Luna’s point of view Tumakbo papalabas ang ama ni Lucas, “Anong nangyayari dito?” tanong kaagad sa amin ng ama ni Lucas, Nang biglang sumagot ang aking ama, “Isinasama ko lang papauwi si Luna,” tugon kaagad ng aking ama sa ama ni Lucas nang bigla niya akong hianwakan sa aking braso. At dahil ayaw kong sumamasa kaniya ay inalis ko bigla ang kaniyang pag-kakahawak sa aking braso. “Bitawan niyo ako ‘tay! Ano ba?! Ano ba kasing problema niyo?! Bakit kayo nag-kakaganyan ngayon?!” sigaw ko sa aking ama nang bigla ko siyang tinanong, Ngunit hindi nakaimik agad ang aking ama kaya sinundan ko pa ito, “Kaya ba kayo nag-kakaganyan dahil sa nakaraan niyo na pinaalis kayo dito? Sa tingin niyo ba paaalisin kayo dito kung may maayos kayong nagawa tay?” saad kong muli sa kaniya, “Wala kang alam

