Damian’s point of view Agad namang ibinaba ng aking ama ang kaniyang kamay dahil sa napag-tanto niyang asawa niya ang kaiyang kaharap. Nang matapos iyon ay agad na akong pinatayo ng aking ina nang hindi iyon matuloy at umalis na kami sa kaniyang harapan. Habang nag-lalakad kami ng aking ina patungo sa aking kwarto ay bigla niya akong kinausap, “Ano ba ang nangyari sayo anak?” tanong naman niya sa akin, Doon ay hindi ko alam kung paano sasagutin ang aking ina sa kaniyang pag-kakatanong, “Wala ito ma, okay lang ako. Minsan kailangan lang talaga natin makipag-laban sa mga kaaway,” tugon ko naman sa kaniya, “Pero anak, pwede namang hindi mo na gawin ang lahat ng ito pero bakit kailangan mong mag-patuloy sa sinasabi ng iyong ama s aiyo? Hindi mo ba nakikita ang mga sinasabi niya sayo?” sa

