Tatlong palitan ng damit later na in-approve pa ng boyfriend ko bago kami nakaalis ng bahay. Hindi niya ako tinantanan hangga’t hindi ang gusto niyang longsleeved turtleneck shirt at fitted pants ang isinusuot ko. Pinagsuot pa ako ng cap at shades. Daig ko pa ang artista na nakadisguise. Maskara o stockings sa mukha na lang ang kulang at mukha na akong miyembro ng akyat bahay gang. “Kailangan ba talaga naka ganito? Maayos naman ang mga nauna kong suot ah. Alam ko malamig, pero hindi naman to the extent na mukha na akong suman!” Pagmamaktol ko kahit na nakangisi lang siya. Gusto ko tuloy siyang lagyan ng sako sa ulo para makaganti. Siya nga ang laging pinagtitinginan ng mga tao tapos ako ang pinagcover niya ng husto. “Una, masyadong maiksi ang shorts mo, giginawin ka. S

