Chapter 13 Hindi makapaniwala si Santana sa narinig. Ang buong akala niya ay mga simpleng tao lang ang kanyang mga magulang. At patay na ang mga ito! Ngayon ay ano na? "Baka nagkakamali ka lang, Madam." sambit ni Santana. "Saang banda ako nagkamali Santana? Your family is the leader of the famous Organization of Assassin here and in Europe." paliwanag ni Madam Sofia. Akalain mo na umabot pa hanggang Europe ang pagiging assassin ng mga ito. Samantalang siya ay ni pagpunta sa bayan ay hindi pa niya magawa! "Ang pagkakaalam ko ay patay na ang mga magulang ko. At malayong mangyari na mga mamamatay-tao ang mga ito!" mahigpit na pagtanggi ni Santana. "You are just blinded by innocence Santana. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng Blue Dragon Snake Organization of Assassin." May Dragon at

