Lucas’s point of view Nang mapabagsak ko si Damain ay agad kong pinuntahan si Charles upang tingnan kung ano at kung gaano kasakit ang natamo niya. Habang inaasikaso ko si Charles ay napalingon akong muli kayna Damian, ngunit tinulungan narin siya ng kasamahan niya papalayo sa amin. Hindi ko na sila pinansin at hinayaan ko na lang sila na makaalis, dahil may prayoridad ko si Charles. “Charles? Okay ka lang ba?” tanong ko sa kaniya nang bigla kong napansin na may tinitiis siyang sakit. At dahil sa pag-aalala sa aking matalik na kaibigan ay agad kong hinanap kung nasaan ang sugat na kaniyang nakuha kay Damian. At hindi rin nag-tagal ay nakita ko rin kaagad ang kaniyang sugat at nagulat ako nang mapansin kong malaki iyon. “Mag-tiis ka lang, babalik na tayo,” pahayag ko sa kaniya habang

