Lucas’s point of view Madilim ang kapaligiran nang tumungo kami sa lugar ng mga lobo. Tahimik ngunit sa labas kung saan nandoon ang kulungan ay maraming nag-babantay na tauhan. “Makakapasok ba tayo diyan kataasan? Eh hindi po ba delikado na pumasok diyan dahil sa dami ng mga nag-babantay sa kanilang lugar?” tanong sa akin ng kasama kong tauhan, At napatingin naman ako sa kaniya nang kaniya iyong sabihin, “Oo naman, wala ka bang tiwala sa sarili mo—” naputol ang aking sinasabi nang biglang may narinig kami na nag-lalakad malapit sa aming pinag-tataguan, at agad kaming yumuko upang hindi nila makita. Habang pinag-mamasdan ko sila sa malayo ay napansin ko ang isa sa kanila na tila parang may napansin siyang kakaibang amoy sa kung saan kinapepwestuhan niya na malapit sa amin, “Wag kayong

