HANGGANG makasakay ng barko pabalik ng Maynila nang hapong iyon, ay hindi na nagpakita si Red kay Amere. Alam niyang masama ang loob nito sa kaniya, kung hindi man ito galit. Naging totoo ito sa kaniya sa tunay nitong motibo sa pagtulong, at alam niyang na-disappoint niya ito. Pero babawi siya at sisikaping matupad ang misyon, sa paraang hindi niya maipapahamak ang mga ito. Kung paano ay hindi niya alam, pero malakas ang kutob niyang tama ang laman ng kaniyang panaginip dahil tumutugma iyon sa mensahe ng anonymous caller niya. Habang daan ay nasa isip niya ang mga naiwan niya sa Cebu. Nagpasalamat siya sa mga kamag-anak ni Red, gayundin kay Jeena at Lolo Ismael. Nagbitiw siya ng pangakong aasikasuhin lang niya ang kailangan niyang ayusin sa Maynila at pagkatapos ay magbabalik para tulunga

