Chapter 37

1099 Words
MULA nang araw na iyon ay nagkaroon na ng unawaan sina Amere at Opah. Gayon man ay ipinakiusap ng dalaga sa kaniya na hangga’t maaari ay wala munang makaalam ng lahat. Bukod sa ayaw nitong maging tampulan ng tukso at kuwentuhan sa kanilang opisina ay natatakot rin ito sa posibleng maging reaksiyon ng mga big boss n may gusto sa dalaga. Alam naman nila kapwa na namemersonal ang mga ito lalo na si Kelvin. Ihahanda muna daw ni Opah ang sarili, sakaling masisante ito dahil doon. Ibig sabihin ay paghahandaan nito ang posibleng paghahanap ng ibang trabaho sa labas ng CEN. Nalungkot naman siya sa posibilidad na iyon, dahil nasanay na siyang nakikita ang dalaga sa araw-araw kaya naman hindi na niya ipinilit, gaano man niya kagustong ipaalam sa lahat na nobya na niya ito. Handa siyang sundin ang terms nito, manatili lang ito sa piling niya. Dahil doon ay agad niyang kinausap ang dalawang kasama, sina Jerry at Razy, na kung maaari ay kalimutan na ng mga ito ang narinig noong isang araw sa opisina nila. Nang tanungin siya ng dalawa kung napaamo ba niya o napaniwala si Opah ay napilitan na siyang magsinungaling. Sinabi niya sa mga ito na hindi na niya kinausap ang dalaga at bahala ito sa iisipin, dahil marami pa siyang trabahong nakabinbin na mas kailangang unahin. Natural ay hindi siya agad tinigilan ng dalawa, dahil kitang-kita naman ng mga ito nang lumabas sa pinagtataguan si Opah nang araw na iyon. Kahit ano ang sabihin niya, alam niyang kulay berde na ang takbo ng isip ng mga ito. Dahil doon ay sinabi na lang niyang wala siyang panahong makipagkulitan dahil tambak ang trabahong kailangan niyang asikasuhin. In all fairness ay totoo naman ang mga iyon. Mula nang bumaba sila ng Maynila ay dumagsa ang trabaho niya. Nakatakdang ipalabas ang kanilang documentary report sa mga darating na araw kaya’t abala siya sa paghahanda niyon. Halos patapos na ang editing at matatapos na ang material na ipi-present nila sa mga big boss. Sa oras na maiayos niya lahat ng tungkol sa katatapos lang na proyekto ay sisimulan na niyang plantsahin ang mga backlog niya. Isa na sa mga iyon ang tungkol sa sister-in-law niya na si Claire. Nang sumuko sa mga pulis si Alex, ang inaasahan ng lahat ay makababalik na sa kaniya-kaniyang tahanan ang mga kababaihang hawak ng grupo nito. Nagulat siya nang malaman sa kaniyang Mama Claudia na hindi pa rin daw ito ma-contact ng ina. Pumunta na siya kaninang umaga sa police station at nakausap na rin niya ang officer-in-charge, gayundin ang imbestigador na nakatalaga sa kasong iyon, pero nakapagtatakang hindi talaga kabilang si Claire sa mga Mira na nailabas ng Sinugban. Nakapagtataka iyon para sa kaniya dahil siniguro niyang nasa list ang kapatid nang tingnan niya ang hawak na listahan ng mga pulis. Bigla niyang naramdaman ang pagtaas ng temperatura niya habang nag-iisip. Nagbalik sa isip niya ang mga pagkakataong mayroon siyang paparating na perception pero hindi iyon nagtutuloy. Hindi man niya matukoy ang dahilan kung paano at bakit nangyayari iyon, malakas ang paniniwala niya na may kinalaman iyon sa Sinugban. Kasalukuyang naglilikot ang imahinasyon niya nang tumawag si Jerry. May emergency meeting daw ang Team Eagle, at tinatanong nito kung natanggap na niya ang memong umiikot sa lahat ng miyembro ng team. Sinabi niya ritong hindi pa, dahil kadarating lang niya galing sa police station. Pababalikin daw nito sa kaniya ang staff na may hawak ng memo upang makita niya ang detalye ng meeting at mapirmahan iyon. Halos sampung minuto lang mula nang makausap niya si Jerry ay may kumakatok na nga sa pinto ng kanilang departamento. Isang trainee na mukhang graduating, base sa suot nitong uniporme, ang napagbuksan niya. Ngumiti ito at iniabot sa kaniya ang isang bond paper na nakapatong sa memo pad. “Good morning, Sir...good afternoon na po pala,” anitong nakangiti. “My name is Jane po. Dalawang bahagi po ang laman ng memo; ang isa ay ang urgent meeting ninyo with the bosses, at ang isa naman ay ang notice ng online meeting. Pakibuklat na lang po.” Binasa niya ang first page at pinirmahan iyon. Alas-kuwatro ng hapon ng araw ding iyon ang urgent meeting na sinasabi ng kaharap. Napangiti naman siya nang mabasa ang laman ng second page. “Weird, ano? May e-mail blast notice na nga for a meeting, may message pa sa w******p GC, tapos may ganito pang memo. Parang mortal sin kapag hindi nakarating ang mga nasa list na iyan,” aniyang nakangiti kay Jane. “Oo nga po, Sir. Gusto ko nga sanang sabihin kay Mr. White na iyon nga ang purpose ng w******p GC eh. May way naman kayo to confirm your attendance, so bakit may ganito pa? Parang waste of time.” Ngumiti muna siya rito, bago niya itinuloy ang ibig sabihin. “You know why? Para recorded at naka-file ang bawat detalye ng isang meeting. Mula sa memo ng meeting info, hanggang sa minutes, dapat lahat iyon ay naka-file lalo at mahalaga ang meeting. That’s why these things, no matter how unneccesary they may seem to appear, are always secured during meeting preparations.” Napatawa naman ang trainee at sumang-ayon sa sinabi niya. “Oo nga po ano, Sir. May point po kayo. Akala ko naman ay napag-trip-an lang ako ni Mr. White at galit lang talaga siya sa mga nakaupong trainees. It makes sense naman po.” “Sir, si Miss Opah Rodriguez po ba ‘yung babaeng wavy ang mahabang buhok? ‘Yun pong maganda?” Awtomatiko siyang napangiti sa tanong na iyon ng trainee. Agad din siyang tumango para kompirmahin ang sinabi nito. “Why?” “Wala naman, Sir. Twice na kasi niya itinanong kung nakausap ko na kayo tungkol sa meeting. Babalikan ko po ba siya para sabihing naka-sign na kayo? Girlfriend niyo?” Ngumiti siya kay Jane sa inosenteng tanong nitong iyon, pagkuwa’y tumango rito. “It’s up to you. Go ahead,” sagot naman niya rito na pinili nang ignorahin ang huling tanong. Ilang sandali pa ay tinalikuran na siya ng trainee, habang tila magaan ang mga hakbang na lumakad palabas ng departamento nila. Wala sa loob siyang napangiti, hindi dahil kay Jane, kundi dahil kay Opah. She surely missed him, and so did he. Kailangan lang nilang mag-ingat sa ngayon, pero may mga pinaplano siya para sa dalaga. Sinulyapan niya ang relong pambisig pagkatapos ipinid ang pinto kung saan lumabas ang staff. Quarter to one ang oras na ibinabadya niyon. May oras pa siyang harapin ang ilang trabahong nasa ibabaw ng kaniyang mesa, bago ang naturang emergency meeting.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD