PAGLABAS ni Amere ng silid ay nakita niya ang batang si Carlo. Nakaupo ito at nasa harap ng TV pero tila ito tulala at wala roon ang atensiyon. Lumapit siya at naupo sa tabi nito. “He’s still in shock, I guess. Mamayang hapon ay pupunta kami sa ospital para mapatingnan siya. Hinihintay ko lang ang pagdating ni Lolo.” “Kayo lang bang dalawa ang nakatira sa bahay na ito?” “Sa isang buwan ay nakatakda na naming iwan ang bahay na ito. Lilipat na kami sa bahay ni Lolo Ismael, para may kasama na rin siya, bukod sa kapatid niyang si Lolo Julian. Dapat nga sana ay last week pa, pero ewan ko ba. Nang makita kita sa barko, bigla akong kinutuban na mapapadpad ka rito. Nahawa na yata ako sa mga pinagsasasabi ng kaibigan ko.” Pagak itong tumawa. “Maayos naman na ang panahon. I think, I will have to

