Chapter 38

1072 Words
SAKTONG alas-kuwatro ng hapon ay kompleto na ang Team Eagle. Matapos ang checking of attendees ay nakangiting bumati si Boss Perry sa lahat, habang nakangiti naman sa isang tabi si Sir Kelvin. “First of all, I would like to congratulate each and every member of the Team Eagle. Please know that I am truly proud of you.” Umugong ang malakas na palakpakan at hiyawan sa sinabi ni Mr. White. Kapagdaka ay itinaas nito ang kanang kamay upang patahimikin ang grupo, nang sa gayon ay muli itong makapagsalita. “Dahil sa tagumpay ng buong grupo, you all deserve a good treat. How about a three-day-vacation in Shangri-La Mactan, Cebu? Is that a good idea?” Muling nag-ingay ang lahat, lalo na sina Jerry at Gildo na talaga namang pinakamakulit sa buong grupo. Humahampas pa ang mga ito sa mesa kasabay ng pagsigaw sa katuwaan. “And of course, inaasahan na rin natin ang award na tatanggapin ng dalawang kasama niyo na nagpakita ng husay at kakaibang dedikasyon sa kanilang craft, no other than Mr. Amerito Alta, and of course, Ms. Opah Rodriguez!” Isang round of applause muli ang tugon ng Team Eagle, habang sila naman ni Opah ay malapad ang pagkakangiti. This time, they chose to smile to each other, before turning to everyone. Nag-bow pa siya na naging sanhi ng malakas na halakhakan na pumuno sa buong silid na kanilang kinaroroonan. Mayamaya ay nagtaas ng kamay ang seryoso ang anyong si Kelvin. Nalipat ang atensiyon ng lahat dito. “However, you need to know something, guys,” anitong walang kangiti-ngiti. Natahimik ang lahat lalo pa nang tumikhim si Boss Perry. Siya naman ay tahimik lang din na nakikinig dito habang pasimpleng napapasulyap sa kinaroroonan ng magandang nobyang si Opah. Ito man ay ganoon rin, dahil nga alam naman nila parehong hindi sila maaaring mapansin ng lahat bilang ‘more than colleagues.’ “Sa tingin ko ay matatagalan pa ang minimithi nating bakasyon dahil sa isang balitang kailangan niyong malaman,” salo ni Boss Perry sa ibig sanang sabihin ni Kelvin. Tila nabitin naman sa ere ang paghinga ng lahat dahil doon. “Your mission does not end with Alex’s imprisonment. I hate to say but it is only the tip of the iceberg.” “What?” halos ay sabay-sabay na bulalas ng lahat. Maging ang mga batang trainees ng Support Group ay hindi na nangiming magbigay ng reaction sa narinig. Ang buong akala ng lahat ay naresolba na ang kaso at nakauwi na sa kaniya-kaniyang mga tahanan ang mga nailigtas na biktima. Gayon man ay tahimik lang siya, gayundin si Opah. Ang totoo ay alam naman nila ni Opah na hindi pa doon matatapos ang lahat. Inaasahan na nila iyon, dahil sa mga ipinagtapat ni Alex bago pa man ito dakpin. Ang hindi niya inaasahan ay ang marinig ang mga iyon mula sa bibig ni Boss Perry. Ibig sabihin ay may alam na rin ito, gayundin si Kelvin, tungkol sa totoong lihim ng Sinugban. “Guys, this is something serious. Hindi ko rin alam kung paanong sisimulang sabihin sa inyo dahil ako rin mismo ay hindi makapaniwala.” Itinaas na muli ni Boss Perry ang kamay niya para patahimikin ang nag-iingay na grupo. “Boss, ano ba iyon? Nanginginig na ang laman ko sa excitement eh,” biro ni Jerry na naging sanhi upang mapatawa ang lahat. Bahagyang nawala ang tensiyon sa sinabi nitong iyon. “Tama ang sinabi ni Perry, tip of the iceberg pa lang ang nareresobla ng team. Ibig sabihin, marami pa tayong kakaining bigas, para ma-dig kung ano talaga ang lihim ng Sinugban na iyan.” Napatingin naman lahat ngayon kay Kelvin. Minabuti na nitong magsalita nang sa wari ay walang maisip sabihin si Boss Perry. “Pero hindi ba at sumuko na si Apo Ali at nakauwi na rin ang mga Mira na naroon?” tanong naman ni Rona, na batid niyang iniiwasang mapatingin sa kaniya. “Nakausap ko ang head officer na humahawak sa kaso at mahigit isang libo ang bilang ng nawawalang mga kababaihan sa data nila. What can you say about this?” Si Boss Perry pa rin. “One hundred twelve lang ang bilang ng lahat ng Mirang nasagip ng mga pulis,” sagot naman niya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang reaksiyon ng mga boss na tila nagpalitan pa ng tingin. Mabilis niyang dinugtungan ang sinabi. “Itinanong ko sa pulis ang kompletong ulat para mailagay sa documentary,” dagdag niya, pero ang totoo ay ayaw ibigay ng pulisya ang data sa kaniya, kahit ilang ulit pa niyang sinabing para iyon sa report na nakatakda nilang ilabas. Confidential daw at kailangan pang hingin ang approval ng head bago maglabas ng ano mang figure o data ang mga ito. “Ano ang ibig sabihin, mga boss? Nasaan ang iba pang biktima, kung ganoon?” tanong ni Chiqui, na kasali rin sa meeting, bagaman hindi napasama sa Sinugban. Muling nagkatinginan ang dalawa bago sumagot si Perry. “Iyan ang assignment na kailangang gawin sa lalong madaling panahon.” “You mean, we need to go back to Sinugban?” “No, Jerry,” baling rito ni Kelvin. “Sa puntong iyan ay hindi niyo na kailangang mag-alala. May nakatakda ng mga opisyales para magsagawa ng grupong mag-iimbestiga at magpapatuloy sa Sinugban case. Isang malaking bagay na sinimulan niya ito at na-open sa public. Kung hindi ay hindi pa kikilos ang mga pulis, kahit matagal nang may mga nawawalang kababaihan sa iba’t-ibang lugar.” “So what are we supposed to do now, Sir?” Si Opah na sa wakas ay nagsalita rin. Itinutok niya ang paningin sa mga boss, nang mapansing inoobserbahan ni Rona ang mga kilos niya.Ni hindi siya sumulyap kay Opah, gaano man niya kagustong gawin iyon. “Wala. As in wala. Literal na wala kayong gagawin,” sagot ni Boss Perry na kumuha sa atensiyon niya. “Ni hindi ito maaaring pagkuwentuhan sa loob man o labas ng CEN. Iyan lang ang suportang mahihiling namin sa inyo.” “Wait, I can’t follow,” sabad naman ni Becka. “You mean to say, Sir, makakatulong kami by doing nothing? Iyon ang sasabihin niyo kaya kayo nagpatawag ng meeting?” “Exactly. Kailangan niyong malaman na napakadelikadong usapin itong Sinugban at hindi maaaring malaman ng kahit sino na may kinalaman kayo rito. Otherwise, manganganib ang mga buhay niyo.” “What???!” halos magkakasabay namang reaksiyon ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD