Gregory’s point of view Nang mayakap ko ang pinakamamahal na asawa sa saya ay agad niya akong hinayaan na puntahan ang aking pinakamamahal na kapatid at agad naman akong tumakbo sa kaniya. Nang makita ko siya at nang makita niya ako na papalapit sa kaniya ay agad ko siyang niyakap. “Buti naman at nakalaya ka,” pabulong ko sa kaniya. Humarap siya bigla sa akin at ngumiti, “Syempre naman po kataasan, kailangan ko talagang makatakas doon kasi sobrang hirap doon,” saad naman niya sa akin. “Mabuti at hindi ka nila sinaktan,” pahayag kong muli sa kaniya. “Kaya nga po, pero matanong ko lang nakita niyo po ba ang mag-ina ko?” tanong naman niya kaagad sa akin. Nginitian ko siya ng malaki ng marinig ko iyon sa kaniya, “Oo naman, puntahan mo na sila sa inyo alam kong magiging masaya siya kapag

