"I SAW MYSELF being with this girl in an underworld kingdom. We seemed to be good friends but I felt something different. It was like we were hiding something but I can't remember what..." "Amere, that's actually good news! Unti-unti mo nang naaalala ang nakaraan mo kung ganoon." Napatingin siya sa nakangiting si Jeena, at saka marahang napailing. "But that's all I remember. I'm not even sure if it was a memory or I just got it from a dream." "Don’t fight it, Amere; just let go. Huwag mong pagdudahan ang mga bagay na naaalala mo dahil iyan ang magdadala sa’yo sa katotohanan.” “Maliban na lamang kung may mga hinabing alaalang sadyang inilalagay sa isip mo ng mga taong gustong kumontrol sa inyo ni Serah.” “Ano’ng ibig niyong sabihin, Lolo? Ano ang nalalaman niyo sa mga alaalang pumapaso

