"Tay, pwede po ba, saka na lang natin pag-usapan ang bagay na 'yan? Kumain na lang po tayo, at e-enjoy ang oras na magkasama tayong lahat, at saka, para hindi naman masayang ang effort n’yo sa mga handa n’yo," mahinahon kong kausap kay Tatay na sinabayan ko pa ng ngiti. Alam ko nga kasi na ayaw ni Ancel pag-usapan ang anumang tungkol sa buhay niya. At isa pa, ayaw ko na mapilitan siyang gumawa ng kwento o magsinungaling tungkol sa buhay niya. Handa naman akong maghintay hanggang sa handa na siyang sabihin sa akin ang lahat tungkol sa buhay niya. Gusto ko na kung sasabihin niya man ang totoo, bukal sa loob niya. "Oo nga naman, Lito, tama na muna ang mga tanong. Dapat magsaya tayo ngayon dahil sa wakas, balik normal na ang buhay ni Aya. Magagawa na niya ang bagay na ginagawa niya noon.

