AMERE knew that he was in danger. Sigurado siyang attempted murder ang nangyari nang araw na muntik na siyang mahagip ng rumaragasang sasakyan. Hindi iyon basta nagkataon lang. Mula nang mangyari iyon ay higit siyang naging maingat at mapagmasid, to the point of paranoia. He felt like he was not safe being surrounded by people, but he also felt the same thing, being alone. Dahil sa mga sunod-sunod na pangyayari sa mga nakalipas na araw ay nakagawa siya ng isang desisyong halos hindi na niya pinag-isipan, at iyon nga ay ang pagpunta sa Cebu para maisakatuparan ang mga plano niya about Serah and Opah. He e-mailed his boss and did not bother to talk to him personally about his decision. If that would be a ground for termination, then be it. Handa naman siya. All he wanted was to put everyt

