Heter’s point of view Hindi na ako nakaimik sa anak kong si Elise nang sabihin niya iyon sa akin nang biglang lumabas naman sa paningin ko ang aking asawa at bigla nalang siyang nag-salita. “Hayaan mo na muna yang anak mo, mukhang kahit anong sabihin sa kaniya hindi parin naman siya makikinig sa atin, depende nalang kung may mangyari ang gusto niya,” saad naman niya sa akin. Nang makaupo ako sa upuan at nang sabihin niya iyon sa akin ay napatingin ako sa kaniya, “Ang alin? Anong gusto niyang mangyari? Ang hayaan siya sa mga kagustuhan niya at hindi sundin ang mga sasabihin natin? Paano naman ang mga pinag-hirapan natin? Hahayaan nalang ba natin iyon?” tanong ko naman sa kaniya. Lumapit sa akin ang aking asawa at muli akong inimikan, “Hindi ko alam, pero kung hindi ba natin siya hahayaa

