Nang bumalik ako sa sala ay agad ko ng niyaya si Charles papalabas ng condo, “Tara na Charles, mag-gagabi na kailangan na natin makabalik agad sa hotel,” pag-aaya ko kaagad kay Charles Nagulat naman ito nang sabihin ko iyon sa kaniya, “H-ha? Bakit?” tanong naman niya sa akin. Kahit sina Jessica at Jeremy ay nagulat din sa biglaan kong pag-aaya kay Charles. “Wag ng madaming tanong Charles,” seryoso kong pag-kakasabi sa kaniya, at agad naman niyang kinuha ang kaniyang mga gamit sa sofa ganoon din ay nagsuot na siya kaagad ng kaniyang jacket. “Aalis na kami Jeremy at Jess, salamat ah” pahayag ko sa kanila habang nakangiti “Ah—eh sige Lucas, mag-iingat kayong dalawa,” tugon naman kaagad ni Jessica sa akin. “Ah—hatid ko na kayo Lucas sa baba—” putol nap ag-kakasabi ni Jeremy sa akin,

