Chapter 2
"Ahhh!" Malakas na sigaw ni Aling Ingrid ng makita ang walang malay at duguang lalaki na nakahandusay sa kanilang maliit na farm ng mga mangga.
Ang buong akala niya ay patay na ito dahil hindi na gumagalaw!
"Ano ba ang nangyari sayo at kaylakas ng sigaw mo?" tanong ni Mang Damian na kanyang asawa.
"M-may tao! Patay na ata!" Nanginginig niyang sigaw sabay turo sa walang malay na estranghero.
Nilapitan ito ni Mang Damian at inilagay ang kanyang daliri sa ilong ng lalaki.
"Buhay pa siya Ingrid!" Bulalas ni Mang Damian.
"Ano ang gagawin natin diyan? Baka masamang tao 'yan o di kaya ay pinaghahanap na ng kanyang pamilya!" Sagot ni Aling Ingrid.
"Alam mo naman na hindi tayo pwedeng dumulog sa mga pulis Ingrid. Para ano pa at nandito tayo nakatira sa liblib na bayan na ito?" makahulugang tanong ni Mang Damian.
Umiwas ng tingin si Aling Ingrid. Ayaw niya ng pag-usapan pa kung bakit nasa liblib sila na bayan ng San Agustin. Para sa ikabubuti ni Santana ay kailangan nila magtago at mamuhay ng tahimik sa lugar kung saan ay walang nakakakilala sa kanila.
Ang pagkatao ni Santana ay mananatiling lihim, hanggang kaya nilang itago...
"O siya bahala kana Damian kung ano ang nais mong gawin sa taong yan. Pupunta pa ako ng bayan para mamalengke." Sambit niya at tuluyan ng umalis.
Nagtataka siya kung paano napunta sa bayan nila ang estrangherong lalaki. Ngunit bahala na si Damian dito.
Nag-isip ng malalim si Mang Damian kung ano ang kanyang gagawin sa dayong lalaki. Sa tantiya niya ay masama ang tama nito dahil sa mga dugong natuyo sa kanyang damit.
Hindi rin naman niya maatim na basta nalang ito pabayaan gayong nasa kanilang teritoryo ang estranghero.
Napagpasiyahan niyang dalhin sa kaibigan niyang albularyo na si Gardo. Isa itong Doktor na iniwan ang kanyang propesyon at namuhay ng tahimik sa kanilang liblib na bayan.
Kung ano man ang dahilan nito at tumigil sa pagdodoktor ay isang misteryo na si Mang Damian lamang ang nakakaalam.
Pagkatapos na epagamot ang estranghero, ay papaalisin din niya kaagad ito. Hindi pwedeng may ibang tao silang makasalamuha.
Para na rin sa kaligtasan ni Santana.
"Gardo, pakitingnan mo nga ang lalaking ito. Parang masama ang tama." Humihingal na sabi ni Mang Damian at inihiga ang estranghero sa matigas na papag. Napakabigat nito at nahirapan siya!
Wala parin itong malay at tila isang lantang gulay at lupaypay ang katawan.
Tinanggal ni Gardo ang tali sa sugat nito at nabigla sa kanyang nakita.
"It's a gunshot! Sino ang taong ito Mang Damian?" nagtataka niyang tanong.
"Hindi ko kilala, Nakita ko nalang na nakahandusay sa taniman ko ng mangga. Hindi ko naman pwedeng pabayaan at kargo de-konsensiya ko pa. Masama ba ang tama? Mabubuhay pa ba ang lalaking ito?" ganting tanong ni Mang Damian.
"Makukuha ko ang bala pero wala akong anesthesia. Sana kayanin niya kung gusto niyang mabuhay." Seryosong sagot ni Gardo.
"Basta ginawa ko ang lahat at hindi siya pinabayaan. Malinis na ang konsensiya ko. Mukha namang malakas ang lalaking ito makakaya niya yan!" Sagot ni Mang Damian.
Lumabas siya ng kwarto at iniwanan ang estranghero sa mga kamay ni Gardo.
Maya-maya pa ay maririnig ang malakas na sigaw nito sa buong kabahayan.
"Ahhhhhh!" Sigaw ng estranghero.
Ramdam niya ang sakit at hapdi ng kanyang sugat ng malagyan ito ni Gardo ng matapang na mamahaling alak.
Nag-iisa lang itong alak na pinakatago-tago ni Gardo at ngayon nga ay magagamit lang sa isang estranghero!
Isa siyang Doktor na naging albularyo at tulad ni Mang Damian, Hindi niya maaatim na hindi iligtas ang buhay ng taong nangangailangan.
"Hang on if you want to live," sabi ni Gardo habang sinisimulang bunutin ang bala sa tagiliran ng estranghero.
"Ahhhhhh!" Muli nitong sigaw habang punong-puno ng pawis ang buo niyang katawan.
Nanginginig siya sa sobrang sakit.
Hindi niya alam kung bakit napakasakit ng kanyang nararamdaman. Ang tanging nasa isipan niya ngayon ay mabuhay!
Nagdedeliryo na rin siya dahil sa kanyang lagnat at napakainit na niya.
Wala siyang ibang nararamdaman kundi pulos sakit at hindi niya alam kung kailan matatapos.
Bago siya nawalan ng malay ay pinainom muna siya ng gamot ni Gardo.
At matagumpay ang operasyon. Ngunit dahil walang anesthesia, nakasalalay sa estranghero kung gusto pa niyang mabuhay o hindi.
Kailangan niyang indahin ang sakit at magpakatatag!
Dahil ayaw ni Aling Ingrid na manatili ang estranghero sa kanilang bahay ay pinatira ito ni Mang Damian sa bodega ng mangga na katapat lamang ng kanilang bahay.
Magpapatayo na lamang siya ng bagong bodega kapag malapit na ang muling pag-ani ng mga mangga.
Buong araw na nakaratay at walang malay ang estranghero. Pinapainom lamang ito ni Mang Damian ng tubig galing sa bulak.
Gusto na niyang magising at umalis na ito sa bayan ng San Agustin. Ngunit wala siyang magagawa kundi ang maghintay.
**************
Kinabukasan ay dumating na ang kanilang apo na si Santana galing sa pagbabakasyon sa kalapit na kabukiran. Madalas siyang magbakasyon sa inaakala niyang mga pinsan at uncle. Ito ay isa sa mga lihim ng kanyang Lolo at Lola. Wala siyang kamalay-malay na hindi niya tunay na kamag -anak ang mga ito!
Doon lang siya nakakagala at nalilibang dahil bawal siyang magpunta sa bayan.
At ngayon nga ay madami siyang pasalubong na dala para sa dalawang matanda.
"Lolo, Lola! Andito na ako!" Masayang sigaw ni Santana.
Ngunit nakakabinging katahimikan lang ang kanyang naratnan. Walang tao sa kanilang bahay dahil nasa bayan ang mga ito.
Inilapag niya ang kanyang mga dalang pasalubong at agad na nagtungo sa bodega ng mangga.
May itinago siyang manggang hilaw at tantiya niya ay hinog na ang mga ito ngayon.
Excited na siyang kumain!
Ipinuslit lamang niya ang mga ito noong huling ani nila.
Ngunit napasigaw siya ng kanyang buksan ang pintuan at makita ang estrangherong lalaki!
Nagulat din ito pagkakita sa kanya.
"Sino ka? Ano'ng ginagawa mo rito?" sunod-sunod na tanong ni Santana habang nanatiling nakatayo sa pintuan.
Ayaw niyang pumasok sa loob at takot siya dahil baka masamang tao ang kanyang kaharap. Kilala niya ang lahat ng kapitbahay maliban sa lalaking nasa kanyang harapan!
Napaisip ang estranghero at napahawak sa kanyang ulo.
Sino nga ba siya? Tanong nito sa kanyang sarili. Kahit anong isip niya ay wala siyang maisip!
"H-hindi ko alam kung sino ako," saad ng estranghero habang nag-iisip parin.
Napakurap-kurap ng kanyang mga mata si Santana. Mukha namang hindi masamang tao ang lalaki ng magsalita ito.
Pero ano daw? Hindi niya kilala ang kanyang sarili?
Ang naguguluhang tanong ni Santana sa kanyang isipan.
"Bodega namin ito, paano ka napunta rito?" muling tanong ni Santana.
"Hindi ko alam!" Sagot ng estranghero habang hawak ang sumasakit na ulo.
Napahakbang si Santana papalapit sa kanya at nag-aalala dahil namimilipit siya sa sakit.
"Okay ka lang?" tanong ni Santana.
"Urgh! I'm not okay. Ang sakit ng ulo ko!" Sigaw ng estranghero.
Mas lalong sumakit ang kanyang ulo habang iniisip kung sino siya at ano ang pangalan niya. Hindi niya maalala!
Nataranta naman si Santana at hindi malaman kung ano ang gagawin.
Buti nalang at dumating na si Mang Damian.
"Santana! Ano ang ginagawa mo rito?" nagtataka at nagulat na tanong ni Mang Damian.
"Lolo, tulungan mo siya. Masakit ang kanyang ulo!" Ngunit iba ang isinagot ni Santana.
Sa palagay niya ay kailangan maasikaso kaagad ang estranghero dahil namimilipit na ito sa sobrang sakit ng ulo!
"Lumabas ka diyan at tawagin si Gardo. Papuntahin mo rito." Utos ni Mang Damian.
Agad naman kumaripas ng takbo si Santana at halos madapa sa sobrang bilis niya. Hindi niya alam kung bakit sobrang pagkataranta niya ng makitang nahihirapan ang estranghero.
Basta ang alam niya ay kailangan nito masuri kaagad!
Mabilis niyang narating ang bahay ni Gardo at isinama ito papunta sa kanila.
Binigyan kaagad ni Gardo ng pain reliever ang estranghero at kumalma naman ito.
Ang buong akala ni Mang Damian ay mawawala na ang lalaking dayo matapos magising. Pero nagkakamali siya.
Dahil may amnesia ito!
Kung itataboy nila ay hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa estranghero.
Samatalang si Aling Ingrid ay hindi sang-ayon sa presensiya ng lalaking dayo. Pero wala siyang magagawa kundi patirahin ito sa bodega nila.
Ito ang gusto ni Mang Damian at para wala ng gulo.
Pero kung wala itong amnesia ay palalayasin niya kaagad ito! Hindi naman masama ang kanyang ugali. Nag-iingat lamang siya para sa ikabubuti ng lahat...
Pinakain na nila ng hapunan ang estranghero at parang gutom na leon lang sa lakas kumain.
At mas lalong na bwesit si Aling Ingrid!
Ngunit si Santana ay tuwang-tuwa habang nakatingin sa estranghero na ganadong-ganado sa pagkain. Hindi niya alam kung bakit, basta natutuwa siya.
"Aba, mamumulubi tayo sa lakas kumain ng taong ito!" Naiinis na parinig ni Aling Ingrid.
"Hayaan mo na. Buong araw din siyang nakaratay at walang kinakain." Pagtatanggol ni Mang Damian.
"Ito o, Sayo na ang isda ko hehe." Natutuwang sabi ni Santana at inilagay ang isda sa plato ng estranghero.
Agad naman kinain ito ng estranghero at ubos agad!
Dumighay pa siya sa labis na kabusugan. Pero gusto pa niyang kumain. Pakiramdam niya ay gutom na gutom siya!
"Hindi pwede ito Damian. Kung gusto mong patirahin dito ang lalaking 'yan. Kailangan niya magtrabaho at ng mapakinabangan! Ang lakas pa kumain! Narinig mo ba ako totoy?" tanong ni Aling Ingrid.
Napayuko si Alejandro at hindi malaman ang isasagot. Tumigil din siya sa pagkain dahil nakakahiya.
Hindi niya maalala kung sino at kung saan siya nanggaling.
Nagpapasalamat siya at may kumupkop at nagligtas sa kanya.
At sumasang-ayon naman siya na magtrabaho.
Kapalit ng matutulayan at pagkain niya.
"Tanungin muna natin si Gardo Ingrid kung pwede na ba siya magtrabaho at magbuhat ng mabibigat. Wala ka ba talagang maalala iho?" ang seryosong tanong ni Mang Damian.
Napataas ng tingin si Alejandro. Mukhang mabait si Mang Damian sa kanya.
"W-wala Po," nahihiya niyang sagot.
Napabuntunghininga nalang si Mang Damian. Gustuhin man niyang umalis na ang lalaki ay hindi pwede. Baka mapahamak pa ito. Ipinagdarasal nalang niya na sana ay magbalik na agad ang alaala ng estranghero para wala na siyang aalalahanin pa.
"Siya, payag ka ba na magtrabaho kapalit ng pagtira mo rito? Makakatulong ka sa pagtatanim at iba pang trabaho." Suhestiyon ni Mang Damian.
Labis na natuwa ang estranghero sa narinig!
"Opo! Kahit anong trabaho ay walang problema sa akin." Masaya niyang sagot.
"Buti naman. Pero kailangan niya ng pangalan Damian. Ano ang itatawag natin sa kanya? Dadoy? Poloy? Rolando?" sunod-sunod na tanong ni Aling Ingrid.
Natawa si Santana at napatingin si Ingrid sa kanya.
"May nakakatawa ba apo?" nagtataka niyang tanong.
"Ang pangit kasi ng mga pangalan na naisip mo Lola, hahaha." Tawa ng inosenteng si Santana.
"Oo nga Ingrid. Masyado kang makaluma hahaha." At napatawa na rin si Mang Damian.
Gustuhin mang tumawa ng estranghero ay kanyang pinigilan. Baka magalit pa si Aling Ingrid at magbago ang isip nito na patirahin siya sa kanila.
"Ewan ko sa inyo. Ang ganda ng mga pangalang 'yan!" Nakasimangot na sambit ni Aling Ingrid.
Biglang naalala ni Santana ang pangalan ng bidang lalaki sa pocketbook na kanyang binabasa!
"Mas maganda ang Darren, Darren Santillan! Ano, nagustuhan mo ba?" masayang tanong ni Santana na nakangiti.
Napatingin si Alejandro sa kanya at nagustuhan niya ang pangalan na ibinigay nito at pati narin ang masayang ngiti ni Santana ay kanyang nagustuhan!
"Darren Santillan..." Sambit ng estranghero sa bago niyang pangalan.
Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nanggaling.
Sa ngayon ay mamumuhay siya sa katauhan ni Darren Santillan.
Ngunit ang tanong niya sa kanyang sarili.
Magbabalik pa ba ang kanyang alaala?
************
Samantalang...
Nagkakagulo naman sa mansion ng mga Montero!
Nahuli sa cctv camera ang pag-alis ni Alejandro at ang driver nito.
At may isa pang hindi nakikilalang lalaki ang sumakay katabi ng driver!
Nag-aalala si Don Antonio dahil hindi ito kabilang sa kanilang tauhan!
Sino ang mga lalaki?!
Mabilis niyang ipinatawag ang lahat upang ipahanap kaagad si Alejandro.
"What are you waiting for?! Go! Umalis na kayo at hanapin si Alejandro!" Malakas niyang sigaw.
Agad na kumilos ang lahat ng kanyang tauhan at naiwan siyang nag-iisa. Sila Allen at Angelo ay kanina pa umalis pero wala pa siyang natatanggap na balita mula sa mga ito.
Masama ang kutob niya at nag-aalala siya para sa anak. It's an ambush!
Walang kamalay-malay si Alejandro na hindi nila tauhan ang driver at nagsama pa ng isang assassin!
Habang siya ay nag-aalala...
Ang isang anino naman sa di-kalayuan ay palihim na tumatawa.
Ngunit napawi ang kanyang ngiti ng makatanggap ng tawag.
Mabilis siyang umalis at lumayo sa pinagtataguan at sinagot ito.
"What?! Hanapin niyo ang bangkay ni Alejandro!" Galit na sigaw nito na halos mapaos na ang boses.
"B-baka b-buhay pa s-siya m-master." Nauutal na sabi ng nasa kabilang linya.
"Hanapin niyo at patayin or I will kill you!" Banta nito.
"Y-yes master," sagot ng kabilang linya.
"Suyurin niyo ang buong San Martin! At tapusin niyo ang inyong misyon kung ayaw niyong kayo ang paglamayan!" Banta nito na halos durugin na ang hawak niyang cellphone.
Alejandro Juanchu Montero Should die!
Bulalas niya sa kanyang isipan at tuluyang itinapon ang kawawang cellphone.