Lucas’s point of view Habang nakaupo ako sa aking kama at nakatingin sa labas ng bintana, ay hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim lalo na sa mga sinabi sa akin ni Luna. Doon ay kahit papaano ay may punto siya ngunit hindi kahit ganoon ay hindi ko kayang hindi siya ipaglaban sa kahit sino pa yan. “Oh? Lucas? Bakit hindi ka pa nag-papahinga? Anong oras na oh, for sure magigising pa tayo mamaya,” tanong bigla sa akin ni Charles habang siya ay nakahiga na. Napalingon naman ako sa kaniya nang bigla niya akong tinanong, “Ah—wala bro, may iniisip lang ako. At tsaka tutulog pa, mamaya naman ay midnight na? anong sense ng pag-tulog hindi ba?” tugon ko naman kaagad sa kaniya. Tumingin siya bigla sa kaniyang orasan nang sabihin ko iyon sa kaniya at ako naman ay tumingin muli sa labas ng bintana

