Chapter 2 HINDI MAGKAKA-ANAK

2737 Words
KINABUKASAN, maagang nagising si Alex dahil sa meeting sa bagong developer nila. May condo building silang project ngayon at kailangan niya maisa-ayos ang bagong proyekto. Dahil high end condo building ang itatayo ng kompanya nila. Malaking pera rin ang ilalabas niya, kaya kailangan pulido ang bawat detalye. Maging sa mga materyales ang gusto niya matibay at de kalidad. Nasa Centro kasi sa syudad nang Manila ang naturang proyekto. Agaw pansin sa mga turista, mayayamang negosyante at mga alta sociedad, ang magiging condo nila. Kapag maganda ang output, maraming kliyente ang dadagsa. Iyon ang nasa isip niya. Tulog pa ang kanyang mahal na asawa kaya hindi niya, ginising pa ito. Malamang pinagod niya nang nakaraang gabi. Napapangiti na lamang siya habang naiisip ang kapilyuhan niya sa asawa. Mabilis siyang naligo at nag-ayos ng sarili bago lumabas nang silid. Hinalikan niya muna ang asawa at tumungo na pababa papunta sa kusina. ‘‘Anak, kailan daw bibisita, si Edmark, dito? Nakapag-paalam ka ba roon sa kababata mo, na lumipat na tayo ng tirahan? Naku baka umiyak 'yun kapag hindi ka makita nang isang araw.’‘ Boses iyon ng kanilang mayordoma na si Aling Perla. Palabiro at masayahin ito, dahilan para hindi siya nagdalawang-isip na kunin ito sa magulang ng kanyang asawa. ‘‘Si Nanay, talaga kung ano-ano ang sinasabi. Opo, nagpaalam po ako sa kanya. At sinabi ko rin kung nasaan tayo, ayon na rin sa sinabi ninyong address dito sa bagong tirahan nila ma'am Melody at ng kanyang asawa. Kasama ko pa nga si Totoy, eh. 'Diba, Totoy?’‘ Baling nang boses na bago sa pandinig ni Alex. Hindi niya pa naririnig ang boses ng anak ni Aling Perla, ngayon lamang. Dalawang beses niya itong nakita noon sa kabilang bahay, pero hindi niya nasilayan ang itsura nito, dahil mabilis itong nawawala sa paningin niya. ‘‘Aba, wala akong alam d'yan, Ate. Kayo nag-uusap ni Kuya Edmark, eh. May pa-sekreto pa nga kayong dalawa. Kung 'di ko pa alam, pinopormahan ka ng kaibigan mo, Ate, no?’’ wika naman ng boses binatilyo na tila inaasar ang kapatid nito. Palapit na si Alex sa kusina at dahil malalakas ang boses ng mga taong nag-uusap sa kusina ay rinig niya ang lahat. Pagkarating niya sa kusina bumungad sa kanya ang mag-ina na nag-aasaran habang si Aling Perla ay naghahanda nang almusal nila. ‘‘Naku, 'Nay, huwag kang nagpapaniwala kay Totoy. Gumagawa na naman nang kuwento 'yan. Paano naman ako magugustuhan ni Edmark, eh, bulag ako. Magiging kargo n'ya pa ako kapag nagkataon. At saka hindi ko rin alam ang itsura niya. Ayokong maging pabigat sa nag-iisang tao na umuunawa sa akin. Sa inyo pa nga lang alam ko hirap na kayo, eh. At isa pa, huwag kang issue riyan, Totoy, may kunyat ka sa akin mamaya. Baka mamaya may makarinig sa iyo, sabihin pang malandi ang isang bulag na tulad ko,’‘ wika ni Jane na tila may lungkot sa tono ng boses. ‘‘Mukhang hindi ka naman magiging pabigat kay, Kuya Edmark, Ate, eh. Rinig ko pa nga, sabi niya pag-iipunan niya ang pagpapagamot sa iyo para makakita ka na. 'Diba may bago siyang project? Malaki raw bayad doon sabi ni kuya. Eh,'di may chance na siya sa iyo, hindi ba? Naks! Ang Ate, kinikilig,’‘ muling pangaasar na sagot ni Totoy. Iyon ang bumungad at narinig nang maayos ni Alex pagkapasok niya sa kusina. Tila naaawa naman ang lalaki sa narinig rito. Alam niya ang kuwento ng mag-ina ayon na rin sa sinabi ng kanyang asawa. Nakakalungkot man na maaga ang mga itong naulila sa ama, pero sa nakikita niya ay masaya naman ang mga ito kahit na kulang sa padre de pamilya. Ayon sa asawa niya, halos kalaro at sabay na nitong lumaki ang dalagang si Jane, ngunit kahit minsan hindi ito masyadong naglalapit sa mga tao maliban na lang sa lalaking nagngangalang Edmark. At tila parang may kurot iyon sa kanya. ‘‘Good morning, 'Nay Perla, Totoy, at Jane. Kumusta kayo?’’ bati niya sa tatlong tao na nasa kusina. Ang mayordoma nila ang nakatoka sa pagluluto dahil kilala na ito ng asawa niya at mas may tiwala ito rito kaysa sa ibang kasambahay nila. Tila naman kinabahan at nagulat si Jane. Mabilis itong tumayo at agad naman lumapit si Totoy sa kanya. ‘‘Saan ka pupunta, Ate? Hindi ka pa tapos sa almusal mo,’‘ wika ng kapatid habang inaakay siya palayo sa kinaroroonan ni Alex. ‘‘Ta-tapos na ako, 'Toy, pasok na uli ako sa kuwarto. Halika na!’’ Pag-aaya sa kapatid nito. Bago ito umalis ay bumati naman ito pabalik kay Alex. ‘‘Good morning po, Sir Alex. Mabuti naman po kami. Salamat po sa pagtatanong.’’ Sabay harap niya sa kinaroroonan ng among lalaki. Tila naman na-estatwa si Alex nang masilayan nang malapitan si Jane. At ngumiti ito, kahit na hindi nito alam kung ano ang reaction ng kausap. Maganda ang dalaga, matangkad at balingkinitan ang katawan. Bagay na maipagmamalaki ng ilan. Nakakahawa ang pagiging charming nito. Boses pa lang parang hinihele na siya sa duyan. Hindi maunawaan ni Alex ang biglang pagkabog nang dibdib niya. Pero binalewala na lamang iyon at sinagot ang dalaga. ‘‘Walang anuman,’’ sagot niya rito at bumaling kay Aling Perla. ‘‘'Nay Perla, pahain na lamang po sa dining, maaga pa kasi ang meeting ko baka hindi na ako makakain mamaya,’’ saad ni Alex bago tumungo sa mahabang lamesa na kanina lamang ay naroon nakaupo ang dalagang si Jane. ‘‘Ah, sige, hijo, malapit na rin maluto ang sinangag, ihahain ko agad ang mga ito. Good morning rin sa iyo. Gusto mo ba ng kape, hijo? Ipagtitimpla muna kita. Pasensya ka na at medyo napasarap lamang nang kuwentuhan sa mga anak ko. Bihira lamang kasi namin gawin ito kapag magiliw ang gising ng aking anak na babae.’’ ‘‘Okay lang po, ‘Nay Perla. Bakit minsan magiliw? Ano po ang ibig ninyong sabihin?’‘ tanong rito. ‘‘Ah, iyon ba? Minsan kasi nawawalan na ng pag-asa ang anak ko, kung makakakita pa ba siya o hindi. Kung hindi lamang namatay nang maaga ang aking asawa, dapat ay naipagamot na namin siya noon, sa edad na dose. Pero dahil sa pagkawala nito, naubos rin ang ipon namin noon, para sa operasyon. Nagpapahanap nga kami ng donor nang mata o ‘di kaya may magandang puso na mag-sponsor para sa operasyon niya. Kahit anong trabaho ipagawa sa akin ay gagawin ko, makakita lamang ang anak ko, Sir,’‘ malungkot na ani ng ginang. Dahil sa narinig tila naantig naman ang puso ni Alex para sa dalaga. DALA ni Alex ang alalahanin tungkol kay Jane nang bumalik sila ni Melody sa OB-Gyn nito. ‘‘I’m sorry Mrs. Espinosa, according to our test results regarding your fertility problem, I’m very sorry to say but you can’t bear a child. According to the tests that we conducted to you because of some structural problems such as your fallopian tubes,uterus or ovaries. You are failing to ovulate sa sinapupunan mo. Maybe you can’t recognize it, as what we asked you, before we proceed the test are, your monthly period is irregular. Which is one of the reasons kung bakit walang mabuo sa sinapupunan mo dahil hindi napa-function ng mabuti ang egg cells mo or should I say, locked of reproduce egg cells at may bukol sa loob nito,’‘ malungkot na balita ng doktora sa mag-asawa. Tila isa naman iyong bomba sa pandinig ni Melody. Ang pangarap niyang maging ina ay hindi na matutupad pa. Hindi niya na masyado pang naintindihan ang sinabi ng doctor dahil naka-focus ang utak niya sa sinabi nito na hindi siya puwedeng magkaanak. Aminado siyang kung dadatnan siya nang period ay madalas inaabot ng tatlong buwan. Ang akala niya noon iyon ay normal lamang. At kapag dumating naman ay para siyang paralisado na halos hindi makagalaw dahil sa muscle cramps nang pagkakaroon niya nang buwanang dalaw. Nang mag-sink in sa utak niya ay nagwala siya sa loob nang clinic ng doctor. Malungkot ang lahat maging magulang nila ay kasama nilang magpatingin para maka-sigurado sa magiging resulta. ‘‘Hindi maaari! Hindi puwede ang sinasabi mo, Doc. Normal ako, magkakaanak ako. Magiging ina ako! Mahal, hindi ba magiging ina ako? Hindi ba makakabuo tayo? Mom, Dad, normal po ako. I can bear my own child! I think nagkamali ka lang nang test sa akin, Doc. We need to consult another OB, Mahal. I think mali ang resulta nila rito. Come on, we have to find a new doctor!’‘ halos mabaliw na sigaw at pagwawala ni Melody sa naturang clinic. ‘‘You . . . can't bear my child?’‘ usal ni Alex na nanlulumo at naluha na lamang. Ang pangarap niyang anak ay tila drawing na lamang. Bigla naman nilapitan ni Matthew ang anak dahil sa pagkabigong maging ama. Niyakap niya ito nang mahigpit. Nagwawala si Melody at ayaw naman siyang lapitan ng asawa. Tila diring-diri sa kanya sa nalaman mula sa doctor. Mabilis naman na umawat ang mga magulang nito, sa babae. Walang maapuhap na salita ang kaya nilang ibigkas. Umiiyak rin ang mga nanay nila sa awa kay Melody. ‘‘'I'm sorry po, Mrs. Espinosa, pero kahit saan po kayo magpatingin I'm sure same reason din po ang ibibigay ng doctor sa iyo. At saka delikado rin po kung mabubuntis man kayo. Baka sa labas ng matris ninyo mabuo ang bata. Mas risky iyon sa magiging buhay ninyo ng anak mo. I am very sorry for the result,’‘ malungkot na wika ng doctor at lumabas muna ito para mabigyan ng pagkakataon ang pamilya na mag-usap sa loob ng clinic. Naipaliwanag niya na ang lahat sa mga ito. Isang taon na ang nakalipas nang magdesisyon na silang magpatingin. Pinipilit ni Alex na magpatingin na ang asawa noong una pa lamang pero ayaw nito. Dahil noong una akala nito normal lamang na delay madalas sa regla si Melody. At umaasa na buntis na nga ito, ngunit makalipas ulit ang tatlong buwan, at saka na naman ito dadatnan, at kahit si Alex ay nakikita niya kung paano mag-suffer ang asawa tuwing may buwanang dalaw. At iyon nga ang araw na sinamahan na sila ng mga magulang nila sa kakilalang bihasa na OB-Gyne para malaman kung ano nga ba ang nangyayari? Pero sa balitang gumimbal sa kanila, parang nawalan nang gana si Alex para sa asawa. Shock, nanlulumo at kung ano-ano pa ang nararamdaman ng lalaki. Sa tuwing lalabas siya, naiinggit siya sa mag-anak na masayang naghaharutan sa parke o sa mall kasama ang mga anak. Iniisip niya na sana isa rin siya ang gano'n. Pero tila mailap ang tadhana sa kanya at sa asawa na matupad ang minimithing pamilya. Simula nang araw na iyon, naging malamig na ang pakikitungo ni Alex sa asawa. Hindi na siya madalas tumabi rito, maging sa pag-uwi ay madalas gabing-gabi na ito dumating at minsan lasing. Wala namang sawa sa paghihintay si Melody sa asawa kahit na mapuyat pa ito. Nauunawaan niya naman ang lahat. Kasalanan niya at hindi siya naging maingat noon pa lamang. May pera naman sila para makapag-pacheck up noon, pero hindi niya iyon iminungkahi sa magulang para masolusyunan sana nang maaga at baka may chance pa na magkaanak siya. ‘‘Hija, gabi na, magpahinga ka na lamang sa kuwarto mo at doon mo hintayin si Alex, pag-uwi. Baka magkasakit ka na niyan, anak. Hindi na maganda, gabi-gabi ka na lamang napupuyat,’‘ wika ni Aling Perla sa alaga nito. Naawa ito sa kalagayan ni Melody, dating masayang babae, pero ngayon ay tila nawalan na nang buhay at sigla ang alaga. At kahit ito ay nalulungkot sa nalamang resulta tungkol sa hindi nito pagkakaroon ng anak. ‘‘Ya, ano po ba ang dapat kong gawin upang bumalik muli ang sigla at pagmamahal ni Alex sa akin? Nawawalan na po ako nang pag-asa, Ya. Ayaw ko po na humantong sa hiwalayan ako ng asawa ko, dahil lamang sa hindi ako magkaanak,’‘ malungkot na saad ni Melody na tila naiiyak. ‘‘May awa rin ang Diyos, anak. Huwag kang panghinaan ng loob. Hindi lahat ng problema ay solusyon ang mawalan ng pag-asa o sumuko. Habang nabubuhay tayo ay may pag-asa. Bakit hindi mo gayahin iyong mga mayayaman na hindi magkaanak? Hindi ba naghahanap sila ng ibang tao para buuin ang anak nila sa sinapupunan nito? Hindi sa inuudyukan kita. Pero kung iyon lamang ang paraan upang mabuo kayo ng asawa mong muli. Bakit hindi, ‘diba?’’ pagpapayo ni Aling Perla sa alaga nito. Ayaw niya man imungkahi ang ganoon, pero kung iyon lamang ang solusyon sa problema ng mag-asawa, mas maganda pa nga na gawin nila iyon. ‘‘Pag-iisipan ko, Ya. Tatanungin ko na rin si Alex about that. Maybe it will work for us,’’ sagot naman nito. Tila nakuha ang point ng ginang. Tila napaisip din si Melody sa idea na iyon. Marami na siyang nababasa na article about sa mayayamang tao-- if they can’t bear a child then rent a womb is the key. At sa tingin niya maganda iyon dahil sa mga nakita niyang couple, who already made that, mas naging united at masaya ang pamilya nila. Tumungo na ng kuwarto si Melody at gayon din ang yaya nito. Bukas sisikapin niyang makausap ang asawa at i-mungkahi ang surrogate mother. Kinabukasan, maagang nagising si Melody at nakita niyang tulog pa si Alex sa tabi niya. Napangiti siya dahil ngayon na lamang ito tumabi sa kanya. ‘‘Good morning, Mahal ko.’‘ Bati niya rito at hinalikan sa labi ang asawa. Nagising naman agad ito. Nangangalumata pa dahil sa puyat, gabi-gabi. ‘‘Good morning,’‘ balik na bati nito at bumalikwas nang bangon. Akmang tutungo na ito sa banyo upang maligo ngunit pinigilan agad iyon ni Melody. ‘‘Wait lang, Mahal ko. May sasabihin sana ako sa iyo kung okay lang,’‘ pagsusumamo nito sa asawa. Tumango naman si Alex at naupong muli sa kama. Naaawa na rin siya rito dahil sa ginagawa niyang pag-iwas. Ngunit nagising siya sa katotohanan na hindi lahat nang happy ending ay happy. Naalala niya pa ang payo ng kaibigan niyang si George. Dahil halos gabi-gabi niya rin itong kasama para lamang maibsan ang lungkot na nadarama. ‘‘Buddy, womanizer man ako, pero pagdating naman sa babaeng pakakasalan ko, kahit ano pa ang flaws niya, tatanggapin ko. Kasama iyon sa sinumpaan ninyong mag-asawa,‘diba? In sickness and in health, sa hirap at ginhawa, magkatuwang kayo sa pagharap at pagresolba ng problema. Maraming paraan kung tungkol sa pagkakaroon ng anak. Magdasal ka at umasa sa himala.’‘ Iyon ang huling kataga ng kaibigan niya bago sila maghiwalay galing sa bar na pinuntahan nila. Madalas na siyang nagpapakalasing mula nang gumuho ang mundo niya dahil sa hindi mabubuntis kailanman ang asawa. At ngayon handa siyang makinig muna sa asawa at pagkatapos ay kakausapin niya rin ito kung ano ang puwede nilang maging solusyon sa problema nila. Ngunit mukhang may idea na ang asawa niya dahil sa narinig mula rito. ‘‘Mahal, naisip ko lang kung hindi ako puwede magkaanak, baka naman maaari tayong kumuha ng surrogate mother para sa magiging baby natin? Manggagaling sa iyo ang semilya at ibang sinapupunan ang paglalaanan natin para mabuo ang future baby. Matatanggap ko naman iyon, mahal ko, dahil sa iyo naman galing iyon. Natatakot ako na dumating ang araw na hiwalayan mo ako dahil lamang sa hindi ako magkaanak. Ayokong mangyari iyon, mahal ko. Handa akong gawin ang lahat huwag lamang mangyari ang kinatatakutan ko na maghiwalay tayo,’‘ malungkot na saad ni Melody sa asawa. Tila nauunawaan naman niya ito. At walang pag-aalinlangan na pumayag siya sa mungkahi nito. Kung ito ang paraan to save their marriage he will do it for his family. Ayaw niya rin naman mangyari iyon. ‘‘Okay, if this will be the answer to our problems, then so be it. Let’s find a surrogate mother,’‘ nakangiti niyang wika sa asawa. ‘‘Really? You mean, pumapayag ka? Talaga? Talagang-talaga?’‘ exaggerated na wika ni Melody. Akala niya hindi na masasagot at maayos pa ang problema nilang mag-asawa. Niyakap niya ito nang mahigpit. ‘‘Thank you, mahal ko. I love you so much!’‘ Masaya ang puso ni Melody dahil sa pagpayag ng asawa. Niyakap rin siya nito. ‘‘Sana mag-work out,’‘ piping dasal na lamang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD