Chapter 85

842 Words

MALINAW na narinig ni Amere ang usapan ni Red at ng caller nito. Dinig na dinig niya ang palitan ng mga salita at iyon ang dahilan kung bakit hindi niya magawang matulog, gayong halos mag-uumaga na. Ilang oras na lang at sisikat na ang araw. Isang panibagong umaga na naman ang haharapin nila, pero hindi niya iyon alintana. Abala ang isip niya sa pag-iisip sa takbo ng usapan ni Red at ng misteryosong caller nito. Paulit-ulit niya iyong binabalikan at pilit na inaabot ng diwa ang kinaroroonan ng taong iyon. Sigurado siyang narinig na niya ang boses nito mula sa kung saan. Mabilis ang pagpintig ng pulso niya kanina habang pinakikinggang mabuti ang mga sinasabi nito. Sa pagpikit ay naguguni-guni niya ang bibig nito habang nagsasalita at malakas ang kutob niyang nakaharap na niya ito. “Sino

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD