Lucas’s point of view Nang papasok ako sa aming palasyo, ay agad kong hinanap ang aking ina at ibinalita sa kaniya ang aming mga ginawa doon sa lugar ng mga lobo. “Mom!” pag-tawag ko sa aking ina nang bigla itong lumingon, “Oh anak? Kamusta? Anong nangyari?” tanong niya kaagad sa akin nang bigla itong napatayo nang ako ay kaniyang makita. “Nakuha na na namin ang mga nakakulong doon sa kulungan ng mga lobo, ngunit mom alam ko ang posibleng mangyayari lalo na kapag nalaman na nilang mga nakawala na ang kanilang mga ikinulong doon. Posibleng biglaan nila tayong lusubin dito sa atin,” saad ko naman sa aking ina, at doon ay nabahala rin siya bigla nang sabihin ko iyon sa kaniya, “Sige anak, tutulungan kita na kausapin na ang ating mga tauhan upang bantayan ng maigi ang ating lugar. Ang kai

