Chapter 66

1032 Words

NANG tumingala siya sa langit ay nakita ni Amere ang signos. Pinaghalong kahel at pula ang kulay ng kalangitan habang ang madilim na ulap sa magkabilang bahagi ng malawak na langit ay unti-unting nagsasalubong sa gitna. Ang maliliit na alon ay tila nagtitipon-tipon upang sumama sa iba pang kapwa alon, kapagdaka ay bubuo ng isang higit na malaking alon kaysa sa mga nauna. Kapag humampas sa isa’t-isa ang mga higanteng rolyo ng tubig ay lumalatag iyon sa kabuuan ng dagat ngunit malaki ang itinataas ng tubig na nalilikya niyon. Pumikit siya nang mariin at nang magmulat ng mga mata ay inilibot ang tingin sa paligid. Bigla ay naramdaman niya ang kagustuhang iligtas ang lahat ng mga naroon. Hindi niya nakikita ang mga bagay na ito para sa wala. It was a calling that he should do something for!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD