HABANG daan ay binanggit ni Amere kay Red ang natuklasan. Dahil aware ito sa mga kakayahan niya ay hindi naging mahirap para sa kaniya ang magpaliwanag dito. Of all people, Red was the only person who knew all his special abilities. Kapwa nila pinag-isipan at pinagtatagni ang lahat ng mga pangyayari mula sa insidente ng pagbaha sa silid niya, hanggang sa paglubog ng Buena Vista. Kung ano ang posibleng kinalaman ni Mr. Inocencio kay Serah at kung bakit kailangan nitong dakpin ang dalawang taong nakakaalam ng lihim sa tunay na pagkakakilanlan ng babaeng namatay sa pagkalunod. Si Marissa. “He could be one of them, pare. Posibleng investor or financer, or someone who is directly connected to the owners of Eych. Maaaring pinasok nila ang silid mo para mag-imbestiga kung ano ang koneksiyon mo

