Chapter 25

1295 Words
KALAT na ang dilim sa paligid at hindi na rin halos maaninag ang daan nang sa wakas ay huminto na sa paglalakad si Ditas. Hingal-kabayo na sila ni Opah at masakit na ang kanilang katawan sa mahabang paglalakad. Kapwa sila nagulat nang mapalingon sa lugar na pinasukan ng dalagita. Isang maliit na komunidad pala iyon kung saan nakapalibot sa isang tila altar ang mga dampang gawa sa makakapal na kahoy. Ang higit na nakagugulat ay ang grupo ng tatlong taong nasa harap ng altar. Nagsindi ng apoy sa isang bungkos ng kahoy ang mga ito at saka sabay-sabay na lumuhod. Sa paligid naman ng tatlo ay ang grupo ng higit na maraming tao na sabay-sabay ding lumuluhod, nauupo at tumatayo. Tila may bilang pa ang mga ito sa ginagawa. Mabilis silang naupo ni Opah at nagkubli sa gitna ng mga d**o upang hindi makita ng mga taong nagsasagawa ng kung anong seremonyas. “Ano ‘yan? Bakit may ganyan?” bulong ni Opah sa kaniya sa napakahinang tinig na halos naglagos lang sa lalamunan nito. “Mukhang totoo ang sabi-sabi tungkol sa kulto. Baka dito dinadala ang mga batang nawawala ah,” ganti niyang bulong rito na pinatalas ang mga mata upang makiramdam sa paligid. “Huh,” aniya na bahagyang nagtaka sa napansin. “Bakit? Ano’ng problema?” tanong ni Opah nang maramdaman ang discomfort niya. ‘Ano’ng nangyayari? Bakit wala akong ma-retrieve na perception?’ tanong niya sa sarili matapos i-activate ang special abilities niya. Ilang ulit na siyang nag-focus, ikinurap nang mariin ang mga mata at pinisil ang kuntil ng kaniyang tainga pero wala pa rin siyang kahit anong masagap na impormasyon sa mga nangyayari. ‘Don’t tell me na by signal ka na rin ngayon, Amerito?’ nakuha pa niyang biruin ang sarili samantalang ang totoo ay kuntodo kabog na ang kaniyang dibdib dahil sa kaba. Iba talaga ang pakiramdam niya at sinasabi ng kaniyang sistema. Ngunit kung bakit ayaw sumunod ng pandinig at paningin niya ay hindi niya alam. Magaling na ba siya? Wala na ba ang abilidad niyang iyon? Kung kailan pa naman kailangan, saka iyon nawala nang ganoon-ganoon lang, samantalang maraming taon niyang inaral na mag-adjust sa mga abilities na iyon. Katwiran niya noon, hindi niya iyon gagamitin kung hindi rin lang mahalaga ang dahilan, but this time, it was indeed a matter of life and death! Hindi nila alam ang posibleng consequence sakaling mahuli sila ng mga taong naroon na nagmamatyag. “Uy! Tinatanong kita kung ano’ng problema, Amere,” untag ni Opah sa kaniya. Mabilis niya itong sinenyasang huwag maingay nang makarinig ng kaluskos. Ang dalaga naman ay isinubsob sa damuhan nang patagilid ang mukha, paharap sa kaniya. “Anong oras daw ba darating si Alon?” tanong ng isang lalaki sa kasama nito habang naglalakad sa damuhan, patungo sa nagaganap na piging. “Hindi ko alam, pero ang sabi raw ay pagsapit ng hatinggabi. Lagi namang ganoon ang oras ng pagbisita ng kanang kamay ng reyna.” “Nakahanda na ba ang mga alay? Hindi maaaring magalit si Alon at baka wala na naman tayong makuhang isda sa mga darating na araw.” “Okay na raw, ayon sa Apo.” “Mabuti naman. Nabalitaan mo bang may mga bagong salta si Mang Paeng? Kailan ba dadalhin ang mga iyon dito?” “Hindi siya mahagilap ng grupo kahapon, pero may inutusan na ang apo para ipadala dito ang mga bagong alay.” “Masyado nang mailap ang matanda. Parang gustong dumiskarte ng kaniya eh.” “Hindi iyan. Si Tiya Edna ang bahala sa kaniya.” “Buti na lang at matapat na kapanalig ang tiyahin mo. Bilisan na natin at baka kailangan na tayo ng apo ngayon.” Pagkalayo ng dalawa ay agad na umangat ang mukha ni Opah sa damuhan. “Did you hear that?” gimbal nitong tanong sa kaniya. Siya man ay nagulat sa mga narinig, pero mas nakuha ng mga pangalang binanggit ng dalawang lalaking iyon ang atensiyon niya. Ramdam niya ang pagtitinghasan ng kaniyang mga balahibo kanina. Nang haplusin niya iyon ay naramdaman niyang basa ang kaniyang balat. Kaliskis! Dumikit pa sa palad niya ang ilan sa mga iyon nang suriin niya. “Okay ka lang ba, Amere? Kanina ka pa weird,” anitong nakuha pa siyang kumustahin, habang ang isip niya ay abala sa pag-alala kung sino ang mga taong nabanggit ng mga iyon. Bakit tila pamilyar sa kaniya ang tunog ng mga pangalang iyon? “Amere?” “O? “Narinig mo ba ang sinabi nong isa? Mga bagong salta daw ni Mang Paeng...mga bagong alay! Ano ba ang ginagawa sa mga alay sa mga pelikulang napapanood natin?” “Pinapatay...” walang ano mang sagot niya. “Oh my G!” bulong ni Opah na tila lalong nag-panic sa sinasabi niya. “Shhhh, huwag kang maingay. Gagawa tayo ng paraang masabihan ang mga kasama natin na iwan na ang kubo ni Mang Paeng. Kung totoong may kinalaman sa mga nangyayari dito ang matandang iyon, tiyak na sa mga oras na ito ay hinahanap na niya tayo.” “At baka i-tip na tayo sa mga kasama niya na wala tayo sa bahay niya!” sabi ni Opah na halos manginig na ang boses sa kaba. Awtomatikong kumilos ang kamay niya upang hawakan ang palad nitong nasa damuhan. “I know that we started being enemies. You treated me like that, pero huwag kang mag-alala. I have your back, okay.” Walang nasabi si Opah sa puntong iyon. Tila naging abala ang isip nito sa pag-aanalisa ng isasagot. For the first time in their history, she just nodded. Isinubsob din nito ang mukha sa magkahawak nilang mga kamay na tila ba doon kumukuha ng lakas ng loob. That simple gesture brought electricity to Amere. Bigla na lang nagdatingan ang mga perception sa isip niya. Ipinikit niya ang mga mata upang makapag-focus at maayos na mai-process ang mga iyon. Kasalukuyan niya iyong ginagawa nang biglang mapadilat at mapatingala. Isang maliwanag na maliwanag na tila bolang apoy ang mabilis na gumuhit sa madilim na kalangitan, patungo sa kung saan. “Bulalakaw, Amere!” pabiglang sabi ni Opah na ulo lang ang nakaangat sa pagkakadapa nitong iyon sa damuhan. “Make a wish, dali!” Napangiti siya. “Hindi ko inabot e. Nakapag-wish ka ba?” patol naman niya sa sinabi nito. Nakakatawang sa gitna ng panganib ay naisipan pa nilang magkuwentuhan tungkol sa bulalakaw. “Hindi rin eh. Pero bulalakaw ba talaga iyon?” Hindi niya nagawang sumagot dahil ayaw niyang pag-alalahanin ang dalaga. “Don’t worry, may iba namang nakapag-wish at matutupad iyon sa kanila,” aniya na ang tinutukoy ay ang isang couple na nahagip ng senses niya mula sa kung saang lupalop. Hindi niya kilala ang naturang couple pero mukhang may kaugnayan sa mga nangyayari ang wish ng mga ito. Dumako ang paningin niya sa pinuntahan ng bolang apoy. Muli ay maraming perception ang pumasok sa isip niya. Napapikit ulit siya dahil doon. Isang eroplanong malaki na maraming sakay...Aerial view na nakatunghay sa isang black hole...pagtatakbuhan at pagkakaingay ng mga tao sa isang secret agency na connected sa NASA. Aliens... “Amere?” Napadilat siya at napasulyap kay Opah. Pawis na pawis ang pakiramdam niya. “Ayos ka lang ba? May panic attack ka ba?” tanong nito sabay haplos sa palad niya. Gusto niyang mapatawa sa sarili. Siya ang lalaki, pero siya pa itong tinatanong ni Opah kung natatakot siya sa mga nangyayari. Napatitig siya sa mga mata ng dalaga. Ibang klase ang babaeng ito. “You’re such a brave soul, Opah,” hindi niya naiwasang sabihin. Ipinaloob niya sa mga kamay niya ang kanang kamay nito at saka iyon pinisil. Sa mga sumunod na sandali ay tila mga mata na lamang nilang dalawa ang nag-uusap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD