Mabilis na nagbibihis si Jane. Hindi na siya masyado pang naglagay ng kolorete sa mukha. Hindi rin naman siya sanay. Natural beauty lamang ang mayroon siya. Plano niya kausapin si Alex mamaya tungkol sa kanila. Masyado na siyang nako-konsensya sa mga nangyayari. Hindi na magkasundo ang lahat dahil sa ginawa niyang magmahal na hindi naman dapat pa dahil pagmamay-ari na ito ng iba. Kung natuturuan lang sana ang puso, ginawa niya na, hindi sana naging ganito ang resulta. Masyado siyang nagpadala sa tukso at hindi nag-isip ng tama. Ilang sandali pa natapos na siya sa pag-aayos nang makarinig siya ng busina ng sasakyan sa labas. Hudyat na dumating na si Alex. Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto upang mabungaran lamang ang ina nito. “Decide and tell him, hija. Ikaw lang puwedeng kuma

