Luna’s point of view Pag-sapit ng umaga ay agad akong nagising, at nang bigla kong may amoy ay agad akong napabangon. “Sino kayang nag-luluto? Galing yun sa kusina ah—” pahayag ko, Kaya’t akong bumangon at agad kong inayos ang aking kama. Agad ko ring binuksan ang kurtina ng aking bintana, at sa pag-gising kong iyon ay kakaiba ang aking naramdamang saya dahil tila parang ang luwag na at parang wala na kaming iisiping problema. Nang pag-bukas ko ng pinto at napatingin kaagad sa akin si Jessica ay agad niya akong binati. “Good morning sis! Pumunta ka na dito at kumain at baka maunahan ka pa ni Jeremy at maubusan ka pa ng ulam,” pahayag kaagad niya sa akin nang ako ay kaniyang makita. At nang makaupo ako ay saktong-sakto ang pag-labas ni Jeremy sa kaniyang kwarto. “Ang aga naman mag-

