Chapter 40

1041 Words
HALOS alas-dos na nang madaling araw pero hindi pa rin makatulog si Amerito, dahil sa pag-iisip sa mga sinabi ni boss nila sa meeting nang hapong iyon. Tama ang lalaki, hindi totoong suicide ang pagkamatay ni Alex. Bago pa man dumating ang text message ni Kelvin sa kanila kaninang alas-nueve ng gabi, na-retrieve na niya ang isang partial perception buhat sa tunay na nangyari sa lalaki. Kitang-kita ng diwa niya na tumatakbo ito sa gilid ng ilog, tila takot na takot at panay ang lingon sa likod nito na animo may humahabol rito. Pagkuwa’y bigla na lang lumakas ang alon ng ilog na tila iyon naging dagat at rumolyo patungo sa kinaroroonan ng tumatakbong si Alex. Bumalik ang alon sa ilog, tangay ang katawan ng lalaki at nang muli itong ibalik sa pampang ay wala na itong buhay. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit tila may tinatawag na pangalan si Alex. Pakiwari niya ay may kasama ito at kinakausap habang tumatakbo, gayong wala naman siyang makita. Nag-iisa lang itong sa vision niya. Nakapagtatakang hindi niya lubos na makita ang vision na iyon, na siyang palaisipan sa kaniya kung bakit. Sa tuwing may kinalaman sa Sinugban ang mga nare-retrieve niyang ESP ay tila ba laging partial lang ang mga iyon. Pakiramdam niya ay may nagba-block sa perception at hindi iyon makatawid sa radar range ng vision niya. At ngayong patay na si Alex, pakiramdam niya ay may malaki siyang responsibilidad na dapat gawin. Gayon man ay nagdadalawang-isip siya para sa kaligtasan ng mga mahal niya sa buhay...ang mga magulang niya...si Opah...si Claire... Si Claire! Sukat sa naalala ay bigla siyang napabalikwas ng bangon sa kinahihigaan. Kinuha niya ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table at agad na tinawagan ang kapatid. Nang hindi niya ito ma-contact ay isinunod naman niyang tawagan ang ina, pero nakapagtataka dahil hindi man lang nag-ri-ring ang cellphone nito. Binundol ng kung anong kaba ang dibdib niya. Minabuti na niyang tumayo at magbihis upang personal na makita ang mga ito. “HIJO, gabing-gabi na. May problema ba? Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ni Claudia sa anak na nabungaran pagbukas ng pinto. Nakaroba ito ng kulay puti at tsinelas na pambahay na ganoon rin ang kulay. Panay ang tingin nito sa gawi ng hagdan, marahil ay inaalalang magising ang asawa nito. “Hindi ko kayo ma-contact, Ma. I was worried about you.” Napangiti ito sa kaniya, bago umangat ang isa nitong palad at hinaplos ang kaniyang pisngi. “Thank you, anak, you’re so sweet. Siguro ay may problema na nga ang cellphone mo. Maghapon rin akong tumatawag sa iyo kahapon pa, pero hindi nga rin kita ma-contact. I think, you only need to change your unit,” anito. Napakunot ang noo niya. Imposible dahil natatanggap naman niya ang mga tawag ng mga kasama niya sa trabaho at mga kakilala. Bago nagpunta roon ay tinawagan din niya ang ama at na-contact naman niya ito. Nagalit pa nga ito dahil hatinggabi na raw ay nambubulahaw pa siya. Ibig sabihin ay ang ina lamang at ang kapatid na si Claire ang hindi niya ma-contact, kung ganoon. At ang mga ito ay ganoon rin. Pero bakit? “Ma, can I have your cellphone, please? May titingnan lang ako.” “Hijo, baka magising ang Tito mo. Kilala mo naman iyon,” sagot nitong nakabadha sa mukha ang matinding pag-aalala. “Saglit lang ako. You can lock the door afterwards at ilalagay ko na lang sa garden ang cellphone mo. I just need to check something.” Humugot ng malalim na paghinga ang ina, bago ito pumanhik sa silid nito. Nang magbalik ay wala na itong sapin sa mga paa, nakayapak lang itong lumapit sa kaniya at sinenyasan pa siyang huwag maingay. “I’m sorry, hijo. Pagpasensiyahan mo na ang Tito Rommel mo, ha. I hope you understand--” “No worries, ‘Ma, and please stop apologizing. Hatinggabi na rin kaya may punto kayong mag-alala. I’ll take this for now, then just get it in your favorite pot tomorrow.” Kinuha niya sa kamay nito ang hawak na cellphone at saka hinagkan sa pisngi ang ina, bago tuluyang tumalikod at nagmamadaling nagbalik sa kaniyang kotse. His mom was surely puzzled, of course, how on earth did he know her favorite pot. TAMA ang kutob niya. May hindi tama sa mga nangyayari. Nang i-check niya ang cellphone ng ina upang tawagan ang sariling cellphone ay tama ito na hindi nga iyon ma-contact. Nawawalan ng signal ang cellphone nito sa tuwing ida-dial ang numero niya, pero nagagawa naman nitong tawagan ang isang extra cellphone niya na lumang modelo. Ganoon rin ang cellphone niya na hindi ma-contact ang numero ng ina, pero nang gamitin ang lumang cellphone ay nag-ring naman iyon. He checked the settings of the two devices and everything was okay, except that the mobile phones lose their signals everytime he’d attempt to make calls to each of them. Napadiretso siya sa pagkakaupo nang maramdaman ang pag-alerto ng kaniyang sistema. Ipinikit niya ang mga mata at pinabayaang makapasok sa diwa niya ang paparating na perception na iyon. Dinig niya ang tahimik na paligid. Familiar ambience. Familiar scent of something like...his dad’s laboratory...Kulay puting pintura ang bumabalot sa kabuuan ng lab at nakabibinging katahimikan ang bumabalot roon. Pagkuwa’y nakita niya ang ama na nasa laboratoryo nito at may kung anong ginagawa. May hawak itong specimen na nakalagay sa slide at kasalukuyang sinusuri sa microscope nito. Napakunot ang noo niya habang mariin ang pagkakapikit ng mga mata, pilit na nire-retrieve nang malinaw ang blurred vision na iyon. Tila isang seahorse sa malayo ang specimen kung kaniyang titingnan, pero nang makita niya ang vision mula sa microscope view nito ay nagitla siya. Animo iyon isang maliit na tao na may buntot at gumagalaw. Ipinikit niyang mabuti ang mga mata upang matitigan ang bagay na iyon pero laking gulat niya nang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan ang mukha ng ama. Tila ba iyon bahagi ng specimen na kasalukuyan niyang tinitingnan. Hindi niya nagawang tagalan ang mga titig nito dahil pakiramdam niya ay aktuwal siyang nakikita nito sa mga sandaling iyon. Na para bang alam nitong nakamasid siya sa ginagawa nito. Nagmulat siya ng mga mata habang habol ang hininga at bahagyang pinagpapawisan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD