Tanghali na sila nagising ni Jane. At halatang napagod niya nga ang dalaga. Nanlalambot pa rin ito, kaya nagpadeliver na lamang siya ng pagkain nilang dalawa. Malambing at mahigpit siyang nakayakap sa dalaga habang nakahiga sila sa kama. Binihisan niya ito kaninang madaling araw, dahil hindi na nakabangon pa ang mahal niya sa pagod ng ginawa nila. Napapangiti siya habang iniisip ang mga iyon. “I love you, Baby. Kapag naging maayos na ang lahat, magpapakasal tayo, sa kahit saan simbahan mo gusto,” sambit ni Alex sa dalaga. Hindi alam ni Jane kung sasagot ba na oo, o manatiling tahimik na lamang. Ngunit hindi niya rin kaya na huwag sumagot sa lalaki. “Sigurado ka ba sa iniisip mo? Paano si Melody? Alam kong mahal na mahal ka noon. At saka kaya niyang ibigay ang lahat sa iyo. Huwag ka

