"HINDI ko maintindihan. Bakit hindi kayo kumikilos? Baka kung mapaano si Carlo! Tulungan natin siya!" naghihisteryang sigaw ni Jeena. Ang pagtataka ay nakabadha sa mga mata nito. Ang tatlong lalaki sa harap nito ay nanatiling nakatayo lang habang pinanonood ang papalayong bata. "Amere! Red!" muling tawag ng dalaga. "Jeena, anak, unawain mo sana. Alam kong taglay ng batang iyon ang anyo ni Carlo, pero maniwala kang hindi siya ang kapatid mo. Kung hindi mo ito tatanggapin, hindi mo na malalaman kung nasaan talaga siya." Lumakas ang iyak ni Jeena. Naupo ito sa upuang nasa isang sulok at doon humagulgol ng iyak. "Amere, sabihin mo sa akin na mali si Lolo. Please..." pakiusap nito habang nagsusumamo ang mga matang nakatingin sa kaniya at hinihintay ang kaniyang sasabihin. "Jeena..." "Tot

