Chapter 3 SURROGATE MOTHER

1398 Words
LUMIPAS ang isang buwan ngunit wala pa rin silang mahanap na puwedeng maging surrogate mother. Pero nanatili naman na maging sweet ang mag-asawa. Time will come, hintay lamang sila. Nanamnamin muna nila ang isa't isa. Hanggang sa marinig ni Melody ang usapan ng magkaibigan sa likod ng mansion. Nasa may terrace siya nakaupo nang araw na iyon. Nasa trabaho naman ang asawa nito. ‘‘Promise ko sa 'yo, Jane, kapag itong project namin natapos, malaking kabayaran ang matatanggap namin. At sigurado ako na may pang down na tayo para makapagpa-opera ka na nang mga mata mo,’‘ rinig ni Melody na saad ni Edmark. Isa itong Engineer na ngayon ay nagtatrabaho sa isang firm. Ulila ito dahil namatay ang mga magulang nito sa car accident noong bago ito matapos nang high school. Dahil na rin sa masipag itong mag-aral at may naiwan na pamana ang magulang nito sa kanya, nagawa niyang magtapos kahit paano. Kapitbahay nila ito sa bahay ng mga magulang niya. Pero hindi sila naging close. Dahil ang mundo lamang ni Melody noon ay si Alex. ‘‘Naku, Edmark, tumigil ka nga riyan. Hindi ko tatanggapin iyang inalok mo, no. At saka nakakahiya. Ang dami mo ng naitulong sa akin, sa amin ng pamilya ko, kaya sapat na iyon. Huwag mo nang isipin pa ang pagpapagamot ko. Magagawa ko rin magpagamot gamit ang ability ko. Kahit bulag ako, siguro naman may mai-o offer ako na paraan para kapalit sa pagpapagamot ko, hindi ba? Ayaw kong iasa lahat sa iyo, maging sa pamilya ko. Napakatagal ko nang pabigat sa inyo. Ako na lamang ang hahanap nang paraan kung paano ako makapagpagamot,’‘ confident at mahabang litanya ng dalaga sa kaibigan. Hiyang-hiya na rin si Jane sa mga taong nakapaligid sa kanya. At age of twenty six dapat may achievement na siya, pero dahil sa wala siyang paningin, wala pa siyang naaabot kahit isa. Hangga't maaari, gagawa siya nang paraan para sa sarili niya. Sa narinig na usapan ng dalawang magkaibigan, tila nagkaroon ng idea si Melody kung sino ang kukunin niyang surrogate mother. Hindi na masama dahil kilala niya na ang dalaga. At isa pa matutulungan niya ito. Sumapit ang hapunan at sabay na kumakain sina Melody at Alex. Pinagsisilbihan naman sila ni Aling Perla. Kahit may ibang katulong na gagawa niyon, ayaw nitong ipasa sa iba. Ani ng ginang ay masaya na siya sa ginagawa niya kapalit nang pagiging mabuti ng mag-asawa sa kanila. Kanina nang dumating si Alex naimungkahi na ni Melody sa asawa ang idea na si Jane na lamang ang kunin na surrogate mother. Noong una ay hesitate ito pero kalaunan ay pumayag na rin. Since wala pa rin naman budget mula sa charity ng ama ni Alex para sana maging sponsor ng dalaga sa operasyon, bakit hindi na lamang sila ang gumawa noon? Kaya walang pag-aalinlangan na pumayag ang lalaki. ‘‘Ya, busy ka? Puwede ka bang makausap?’‘ bungad na tanong ni Melody sa kanilang mayordoma. ‘‘Hindi, naman masyado, anak. Ano ba iyon?’‘ tanong ng ginang matapos ilapag ang hinain na ulam sa lamesa. ‘‘May sasabihin sana ako, Ya, eh, pero sana huwag kang magagalit, ah?’‘ malambing na wika ni Melody. Kinakabahan siya baka hindi pumayag ang yaya niya sa imumungkahi niya, pero desperado na silang mag-asawa para magkaroon ng anak. ‘‘Kung mangungutang ka, Anak, walang pera ang yaya,’‘ pagbibiro nito na ikinatawa naman nilang dalawa. Tahimik at nakikinig lamang si Alex. Hahayaan niya na muna ang asawa na makipag-usap rito. ‘‘Yaya, talaga ang daming biro. Anyway, hindi ba alam mo naman na naghahanap kami ng surrogate mother?’‘ wika ni Melody na tila dinadahan-dahan ang yaya nito sa sasabihin. ‘‘Oo, naman. Bakit mo naman natanong, anak?’‘ usisa ng ginang. ‘‘Kasi po . . . Ahm, napag-usapan namin ni Alex, kung puwede bang si Jane na lamang ang kunin namin maging surrogate mother? Pero kapalit naman po noon, ipapagamot namin ang kanyang mga mata. Payag ka ba?’‘ mahinahon pero kabadong saad ni Melody. Napasinghap naman ang ginang sa sinabi nito. ‘‘Naku po, anak, mukhang mahirap yata iyang sinasabi mo? Aba, eh, napaka-inosente pa ng anak ko sa bagay na iyan at isa pa, hindi ko rin alam kung papayag si Jane. Napakalaki ng responsibilidad iyan, anak, Melody. Parang nakakatakot isipin,’‘ kabado at natatakot na sagot ng ginang. Natatakot na baka masira ang pamilya ng mga ito dahil doon o baka naman hindi kayanin ng anak niya ang pagbubuntis. Wala pa namang karanasan ang anak niyang dalaga sa ganoong bagay. Masyado lamang siyang protective na ina. Habang seryosong nag-uusap ang mga ito, agad naman pumasok nang kusina ang magkapatid na Totoy at Jane. ‘‘Magandang gabi po, Sir, Ma'am,” bati ni Totoy. ‘‘Magandang gabi po, Sir, Ma'am,’‘ bati rin ni Jane na ginaya ang kapatid. Hindi nito alam na narito pala ang mag-asawa sa kusina. ‘‘Magandang gabi rin sa inyo, Jane at Totoy. Upo ka muna, Jane. May sasabihin sana kami sa iyo. Iyon ay kung papayag ka sa kondisyon namin,” saad ni Melody na diretsong kinausap si Jane. Nahihiwagaan man ang dalaga ngunit pumayag na lamang ito. Sa isip nito ay baka good news ang balita na hatid ng mga amo. Tumango lamang si Alex sa dalawang bagong dating kahit na hindi ito nakikita ni Jane. Iginiya naman ni Totoy ang ate nito para makaupo kaharap ang mag-asawa sa dining table. At tumayo sa gilid ng kapatid. Kabado ang ina ni Jane habang nakahanda naman makinig ang huli. ‘‘Napag-usapan kasi namin, ni Yaya Perla, Jane . . . Ku-kung gusto mong kami na lang ang magpagamot sa mga mata mo, pero may kondisyon,’‘ agad na wika ni Melody. ‘‘A-ano po iyon, Ma'am?’‘ nauutal na tanong ng dalaga. Biglang kinabahan ang dalaga maging ang kapatid at Ina nito. Tahimik lamang si Alex habang nagsasalita ang asawa. He respect his wife, that's why. ‘‘Ang kondisyon sana namin, kung maaari ka bang maging surrogate mother ng magiging anak namin ni Alex?” sa narinig na inusal ni Melody sa dalaga tila tumigil ang mundo nito. Tila pina-process sa isipan kung tama nga ba ang narinig niyang sinabi nito. Parang pati tainga ata ng dalaga ay naging depekto na rin. ‘‘A-ano po ulit iyon, Ma'am? Puwede po bang pakiulit? Tila nabingi po yata ako roon?’‘ nauutal na sagot ng dalaga habang nakatingin sa kawalan. Inulit naman nito ang sinabi kanina at doon niya napagtanto na tama nga ang narinig. ‘‘A-ako po, su-surrogate mo-mother? Pa-paano po iyon, Ma'am? Wala pa po akong karanasan sa ganyan. Hi-hindi ko rin po alam, kung paano ko gagampanan po iyan?” patuloy na malakas ang pagkabog nang dibdib ng dalaga. ‘‘Hindi ka naman sisipingan ng asawa ko, Jane,” natatawa na saad ni Melody. ‘‘Rest assured walang magaganap na ganoon. Bali insimination ang gagawin sa iyo. Injection. Ipapasok ang semilya ng asawa ko sa sinapupunan mo para doon mabuo ang magiging anak namin. Kung payag ka lang naman? At saka ayaw mo noon, makakakita ka na rin kung sakali man maipagamot ka namin?’‘ pagpapaliwanag ni Melody sa kanya. Sa narinig, pagkakataon niya nang makakita ay tila isang bombilya naman iyon sa utak niya. Ang minimithing makita ang mundo ay tila magaganap kung papayag siya. At ang pangarap na makakatulong na siya sa ina at kapatid ay matutupad oras na bumalik na ang paningin niya. Kabado man at labag sa loob ang nabuong desisyon sa sarili, pero determinado ang dalaga na tanggapin ang alok ng mag-asawa sa kanya. ‘‘Since wala pa akong mahanap na sponsor para sa iyo, kami na lang ng asawa ko ang gagawa no'n, kung papayag ka sana, Jane?” tila nagsusumamo at medyo malambing na pagkakasabi no'n ni Alex sa dalaga. Hindi malaman ng dalaga ang biglang pagkabog nang dibdib niya nang marinig ang pakikiusap ng among lalaki. Sa huli tumango siya rito at sumagot sa mga ito. Na ikinabigla ng ina nito. ‘‘Pu-pumapayag po ako, Ma'am, Sir. Kung ito po ang paraan na makakita ako, at magkaanak kayo. Pa-payag po ako,” nahihiyang sagot niya sa mga ito kasabay sa pagyuko ng ulo. Bahala na. Iyon na lamang ang nasa isip ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD