“Kumapit ka ng mabuti,” utos ni Ancel. Imbes na sagutin ang tanong ko. Sinunod ko na nga lang ang utos niya, Kumapit ako at napapadasal pa. Naisip ko rin na hindi pwede na lagi na lang akong magpapadala sa takot. Hindi pwede na iaasa ko na lang ang buhay ko kay Ancel. Alam ko nga na may sarili rin siyang problem pero heto ako, dumadagdag din sa pasanin niya. “Parang may nakasunod sa atin,” sabi niya kasabay ang mabilis na paglihis ng daan. Bago kami pumasaok sa makipot at lubak-lubak na daan ay nagawa ko pang lumingon. Kita ko nga ang itim na van na hindi na makadaan dahil sa prosesyon ng patay. “Ancel,” tawag ko sa pangalan nito nang umaga ang tricycle. Nakasagasa kasi siya ng malaking bato at muntikan pa kaming tumagilid. Todo kapit pa rin ang ginawa ko habang nililibot ang paningi

