Lucas’s point of view Nakaparada na ako ng aking sasakyan sa parking lot sa condo nina Jeremy, at nang makatigil kami ay bumaba na kaagad kami nina Charles at Luna. At habang nauuna si Charles ay agad kong hinawakan ang kamay ni Luna, at agad naman siyang napatingin sa akin. “Are you sure na okay ka?” tanong ko sa kaniya, habang pinipilit kong ngumiti para sa kaniya. Agad naman siyang tumango, “Oo naman,” at bigla niyang hinawakan ang aking kamay gamit pa ang isa pa din niyang kamay. “At kung ano man ang nnagyari kanina, ay dapat kalimutan nalang natin. Kasi alam ko namang tatanggapin padin ako ng tatay ko kahit ganito na ako, at alam kong sa una lang ito, okay?” pahayag niya sa akin, At bigla niya akong hinawakan sa aking pisngi habang siya ay nakangiti sa akin. “Okay po maam! I

