Ligaw Tingin, Pinaghahanap parin

1611 Words
Chapter 3 Nagsimula ng magtrabaho ang estrangherong lalaki na ngayon ay may pangalan na Darren. Ipinakita niya kay Mang Damian at Aling Ingrid ang kanyang kasipagan. At pinatunayan na siya ay may silbi at pakinabang kahit wala siyang maalala. Halos lahat ng gawaing bahay ay siya ang gumagawa. Mula sa pagwawalis ng maaga, pag-iigib ng tubig, pagsisibak ng kahoy, pagtatanim ng mga mangga at maging sa pagluluto ay hindi niya akalain na kanyang magagawa! Sa isipan niya ay baka Chef ang kanyang trabaho noon, bago siya magka amnesia dahil napakasarap niyang magluto at ang ibang putahe na kanyang niluto ay matitikman lamang sa mamahaling restaurant. Habang si Santana naman ay labis ang paghanga kay Darren. Hindi niya namamalayan na unti-unti ng nahuhulog ang kanyang kalooban sa binata. Pinakapaborito niyang kainin ang adobong manok nito. Nagpabili siya ng maraming sisiw para iihawin kapag malaki na. At si Aling Ingrid ay nakaisip ng pinakamagandang paraan ng pagkakakitaan! Dahil nga sa masarap magluto si Darren ay kailangan na nitong panindigan ang pagiging chef o cook niya. Kapag may okasyon tulad ng binyagan, kasalan o kaarawan ay si Darren kaagad ang pinapaluto. Pati na rin kung may namatayan. Wala namang reklamo si Darren, basta't nakakatulong siya at kumikita. Ngayon nga ay nasa binyagan sila ni Santana. Siya ang nagluluto habang ito ang kanyang assistant. Binyag ng anak ng kapitbahay nila at malaki ang handaan. Ang kondisyon na ibinigay ni Aling Ingrid ay hati sila sa bawat kikitain ni Darren sa pagluluto. Malaki ang paghahatian ngayon dahil bongga ang binyagan at makakalibre pa sila sa kainan! "Bilis mo talagang pagpawisan Darren." Sambit ni Santana habang pinupunasan ang pawisang mukha ni Darren. Napatigil si Darren sa ginagawa at napatitig kay Santana. "Salamat Santana," Saad ni Darren at hinawakan ang kanyang kamay na may hawak na panyo. Hindi naman alam ni Santana ang gagawin. Parang matutunaw siya sa malagkit na titig nito! Unang beses niyang kinabahan ng ganito katindi. At napakagwapo ni Darren! Bukod pa doon ay mabait, masipag at magaling magluto. Sino ang babaeng hindi magkakagusto rito? Napakurap-kurap si Santana. May gusto na ba siya kay Darren? Natanong niya sa kanyang isipan. "Hey! Bakit lutang ka ngayon? Dahil ba 'yan sa kagwapuhan ko, huh?" Nakangiting tanong ni Darren. Pinamulahan ng mukha si Santana at agad na binawi ang kanyang kamay na nagpapahid ng pawis sa mukha ni Darren. Nahihiya na siyang tumingin sa binata dahil pulang-pula na ang kanyang mukha. "Magtigil ka nga diyan Darren! Napakadami mo pang lulutuin. Panay ang biro mo diyan." Ang kanyang sagot na hindi tumitingin sa binata. "Hindi nga Santana, Diba gwapo naman ako?" Nagbibirong tanong ni Darren. Sobrang gwapo mo kaya! Sigaw ni Santana sa kanyang isipan. "Ewan ko Sayo!" Sagot niya at agad na iniwan si Darren. Ngunit sa kasamaang palad ay nadapa pa talaga siya! Hinihintay nalang niya na bumagsak ang kanyang pwet sa nag-aabang na semento. Pero imbis na bumagsak ay mainit na mga palad ni Darren ang sumalo sa kanya. Napapitlag siya ng bahagya sa hindi malaman na kadahilanan. Mas lalong namula ang kanyang mukha dahil nag-iinit ang kanyang pakiramdam! "Hindi ka talaga nag-iingat Santana," Sambit ni Darren habang nakatingin sa kanya. At mas lalo itong naging gwapo sa malapitan. Ano ba ang nangyayari sa iyo Santana! Saway niya sa kanyang sarili. Pinilit niyang bumitaw sa pagkakayakap ni Darren ngunit mahigpit ang hawak nito sa kanyang beywang. "Kumukulo na ang sabaw Darren. Magluto na tayo." Sabi ni Santana. "Hayaan mo siya," Mahinang sagot ni Darren. Pakiramdam ni Santana ay matutunaw siya sa mga titig nito. Dahan-dahan lumapit ang mukha ni Darren at hindi na niya alam kung ano ang gagawin! Hahalikan ba siya ni Darren?! "Darren..." Sambit ni Santana. "Tsk! Tingnan mo nga yang mukha mo at may uling pa!" Pinahiran ni Darren ng kanyang kamay ang ilong ni Santana. Imbes na mawala ang uling ay mas lalo itong dumami. May uling din kasi ang kanyang kamay! Napatawa si Darren ng malakas ng makita ang hitsura ni Santana. "Ano'ng nakakatawa Darren?" Nagtatakang tanong ni Santana at bumitaw sa pagkakayakap nito ng makakita ng pagkakataon. Ang buong akala niya ay matitikman niya na ang unang halik. Hindi pala at pinakaba lang siya! Sa lahat ng katangian ni Darren ay ito ang ayaw niya. Ang pagiging palabiro nito. "Wala, magluto na tayo." Sagot ni Darren at iniwanan na siya. At natapos ang binyagan na hindi alam ni Santana ang uling na nasa kanyang ilong. Gustong biruin palagi ni Darren ang inosenteng si Santana. Napalapit na ang loob niya sa dalaga at kinakabahan din siya dahil gusto na niya ito. Alam niya na hindi siya matatanggap nila Mang Damian at Aling Ingrid. Pero hindi niya mapilit ang sarili na huwag gustuhin ang dalaga! Isang ay kinausap siya ni Mang Damian ng masinsinan. "Darren, Ano ang balak mo?" Tanong ni Mang Damian. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Mang Damian. "Hindi ko po maintindihan ang ibig ninyong sabihin," Sagot niya. Napabuntunghininga si Mang Damian. "Tinatanong ko, kung may balak ka ba na hanapin ang sarili mo? Hanapin ang pamilya mo?" Seryosong tanong ni Mang Damian. "Sa ngayon po, ay wala. Ang itinuturing kong pamilya sa mga oras na ito ay kayo. At hindi ko kailangan hanapin ang sarili ko dahil ako si Darren Santillan." Walang gatol niyang sagot. Ayaw niyang umalis sa bayan ng San Agustin. Isipin man lang niya na mapapalayo kay Santana ay hindi niya kaya! "Sana ay magpatuloy ang iyong mabuting pag-uugali. Kung yan ang pasya mo ay wala akong magagawa. Pero oras na magbalik ang alaala mo Darren, gusto kong lisanin mo ang bayang ito." Seryoso parin si Mang Damian. Habang may amnesia pa si Darren ay okay lang sa kanya na manatili ito sa kanilang bayan. Pero oras na makaalala na ito ay kailangan na nitong bumalik sa kanyang tunay na mundo. Hindi naman alam ni Darren kung bakit ang seryoso ni Mang Damian ngayon. Nagpapasalamat nalang siya na wala parin siyang maalala! "Huwag po kayong mag-alala Mang Damian. Aalis ako rito kapag bumalik na ang aking alaala." Pangako niya. Labag man sa kanyang damdamin ay kailangan niyang mangako upang makapanatili muna sa bayan ng San Agustin. Susulitin niya ang bawat oras na kasama si Santana! Kinabukasan ay namitas siya ng mga preskong bulaklak at ibinigay ito kay Santana na hindi maitago ang kilig na nadarama. "Ang ganda at bango ng mga bulaklak Darren," Sambit ni Santana habang inaaamoy ang mga ito. "Wala ng mas gaganda pa sayo Santana." Di-maiwasang bulalas ni Darren habang nakatitig kay Santana. "Ano ang meron at may bulaklak Darren?" Tanong ni Santana. "Gusto ko lang bigyan ka ng bulaklak, napakaganda at presko kasi." Ang kinakabahan na sagot ni Darren. Bakit hindi niya masabi na manliligaw na siya?! Kanina lang ay napakalakas nang loob niya at desidido ng manligaw kay Santana. Ngayon ay bigla siyang naduwag! Bigla sila nakarinig ng tunog ng gitara at boses ng isang lalaki na kumakanta! Mabilis silang nagtungo sa harapan ng bahay nila Santana upang tingnan kung ano ang meron. Si Pedro! May dalang gitara at naka-postora sa suot nitong barong tagalog. Madamdamin ang kanyang pagkanta na nakatingin sa bintana ng kwarto ni Santana. Hinila ni Darren si Santana pabalik at nagtago sa mga tanim ni Aling Ingrid. Ang aga naman umakyat ng ligaw ni Pedro. Uunahan pa talaga siya! Hiyaw ng isipan ni Darren. "Darren, Bakit andito si Pedro? Tinapat ko na siya noon na ayaw ko sa kanya." Ang naiinis na sabi ni Santana habang nakasimangot. Noon pa nanliligaw si Pedro sa kanya at sinabihan na niya na ayaw niya rito. Bakit bumalik na naman ito? At sa umaga pa talaga nanligaw! Naiinis na bulong ni Santana. "Malay ko Santana, marami palang nanliligaw sayo?" Tanong ni Darren. "Hindi naman marami. Pero ayaw ko sa kanila!" Nagmamaktol na sagot ni Santana. Napangiti si Darren ng lihim. Buti naman at walang gusto si Santana sa mga ito. May pag-asa pa siya! Natapos ang kanta ni Pedro at lumabas si Aling Ingrid na napakalawak ng ngiti. "Pedro! Halika, tuloy ka. Santana pumanaog ka dito. May bisita ka!" Masayang sigaw ni Aling Ingrid habang nakatingin sa mga regalong dala ni Pedro. "Pumasok kana sa loob Santana," Nagseselos na sambit ni Darren. "Ayoko Darren! Halika at tumakas tayo hehe." Hindi na nakasagot pa si Darren ng bigla siyang hilahin ni Santana. Masaya silang tumatakbo papunta sa may ilog. Para kay Darren ay ayaw niyang matapos ang mga sandaling ito at para naman kay Santana ay ito ang pinakamasayang nangyari sa kanya. Naging makulay ang kanyang pagtakas sa kanyang manliligaw kasama si Darren. Nagtampisaw sila sa ilog at masayang naghabulan na parang mga bata. ******************** MONTERO MANSION Habang sa mansion ng mga Montero ay nagkakagulo parin. Natagpuan na ang sasakyan ni Alejandro na nasunog ngunit pinaghahanap parin kung nasaan na siya! Palaging bigo Ang mga tauhan ni Don Antonio sa paghahanap. Sila Allen at Angelo ay araw at gabi na walang tigil sa pagsuyod sa buong lungsod ng San Martin. Ngunit walang Alejandro na nakita. "Huwag kayong tumigil Allen! Alam ko na buhay pa si Alejandro. Ang mga assassin? Nahuli na ba?" Galit na tanong ni Don Antonio. "Hindi pa Dad. Pero huwag kang mag-alala, hahanapin namin si Alejandro and I will make sure na magbabayad ang dalawang assassin!" Sagot ni Allen na nakakunot ang noo. Natagpuan nila ang sunog na kotse pero si Alejandro ay hindi parin nila makita! Nasaan kana Alejandro? Tanong niya sa kanyang isipan. Hindi man lang napansin ni Allen at Don Antonio ang aninong nakakubli na nakamasid lamang sa bawat galaw nila! "Tsk! Alejandro will never come back. I'll make sure of that!" Galit na bulong nito. Makikita pa bang muli si Alejandro?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD