Chapter 39

1493 Words
“YOU HEARD me right. Iyan ang dahilan kung bakit urgent ang meeting na ito. Kailangan nating maglinis ng kalat. Ibig kong sabihin, walang ibang dapat makaalam nito, maging mga relatives at kaibigan niyo. Kung may alam na sila, you better talk to them and do everything to silence them. Kung hindi, pati buhay nila ay maaari ring manganib.” “Teka, Sir!” sabad ng isang trainee mula sa Support Team. Bigla itong nag-panic sa narinig. “Hindi po ba ito prank? Naiihi na po ako sa takot. Baka puwedeng i-dismiss niyo na lang ako. Maghahanap na lang po akong ng ibang training ground.” “Oo nga po, please,” sang-ayon naman ng iba pang kasama nito. “No. Walang kakalas sa grupo. Sama-sama tayong pumasok dito at nasa waiver niyo iyan lahat. Ngayon, sama-sama rin natin itong haharapin.” “Pero bakit, Sir? Akala ko ba ay ayos na at nahuli na ang lider ng grupo? Sumuko na si Apo Ali, hindi ba?” Si Rona na halos namumutla na rin sa kaba. “Yes, pero hindi siya ang lider, kung iyan ang iniisip niyo. Kanang kamay lang siya. I’m sorry but I can not give you all the details. Nag-sign din ako ng agreement and I have to protect its confidentiality. The less you know, the more you are protected.” Umugong ang usap-usapan sa buong Team Eagle. Biglang natakot ang lahat sa seguridad ng isa’t-isa. Napansin niyang lihim na napasulyap sa gawi niya si Opah, kaya naman iniwasan niyang mapatingin rito. “We need to end this meeting now because I still have to talk to some of you. This matter is very urgent and I need your full cooperation, team. Paglabas ni Kelvin ay susunod kayo sa kaniya sa office niya upang pumirma isa-isa ng panibagong kontrata. Matatanggap niyo ang kabayaran sa proyektong ito, kasama ang bayad sa pananahimik niyo tungkol sa case. Please, guys, just imagine na hindi nangyari ang lahat for now. Palabasin niyo na lang na palpak ang naging lakad niyo sa mga taong nasabihan niyo na. Walang documentary report na ilalabas sa loob ng susunod na tatlong buwan, hangga’t wala akong advise. Do I make myself clear?” Magkahalo ang reaksiyon ng grupo sa huling sinabi ni Boss Perry. May ilang natuwa nang marinig ang tungkol sa incentives at mayroon rin namang naiwang nagtataka at halatang napipilitan lang. Ilang sandali pa ay tinapos na nga ng mga boss ang meeting at isa-isa nang naglabasan ng silid ang mga kasama nila. Malapit na sa pinto si Opah, kasunod sina Becka at Chiqui nang tawagin ito ni Boss Perry. “Alta, Rodriguez, please stay. I need to talk to both of you,” anito habang ang seryosong tingin ay nagpapalipat-lipat sa kanilang dalawa. Wala silang nagawa kundi ang magpalitan ng tingin nito. Lumakad pabalik si Opah at itinuro ni Boss Perry ang upuang nasa tabi niya. Tumalima naman ang dalaga at naupo roon. “Kayong dalawa ang nakatuklas sa tunnel, kaya may kailangan kayong marinig,” simula ng boss. Ngunit bago iyon ay humakbang ito palapit sa pinto. Ni-lock muna nito iyon at saka bumalik sa harap ng mesang kinatatayuan nito kanina. “Nakausap ko si Alex Samartino at lahat ng nalalaman niyo ay ipinaalam na rin niya sa akin. Gusto ko lang idagdag na sobrang mahalaga ang papel niyo sa proyektong ito kaya naman umaasa ako ng one hundred percent compliance.” “Nakahanda kami...I mean, ako, personally, na pumirma sa panibagong kontrata, tulad nang sinabi niyo,” aniya. “Me, too,” sagot naman ni Opah. “Thank you, but I’m not referring to that alone.” “What do you mean, Sir?” tanong ni Opah sa lalaki. “Kasama kayo sa binubuong grupo na tutuklas sa tunay na lihim ng Sinugban. You need to cooperate with a certain private agency. Ang problema, hindi ito exposed dahil hindi ito approved ng government. Secret operation ito at ang mga makakasama niyo ay mga piling police officers lang na kasama sa isang mas malawak pang grupo. It is funded by private cooperations and individuals.” “Mukhang seryosong usapin na ito, kung labag ito sa batas, Sir,” muling sabi ni Opah. “I so admire your guts to voice out your opinions, Opah,” sagot ni Perry na kung ilang sandaling napatitig sa dalaga. Kung maaari lang niyang dukutin ang mga mata nito para bawiin ang tingin sa ‘secret girlfriend’ niya ay ginawa na siguro niya kanina pa. “But I’m afraid na wala tayo sa posisyong tumanggi dahil kayong dalawa ang matagal na nakausap at nakasama ni Alex.” “Bakit hindi na lang si Alex mismo ang gamitin para sa ikalulutas ng problema? Siya naman itong maraming alam at hindi rin niya sinabi lahat sa amin.” “Hindi na puwede. Wala nang panahon para sa kaniya.” “What do you mean?” tanong niya sa lalaki. Tila may masamang konotasyon ang mga salita nito. “Dahil wala na si Alex. Patay na siya. Nakatakda sana siyang kausapin ulit ng mga pulis kahapon, pero laking gulat nila nang matuklasang nawawala ito. Kaninang umaga ay nakita ang bangkay niya sa ilog, hindi kalayuan sa isolated prison na pinagdalhan sa kaniya. May mga alegasyon na sinadya niyang lunurin ang sarili dahil mababaw naman daw ang ilog, pero bakit naman siya tatakas kung magpapakamatay rin lang pala? I think, there’s a foul play incident here. Sinadyang patayin ang apo para hindi na makalabas pa ang mga nalalaman niya.” Tila nanghihinang napasandal si Opah sa kinauupuan. Nagkulay papel ang mukha nito habang nakatitig sa kawalan. Aalalayan sana niya ang nobya nang mula sa kinatatayuan ay lumapit dito si Boss Perry at hinagod ang likod ng dalaga. “I’m sorry about the news, Opah. Hindi ko sinasadyang sa ganitong paraan mo malaman ang lahat. I know this man was the one whom you were supposed to be married several months ago,” sabi ng lalaki habang ang isang kamay ay nakaakbay sa dalaga. Si Opah naman ay tulala pa rin. Hindi niya mawari kung maiiyak ito o ano. But in case she would, he would perfectly understand. Mahaba rin ang pinagsamahan nito at ni Alex at totoong minahal nito ang binata. Bukod pa sa natuklasan nitong ito at ang kaibigang si Chiqui ang dahilan kung bakit kinailangang maging apo ng Sinugban ang lalaki. Marahil ay nakokonsensiya ito sa sinapit ng dating nobyo. “Thank you, Sir, but I’m fine. Nabigla lang ako. Salamat,” ani Opah na marahang dumiretso sa pagkakaupo upang bahagyang iiwas ang sarili sa akbay ng boss. Lihim siyang natuwa sa ginawa ng dalaga. “By the way, what exactly do you want us to do?” Bumaling ito sa kaniya at pinukol siya ng isang mabilis na tingin. Muling lumakad pabalik si Perry sa kinalulugaran nito kanina at saka tumutok ang mga mata sa kanila. “You will be working with Hyperbola also known as Eych. Ito ang private agency na sinasabi ko na binubuo ng mga undercover agents at mga assets na ang layunin ay ang i-secure ang national security, in its own private and secret ways.” Napasinghap si Opah at siya naman ay napaangat sa pagkakaupo sa narinig. Ang mga sumunod na sinabi ng lalaki ay ang mga benefits at mga bagay na maaari nilang matanggap sakaling tanggapin nila ang offer. Kung hindi naman ay may isang taon silang bakasyon na ibibigay ng kompanya. “Please think about it, Opah, Amere. Alam kong sinabi ko kanina na wala tayong choice dahil ang totoo ay gusto kong tanggapin ninyo ang trabaho. Gusto kong sumikat ang CEN at matanyag sa buong mundo, pero hindi ako ganoon ka-selfish kung sasabihin niyong hindi niyo kayang gawin ang hinihiling ko. You may take your one year vacation leave, paid with bonuses by CEN, but there are two consequences that you need to know. Una, kailangang sa labas ng bansa kayo mamalagi sa buong bakasyon na iyan, dahil ikalawa, wala kayong security na matatanggap. Sariling gastos ng CEN ang bakasyon na ito upang iiwas kayo sa death threats ng ibang grupo.” Hanggang matapos ang meeting na iyon ay tila tulala lang na nakatitig sa hangin si Opah. Nasa pasilyo na sila patungo sa elevator nang maramdaman niya ang paghawak nito sa kaniyang braso. Niyuko niya ang dalaga at bumulong sa tainga nito. “Mahal, are you all right?” tanong niya rito. Hindi rin niya alam kung bakit bigla niya itong natawag nang ganoon. He just felt he wanted to utter the word. Ito naman ay napatingala sa kaniya. Kumikislap ang mga mata nito habang hinahayon ng titig ang kabuuan ng kaniyang mukha. “Thanks for coming into my life, Amere. Sana ay hindi ka magbago sa akin, kahit ano ang mangyari.” Yumakap ito nang mahigpit sa kaniya at ramdam niya ang malakas na t***k ng puso at mga palapulsuhan ng dalaga. Napapikit siya upang damhin ang kapirasong sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD