bc

My Disabled Mafia Prince

book_age18+
1.0K
FOLLOW
9.4K
READ
billionaire
dark
HE
fated
arranged marriage
badboy
kickass heroine
powerful
heir/heiress
bxg
like
intro-logo
Blurb

Nabulabog ang tahimik na mundo ni Santana nang mahanap niya ang tunay na pamilya. Kailangan daw niyang pakasalan ang isang baldadong CEO at Mafia Boss kung gusto niyang mabuhay ang kanyang lolo at lola.

Nagulat na lang siya nang ang pakakasalan pala niya ay si Alejandro Juanchu Montero - ang lalaking minsan niyang iniligtas at ang ama ng anak niya.

Sa kasamaang palad ay tuluyan ng nakalimutan ni Alejandro ang matamis nilang nakaraan...

chap-preview
Free preview
Sa Kuko ni Kamatayan
Chapter 1 MONTERO MANSION Maingay at nagkakasiyahan sa Mansion ng mga Montero. Naroon at kumpleto ang buong pamilya. Center of attraction ang tatlong Montero Brothers o mas kilala sa bansag na the Montero Mafia Princes! Ang tatlo ay literal na ehemplo ng kakisigan at angking karisma na kinababaliwan ng lahat ng kababaihan. Tatlong magkakapatid na magkaiba ang ina at iisa lang ang ama. At ito ay walang iba kundi ang kanilang ama na si Don Antonio Montero. Ang pinakamakapangyarihang tao sa buong bansa at pinakamalupit na Mafia King from the underground World of Black Dragon Mafia Organization. Kaarawan ng nasabing Don at may bulungan na ipapasa na raw nito ang korona sa isa sa tatlong makikisig na Mafia Princes. Kahit magkapatid lamang sila sa ama ay malapit ang loob nila sa isa't-isa. They are sworn brothers and they are willing to die and protect each other! Masaya ang lahat maliban sa isang anino na nakatago sa gilid ng halaman. Ito ay matalim na nakatingin sa Montero Brothers while sipping it's wine. Ang poot at galit niya sa mga Montero ay tagos hanggang buto! At hindi siya makakapayag na maging Mafia King si Alejandro Juanchu Montero. The Second Montero Prince. Gagawin niya ang lahat huwag lang masungkit ni Alejandro ang korona! "Ladies and gentlemen, thank you for being here with me celebrating my 18th birthday hahaha." Kwelang umpisa ni Don Antonio. Nagsitawanan ang lahat at agad din naman na natahimik ng muli itong magsalita. "But kidding aside, I'm not getting any younger my friends, colleagues and families. I need to pass my throne to one of my sons." Napatigil siya sa pagsasalita ng simulang mag-ingayan ang mga tao sa paligid. Ang taong nakatago sa likod ng mga halaman ay napatigil sa pag-inom ng kanyang wine... "Let me announce the new Mafia King of Black Dragon Mafia Organization. My second son, Alejandro Juanchu Montero!" Sigaw ni Don Antonio at biglang dumilim ang paligid at iisang ilaw lang ang natira, focusing Alejandro's direction! "Congrats bro!" Masayang sambit ni Allen at binigyan ng brotherly hug ang kapatid. "Thanks bro," nakangiting sagot ni Alejandro. Ayaw niya tawaging Kuya si Allen dahil isang taon lang naman ang pagitan ng edad nila. Mas komportable siya sa bro. "You nailed it Kuya Alejandro!" Sigaw ni Angelo at nakiyakap sa kanila. Alejandro love his brothers so much and no one can harm them as long as he is still alive! He will protect them no matter what! "Come in here son!" Masayang tawag ni Don Antonio at nagpalakpakan na ang lahat. Ang taong nakatago sa likod ng halaman ay walang pagsidlan ang galit. Nanginginig ang kanyang kamay na nakawak sa baso at pinilipit ito hanggang mabasag. Kinuha niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. "I want Alejandro Juanchu Montero dead!" Malamig niyang sambit at sumilay ang mala-demonyong ngiti sa kanyang labi. Natapos ang kasiyahan at medyo naka-inom na ang magkapatid. Napagpasiyahan nilang magpa drive sa kanilang mga tauhan. Medyo malayo pa ang Mansion ng bawat isa. Their Dad insists to have a driver for their safety. Medyo tipsy na si Alejandro at nakasandal lang ang ulo niya para ma relax ang sarili. Kahit lasing ay iniisip niya ang malaking responsibilidad na ipinasa ng kanyang ama. Being a Mafia King is not easy! Buti na lamang at hindi pa bumaba ng tuluyan sa trono ang kanyang Daddy. Marami pa itong dapat ayusin at asikasuhin bago nito ipasa sa kanya ang buong Organization. May dalawang taon pa siya to enjoy his free life na walang alalahanin. Biglang bumigat ang enerhiya sa paligid at pakiramdam ni Alejandro ay may nagbabadyang panganib! Napalingon siya sa bintana at napansin na ibang direksiyon ang kanilang tinatahak. He can sense danger! "Hey, where are we going? Hindi ito ang daan pauwi sa Mansion!" Saway niya sa driver habang alerto lamang sa paparating na pag-atake nito. Napangisi ang driver at kitang-kita ito ni Alejandro sa salamin. He didn't know the ugly monster! Bago ito sa kanyang paningin at hindi pamilyar. Wala silang pangit na tauhan! "Boss, lasing ka lang malapit na tayo sa inyong Mansion." Sagot ng pangit na driver at biglang huminto sa pagmamaneho. Agad na inilabas ni Alejandro ang kanyang baril na 9mm caliber na palaging nakasukbit sa kanyang katawan. Tinutukan niya ang ulo ng driver ngunit napangisi lamang ito. "Don't move or you will die! Sino ang nag-utos sayo?" seryosong tanong ni Alejandro. "Pasensiya na boss but you need to die today, hehe." Sagot nito na nakangisi ng nakakaloko. At isang sorpresang pag-atake ang hindi inaasahan ni Alejandro. May biglang lumabas na assassin sa katabing upuan ng driver at mabilis na naagaw ang kanyang baril. Hinampas ang kanyang ulo at pinaputukan ang kanyang tagiliran! Agad na bumulusok ang maraming dugo. Nahihilo na siya ngunit pinilit niyang makipaglaban at labanan ang kamatayan. He can't die in vain! Nanganganib ang buong angkan ng Montero! Mabilis niyang kinuha ang maliit na bottle ng tear gas spray sa bulsa ng kanyang jacket. Lagi itong nandiyan in case of emergency at ngayon nga ay magagamit niya na! Agad niyang pinindot ang spray at sapol ang mga mata ng dalawang assassin. Binuhos niya ang lahat ng lakas upang itapon ang mga ito papalabas ng kotse. Pinilit niyang mag drive at makalayo sa lugar habang pinapaulanan ng bala ang kanyang sasakyan. Hawak niya ng mahigpit ang kanyang tagiliran na walang tigil sa pagdurugo! Binilisan niya ang takbo ng sasakyan at tuluyang nakalayo. Ngunit nawalan ito ng preno at nahulog sa isang bangin! Kahit nahihirapan ay pinilit ni Alejandro buksan ang sasakyan at dahan-dahan na gumapang papalayo rito. Nakarinig siya ng kaluskos at mga boses sa itaas at binilisan ang pag gapang upang magtago sa mga assassins na gustong pumatay sa kanya. Sinundan pa talaga siya ng mga ito. They won't let him live! Kung sino man ang nagpapatay sa kanya ay sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga ito! "I told you Boss! Wais ito. Sinira ko kaagad ang break ng kotse ni Alejandro ng hininto ko ang sasakyan, hahaha." Ang nakatawang sabi nito. "That's good, master will give you a bonus!" Sagot ng isa. At sabay silang humalakhak ng malakas ng makitang sumabog ang sasakyan ni Alejandro. Their mission is successful at excited na sila sa malaking bonus na naghihintay! Habang si Alejandro ay nagtatagis ang bagang na nakatingin sa kanyang kotse na tuluyan ng nilamon ng apoy! Natalian na niya ang sugat at tumigil na ito sa pagdurugo. Pero hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niyang lakarin bago makakita ng taong tutulong sa kanya. Nasa isang masukal at liblib na kagubatan siya! Hindi niya alam kung nasaan na siya at saang lugar ang kanyang kinaroroonan. Ang tanging nasa kanyang isipan sa mga oras na ito ay ang mabuhay! Pilit niyang nilalabanan si kamatayan. Ayaw niyang mamatay ng hindi man lang makaganti sa taong gumawa nito sa kanya! Tuloy lang siya sa kanyang paglalakad kahit hindi na kayang maglakad ng kanyang mga paa. Bigla siyang nadapa at nagpagulong-gulong pababa at sumalpok ang kanyang ulo sa malaking bato! Unti- unti na siyang nilalamon ng kadiliman hanggang tuluyan ng pumikit ang kanyang mga mata at nagpasakop sa karimlan... Bago mawalan ng malay ay natanong niya sa kanyang isipan. Ito na ba ang aking katapusan?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.2K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook