Huminga pa ako ng malalim.. "Salamat po sa paalala mo Ninang." Sabi ko nalang bago dumiretso sa banyo upang maligo. "Sige Hendrix, siguro ay sasabay na din ako mamaya pag-alis mo, dahil kailangan ko na din maka uwi." Sabi nalang niya habang patuloy pa ding nakaupo sa couch. "Ok po Ninang. Baka nga hinahanap ka din ni Ninong niyan diba. Nakakahiya tuloy sa kanya, dahil naabala ka pa namin." Tanging nasabi ko nalang. "Hmp wala naman problema don, abala din naman yon sa maraming bagay. Kaya nga yata palagi akong may oras sa mga ibang bagay. At masaya naman akong gawin ito." Nakangiting sabi pa niya. Hindi naman na ako kumibo at tuluyan ng tumalikod sa kanya. *** Sabay na din kaming umalis ni Ninang. Nag prisinta pa akong ihatid siya sa bahay niya at pumayag din naman siya. Isa pa ay h

