ALAS-OTSO ng gabi. Nasa loob ng silid sina Amere at Red at mula roon ay pinanonood ang pananalasa ng bagyo sa labas ng hotel. Plano sana nitong umuwi sa bahay ng Tita Carmen nito matapos siyang ihatid doon, pero siya naman ang nagpilit na huwag na itong tumuloy at doon na lang din sa hotel room niya mag-stay dahil masama ang panahon. Nag-order lang sila ng pizza at wine sa silid at iyon na ang nagsilbi nilang hapunan. “Hindi ko pa rin mapaniwalaan, pare. Hindi ko lubos-maisip na magtatrabaho para sa iba ang dad ko. I thought he’s trying so hard to prove himself. Wala talaga akong idea.” “Ang totoo ay matagal na akong may hinala, pare. I’m sorry. I’ve never seen him anywhere inside Eych, though. ‘Yung tungkol sa kanina, that only confirmed every doubt inside my head.” “Pero bakit niya i

