ISANG linggo, mula nang manganak si Jane. Hindi umaalis sa tabi niya si Alex. Anuman ang kailangan niya, ito ang unang magbibigay no'n. Kahit na kaya naman kumilos ng dalaga, pero hindi siya hinahayaan ng lalaki. Nag-eenjoy naman sa baby si Melody. Siya ang madalas na nakatuka para alagaan ang baby. Feel na feel niya ang maging ina ni Baby Luke. Hindi niya na masyado pang iniintindi si Alex dahil nakatuon sa baby ang kanyang atensyon. Naroon pa rin sa katabing kuwarto nila ang dalaga tumutuloy. Kalalabas lamang nito ng hospital. Masaya at nag-eenjoy ang lahat sa bagong miyembro ng pamilya. Abala si Jane na ayusin ang kanyang higaan ng biglang pumasok si Alex sa kuwarto niya. "How are you, Baby?" Tanong nito nang makalapit sa kanya. Hinagkan siya sa noo ng lalaki. Nabigla siya s

