"Good morning, ate!" Rinig kong boses ni Zuri. Naramdaman ko na namang sumampa siya sa kama at tumalon talon.
"Wake up na ate!" Patuloy lang siya sa pagtalon sa aking kama. Namumungay ang mata kong tiningnan siya. Tumigil naman na siya at umupo.
"Umiyak ka po ba?" Ngumiti ako sa kanya at umupo. Hinawakan ko ang tuktok ng kanyang ulo at hinaplos ang buhok nito.
"Ayos lang ako kaya huwag ka nang mag alala pa. Kumain ka na ba? Gusto mo ipagluto na lang kita?" Napatango tango siya. "Tara na sa ibaba." Hinawakan ko siya sa kanyang kamay at bumaba na kami ng stairs para pumunta sa kusina. Sinabi ko na rin sa mga katulong na ako na ang magluluto ng pang umagahan namin ni Zuri. Pinaupo ko muna si Zuri sa high stool habang pinapanood akong nagluluto. Nang matapos na ako ay nagpatulong na ako sa mga maid para dalhin ang mga pagkain sa dining.
"Ang bango naman ng naaamoy ko. Tamang tama yata ang dating ko." Napalingon ako kay Karina na papalapit sa amin. Napadako ang kanyang tingin sa akin dahilan upang umiwas ako ng tingin. Lumapit siya sa akin at para bang sinisiyasat niya ako.
"Umiyak ka? May nangyari na naman ba?" curious niyang tanong. Humarap ako sa kanya.
"Mamaya na lang tayo mag usap. Gusto rin kita kasing kausapin pero bago 'yun ay kumain na muna tayo," sabi ko at umupo na katabi ni Zuri. Ganoon din si Karina na alam kong nag aaalala na naman.
"Umupo na rin po kayo para makakain na kayo," tukoy ko sa mga katulong. Nag aalinlangan pa sila kung susundin ang sinabi ko kaya nagsalita ako muli.
"Huwag na kayong mahiya. Parte na rin kayo ng pamilyang ito. Tsaka hindi ko hahayaang panonoorin niyo lang kami habang kumakain," pagpupumilit ko.
"Sige na. Baka magalit pa itong si Esmae dahil hindi niyo siya sinusunod," nakangiting sambit ni Karina. Wala naman na silang nagawa pa kung 'di ang sumunod at umupo na.
"Salamat po Maam," sabi nila.
Nag umpisa na kaming kumain hanggang sa matapos kami ay ang mga maid na ang nag ligpit ng mga pinagkainan. Pinabantay ko na muna sa isang katulong si Zuri dahil kailangan ko ngang kausapin si Karina. Pumunta na ako sa swimming area kung saan doon nag punta si Karina. Nakita ko naman siyang nakatayo lamang at nakatingin sa paligid. Nilapitan ko siya.
"So, anong kailngan nating pag usapan? Anong dahilan kung bakit namumugto ang mga mata mo?" agad niyang tanong sa akin.
"Malaking dahilan kung bakit ako umiyak? Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak." Napahinto ako sa pagsasalita at huminga ng malalim. Nanatili lamang nakikinig si Karina sa sasabihin ko.
"Yung inabot mo sa akin na gift box kahapon. Isa iyun sa naging dahilan." Ibinaling niya sa akin ng kanyang tingin pero nanatili pa rin akong nakatingin sa harapan.
"Ano bang laman ng box?"
Napayuko ako at napatingin sa sahig. "Si Cham ang nagbigay nun sa akin," sabi ko. Naluluha na naman ako. Kahit na ilang beses akong lumuha ay meron at meron pa ring tutulo. Pagod na akong umiyak pero anong magagawa ko kung kusa itong tumutulo. Lalo na kung si Cham ang dahilan.
"Si Cham? Hindi, imposibleng 'yang sinasabi mo. Paano si Cham ang nag bigay nun sayo? Esmae matagal na siyang patay. Nakalimutan mo na ba 'yun?" Umiling iling ako sa kanya. Sigurado ako at nararamdaman kong buhay pa siya. Alam ko dahil iyuna ang sinasabi ng puso ko.
"Ang laman ng box ay isang singsing. Alam mo ang tungkol sa singsing na ibinigay niya sa akin noon bago siya umalis, hindi ba? Nangako siya na kapag bumalik siya ay ibibigay niya sa akin ang hawak niyang singsing at ganoon din ako sa kanya. Ang ibig sabihin nun ay pumapayag kaming dalawa na magpakasal. Buhay siya at alam ko iyun."
"Tama na, Esmae. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Hindi mo ba naisip na baka niloloko ka lang ng lalakeng nagbigay niyan sayo at alam niya ang nakaraan mo. Kung siya si Cham sana siya na lang nagbigay nun sayo. Diba 'yun ang napag usapan niyo? Ibibigay niyo sa isa't isa ang singsing habang mag kaharap kayong dalawa pero hindi, ipinaabot lang sa akin para ibigay sayo. So that means, pinapagulo niya lang isip mo," mahaba niyang paliwanag.
"Pero may kasama pang sulat," umiiyak kong sabi. Napahawak ako sa kanya.
"Please tama na. Maawa ka sa sarili mo. Hindi kita kayang makita na nasasaktan." Pati siya ay umiiyak na rin.
"Naaalala ko na ang lalakeng nagbigay nun sa akin at siya rin ang lalakeng nakasama ko sa ng halos isang taon sa panaginip ko. Malakas ang paniniwala ko na siya si Cham at hindi niya ako niloloko. Karina, kailangan ko siyang mahanap. Please tulungan mo naman ako." Napaupo na ako sa sahig habang hawak hawak pa rin siya. Dapat paniwalaan niya ako. Kinakailngan ko siya para tulungan ako. Hindi ako matatahimik hanggang sa hindi ko nahahanap si Cham.
"Tumayo ka na diyan. Sige na Esmae," sabi niya at tinulungan ako sa pagtayo. "Payag na akong hanapin natin siya. Pero kung napatunayan nating patay na talaga siya, mangako ka na kakalimutan mo na siya at hahayaan mo ang sarili mong maging masaya. Maliwanag ba, huh?" Napangiti ako at tumango sa kanya. Niyakap ko naman siya.
"Salamat...salamat sa parating pag unawa mo," masaya kong sambit.
"Hayy...hindi ko akalain na maghahanap tayo ng patay," aniya.
"Buhay pa siya at naniniwala ako doon," angal ko.
"Oo na, tara na nga sa loob. Ang dami na nating iniyak. Sa susunod huwag kang iiyak sa harapan ko at magmamakaawa dahil hindi na talaga kita matutulungan sa gusto mo," Bahagya akong napatawa sa sinabi niya. Kahit na itago niya sa akin ay tutulungan at tutulungan pa rin niya ako. Kilalang kilala ko na siya.
"Tatanungin kita, saan mo naman balak na hanapin si Cham ngayon?" Umupo kami sa mahabang sofa. "Ano? Nagpapatulong ka sa akin tapos wala ka man lang idea kung saan tayo unang maghahanap. Sinasabi ko sayo, mahirap hanapin ang taong ayaw mag pahanap. Paano kung tama ako at talagang niloloko ka lang ng lalakeng iyun? Anong gagawin mo?"
"Hindi niya 'yun magagawa sa akin," tugon ko.
"Paano nga kung hindi siya si Cham? Masasabi mo pa bang hindi ka niya niloloko?" sabi niya.
"Pagtatalunan pa ba ulit natin 'to?" Tumahimik naman siya. "May naisip na akong lugar kung saan maaari natin siyang makita?"
"Saan?" tanong niya na aking ikinangiti.
"Pupunta tayo kina Tito Richard," sagot ko na siyang kinagulat ng kanyang mukha. "Malapit ang dating tinitirhan nina Cham doon."
"Noon, hindi na ngayon. Teka iniisip mo ba na bumalik na sila sa bahay nila, doon?" tanong niya.
"Maaari, doon ko lang naisip kung sakali mang bumalik ang mga magulang ni Cham posibleng doon din sila ulit maninirahan," sagot ko.
"Tama ka pero pwede rin namang hindi," kontra niya sa aking sinabi. Bakit hindi na lamang siya sumang-ayon sa sinasabi ko? Parati na lamang niyang kinokontra.
"Bukas aalis na kami ni Zuri—"
"Kayo lang? Akala ko ba isasama mo ako para tumulong?" angal niya. Tingnan mo ang babaeng ito, ang dami niyang feedback sa mga sinasabi ko na para bang hindi siya sang-ayon tapis heto gusto rin sumama.
"Okay it is final. Aalis tayo bukas ng maaga."
"Fine, aalis na rin ako," sabi niya at tumayo. Tiningnan ko naman siyang nagtataka. "Mag eempake na ako at dito na lang din ako matutulog mamaya," aniya. Nagpaalam na siya kay Zuri at lumabas na ng mansiyon. Lumapit naman sa akin si Zuri at humarap sa akin.
"Ate is it true na pupunta tayo kay Tito Richard?" tanong niya.
"Oo at bukas na ang alis natin," sagot ko. Tumalon talon naman siya dahil sa saya.
"Yehey! Makikita ko na po sila!" masaya niyang sabi. Hindi pa kasi siya nakakapunta doon. Naikuwento ko sa kanya ang tungkol sa Farm ni Tito kaya dati kinukulit niya akong pumunta kami doon. Pero dahil sa ayaw ko ay hindi na niya pinilit pa.
Umakyat na ako sa second floor para makapag empake na ng mga gamit ni Zuri. Tsaka na lang ang sa akin kung natapos ko na ang sa kanya.
Napahinto naman ako at napaisip. Tama ba itong ginagawa ko? Paano kung tama nga si Karina na niloloko lang ako ng lalakeng iyun? Kahit na ganoon ay hindi ko maalis sa aking isipan ang mukha ng lalakeng nag bigay sa akin ng box at si Zephyr na nasa panaginip ko. Habang siya ang iniisip ko ay hindi ko maiwasang magkaroon ng pag asang siya nga si Cham. Kailangang malinawan ang aking isipan tungkol sa katotohanan na dapat kong malaman dahil hindi talaga matatahimik ang kalooban ko. Umaasa na lamang ako na sana tama ako. Na tama lahat ng hinala ko.
Nang matapos na ako sa mga gamit ni Zuri ay pumasok na ako sa kuwarto at nakita ko si Zuri na nakahiga sa kama ko habang may hawak-hawak na tablet. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na inabala pa.
Kinuha ko na ang luggage ko at inumpisahan nang mag empake ng aking mga gamit. Inilagay ko naman sa isnag tabi ang luggage pagkatapos ko. Napangiti ako ng mabaling ang aking atensyon sa isang panyo na nasa side table ko. May nakapatong pa ditong libro kaya inalis ko ito at kinuha ang panyo. Hindi ko makakalimutan ang araw na ibinigay niya ito sa akin. Nasungitin ko pa nga siya dahil sa hindi ko talaga agad pinapakisamahan ng mabuti ang mga hindi ko pa gaanong kakilala pero kung alam kong mabait ang isang tao ginagantihan ko naman sila ng kabaitan. Ang laakeng iyun talaga ang nasungitan ko dahil sa sumulpot lamang siya sa aking tabi at feeling close na siya agad sa akin.
Naaalala ko pa nang sabihin niya sa akin na gagantihan niya si Nico dahil sa p*******t niya sa akin. Iyun ang naging dahilan kung bakit ako na wirduhan sa kanya? Hindi ko naman siya kilala kaya anong dahilan para gawin niya iyun para sa akin? Pero ngayon napagtanto ko na kung bakit niya nasabi sa akin lahat ng mga 'yun? Ang kailangan ko munang gawin ay mapatunayan kung siya nga si Cham at sana sa pag alis namin ay mag karoon na ng kasagutan lahat ng mga katanungan sa aking isip.