Damian’s point of view Habang pinapanuod namin kung anong ginagawa ng aking ama sa ama ni Lucas ganoon din sa ama ni Charles, ay laking gulat ko nang biglang lumabas si Lucas at hinawakan ang aking ama sa kaniyang leeg. Doon ay nagulat din ang aking ina at isa rin sa nataranta sa kaniyang nakita, “A-anong ginagawa ng bampira na yan?” tanong kaagad ng aking ina, “H-hindi ko alam mom, puntahan natin si dad!” saad ko naman sa aking ina habang nakikitang mukhang nasa delikado na siya na sitwasyon, nang bigla akong pinigilan ng aking ina, “Wag anak,” pahayag niya sa akin habang hawak-hawak ako sa aking braso, Bigla naman akong napalingon sa kaniya nang gawin niya iyon at sabihin sa akin, “Mom? Nababaliw ka na ba?—” naputol ang aking sasabihin sa kaniya nang bigla niya itong sinundan at t

