Lucas’s point of view Kasama ko na ang ilan sa aming mga tauhan at agad kaming pumasok sa bintana, at habang nililibot namin ang paligid ay napansin ko na kakaiba ang lugar na iyon at unti-unti ko ring napapansin na puro nag-sisigawan ang nasa linyang iyon. “Kataasan, mukhang hindi po ito normal ah?” pag-tataka niyang sinabi sa akin dahil sa naririnig niya ring mga sigawan, At nang makahakbang kami, ay napansin ko na puro gate ang lugar na iyon at doon ay may pumasok sa aking isipan. “Oo, tama ka. Dahil ang lugar na ito ay posibleng mga kulungan ng kanilang mga kinukuhang hindi basta-bastang bampira o kung sino man,” pahayag ko sa aking tauhan. Nang bigla akong nakarinig ng isang pamilyar na boses, “Wag kayong maingay,” bulong ko sa kanila habang pinapakinggan ang boses ng nag-sasal

