Mabilis namang lumipas ang mga araw at mga linggo. Ay tuluyan ko ng nakasanayan ang pamumuhay namin dito sa Japan. Halata na din naman ang paglaki ng aking tiyan na ngayon ay nasa 4th month na. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi alam ni Hendrix. Dahil na din sa pakiusap ni Nanay na huwag ko ng sabihin pa kay Hendrix. Upang hindi na magulo pa ang lahat. Habang si Amina ay ipinasok namin sa Hoikuen or sa madaling salita ay parang nursery or daycare center naman sa Pilipinas. Upang maalagaan siya at may gumabay din sa kanya habang busy naman kami Chris sa kanya-kanya naming trabaho. May pagkakataong nami miss ko ang buhay ko sa Pinas. Kung saan nasa bahay lang ako masayang inaalagaan si Amina at Hendrix. Ngunit sabi nga ay hindi naman maaari ang palaging ganon lang. At higit sa lahat ay ang

