Lucas’s point of view Habang nasa kwarto ako ni Charles at kinakausap parin siya ay bigla nalang kumatok ang nanay ni Charles sa pintuan niya at agad na binuksan nito ang pintuan. “Lucas! Kailangan mo ng bumalik ng palasyo, kami na ang bahala kay Charles. Alam kong kinakailangan ka doon lalo na ng iyong ama, nag-kakagulo na muli sa labas!” sigaw sa akin ng nanay ni Charles nang bigla rin naman akong naalarma nang sabihin niya iyon, “Charles, babalik na ako at mag-pagaling ka diyan,” pag-papaalam ko naman sa kaniya, “O sige bro, alam kong kaya mo yan!” tugon naman sa akin ni Charles. Agad akong tumakbo papalabas ng bahay nina Charles at nang pag-kalabas ko ay napansin ko ang karamihan na nag-tatatakbo na pabalik sa kanilang mga sariling bahay. Habang patungo ako sa aming palasyo ay n

