bakit ako dito nakahiga? Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at napa kunot-noo na lamang ako. "Nasaan ako?" sambit ko. Hindi ito ang kuwartong tinulugan ko. Tumayo ako at palinga linga sa paligid para malaman kung nasaan nga ako. Hanggang sa maalala ko kung anong lugar itong kinatatayuan ko. Pamilyar ito sa akin at hindi ako maaaring magkamali. Nasa hospital ako na pagmamay-ari ni Mama. Pero bakit ako nandito? Paano ako napunta dito? Napalingon ako sa likuran ko nang marinig akong ingay. Pagtingin ko sa aking likuran ay nakita kong may mga nurse at isang doctor ang nagmamadaling tumatakbo sa aking direksyon. Nanlalaki ang mata ko nang dirediretso lamang sila. Mababangga na nila ako. Napapikit agad ako ng aking mga mata. Nanatili lamang ako sa ganoong pwesto pero laking pagtataka ko nang wala akong naramdamang nabangga sa akin. Binuksan ko muli ang aking mga mata at napatingin sa aking katawan. Nakatayo pa rin ako at walang kahit na anong nangyari sa akin. Nilingon ko ulit ang aking likuran at hindi ko na nakita pa ang doctor at mga nurse. "Yes Mama. Kayo na lang muna ang bahala kay Zuri." "Karina?" sambit ko nang makita ko siyang papunta sa direksyon ko. Ako na ang lumapit sa kanya. "Karina, anong nangyayari? Bakit ako nandito? Karina, ano ba?! Naririnig mo ba ako?!" sinisigawan ko na siya pero para siyang bingi na hindi ako naririnig. Hahawakan ko sana siya para pigilan pero tumagos lamang ang aking kamay sa kanyang braso. Sinubukan ko siyang hawakan muli pero bigo pa rin ako. "Karina! Nandito ako! Huwag ka ngang magbingibingihan! Karina!" Pumunta ako sa kanyang harapan at iniharang ang aking kamay sa kanya ngunit tumagos lamang ako sa kanya. "Bakit? Bakit hindi niya ako marinig. Hindi ko rin siya mahawakan? Anong kababalaghang nangyari sa akin?" Napansin kong pumasok na si Karina sa isang kwarto dito sa hospital. Dahil sa nagmamadali ako ay hindi ko naisip pang buksan ang pinto at dumiretso na lamang. Tulad ng aking inaasahan ay tumagos lamang ako sa pinto. Nabaling ang aking tingin sa direksyon ng mga nurse at ng doctor na nakapalibot sa isang kama habang may ginagawa sila dito. Para silang may sinu-survive na isang tao. Nilingon ko naman ang aking katabi na si Karina. Umiiyak siya habang nakatingin sa direksyon ng mg nurse at doctor. Dahan-dahan akong lumapit dito. Habang papalapit ako ay bumibigat ang aking dibdib at para akong kinakapos ng hininga. Nang tuluyan ko ng nasilayan kung sino ang taong sinu-survive nila ay agad akong napatakip sa aking bunganga. Namamalikmata lang ba ako? Imposible, bakit ka—kamukha ko ang ang babaeng nakahiga sa kama? Lumapit pa ako dito pero dahil sa ginawa ko ay tuluyan na akong hindi makahinga. Naninikip na ang aking lalamunan dahilan upang mapahawak ako dito. Napaluhod ako sa sahig at sinusubukang huminga man lang pero wala na talaga, hindi ko na kaya pa. Napahiga na ako sa sahig hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. Napabalikwas ako ng bangon at hinahabol ang aking hininga. Napayakap ako sa aking sarili nang maramdaman kong sobrang nanginginig ang aking katawan. Lumingon ako sa pinto at doon ay pumasok si Samantha. Nagtataka niya akong tiningnan at dali-daling lumapit sa akin. "Bakit ka nanginginig?" nag aalala niyang tanong. Kinuha niya ang kumot sa aking tabi at ipinang kumot iyun sa akin. "Sagutin mo ako, Esmae." Huminga ako ng malalim. "Samantha," sambit ko at niyakap siya. Napa iyak na lamang ako. "Huminahon ka nga. Pinag aalala mo ako," sabi niya. "Natataakot ako, Samantha," umiiyak kong sabi. Nalilito niya akong tiningnan. "Bakit?" "Nanaginip ako. Na—nasa hospital daw ako tsaka—" napahinto ako dahil pakiramdam ko ay para paring naninikip ang aking lalamunan. "Paano na lang kung namatay ako at hindi matuloy ang kasal," sabi ko. Isa na namang masamang panaginip na nangyari. Hindi ko maiwasang hindi mag isip na dahil dito ay hindi na naman matutuloy ang kasal. Naala ko pa noong araw ng kasal ni Nico. Bago ang kasal ay nanaginip ako na may katalik si Nico. Ngayon naman nanaginip ako na nakaratay ako sa isang kama sa hospital. Paano kung may mangyaring masama sa akin? Isa bang babala ang panaginip na iyun na kailangan kong paghandaan. "Maniwala ka. May mangyari mang masama, matutupad at matutupad pa din ang kagustuhan mong maikasal kay Zephyr," sambit ni Samantha. Anong ibig niyang sabihin sa kanyang sinabi? "Huwag ka ng masyadong mag-alala. Kaarawan mo ngayong araw na ito at ikakasal ka na, kaya dapat maging masaya ka. Tumayo ka na diyan at para makapag ayos ka na rin. Look oh, nakapag palit na ako ng dress ko, ikaw na lang ang hindi," pagpapagaan niya sa aking nararamdaman. Ginantihan ko naman siya ng ngiti bago ako tumayo. Dapat lakasan ko ang loob ko. Kailangang maniwala ako sa sinabi niya. Siguro tinatakot lamang ako ng panaginip na iyun para naman ako ang umayaw sa kasal na kahit kailan ay hindi ko gagawin kung si Zephyr ang papakasalan ko. "Salamat, Samantha." Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mukhang hindi pa nag uumpisa ang kasal parang diretso na ako sa hospital nito dahil sa higpit ng pagkakayakap mo." Napabitaw naman ako at sabay kaming napatawa sa isa't isa. "Sige na maligo ka na." Napatango ako at maglalakad na sana ako papunta sa banyo nang mag salita siyang muli. "Magiging maayos din ang lahat, Esmae," sambit niya. Kahit na nalilito ako sa kanyang ikinikilos ay napatango na lamang ako. Nang makaligo na ako ay si Samantha na rin ang nag make up sa akin. Tinulungan na lang din niya ako sa pagsuot ng aking gown. Nang masiguro naming maayos na ang aking ayos ay bumaba na kami. Hawak hawak nina Tita, Samantha ang dulo ng suot kong gown maging si Chloe ay hawak din ang gown. Sinalubong naman ako ng yakap ni Tito pagka baba namin. "I'm so happy for you," sabi niya. "Thank you, Tito," tugon ko. Inihatid na nila ako sa kotseng pag sasakyan ko. Nakasakay naman sila isang kotse na nakasunod lamang sa amin. Hanggang sa nakarating na kami sa simbahan. Napatingin ako sa simbahan kung saan kami ikakasal ni Zephyr. Napalunok ako ng sarili kong laway. Naghintay pa ako sa loob ng kotse dahil wala pa raw si Zephyr sa loob ng simbahan kaya nakaramdam na ako ng kaba. Kung anu-ano na ang aking iniisip na baka hindi siya matuloy at mangyari na naman na ang kinatatakutan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD