ALANGANING oras nang magising si Amere. Nagsisipag-hilik na ang grupong naka-engkuwentro niya kanina kaya paniguradong tulog na ang mga ito. Ang dalawang babae naman sa tapat niya ay mahimbing na rin. Bumangon siya at inayos ang sariling higaan. Dumukwang sa closet na bandang ulunan, binuksan iyon at saka kinuha ang kaniyang back pack. Mula roon ay kinuha ang dalawang sandwich na baon at isang botelya ng tubig. Tumayo siya upang sana ay maghanap ng puwesto para makakain nang maayos. Palabas na sana siya ng cabina nang masulpayan ang restroom. Pumihit siya patungo roon. Ipinatong ang dala niya sa isang upuang nasa isang sulok. Matapos manubig ay naghugas siya ng kamay sa sink, pagkuwa’y yumuko at naghilamos. Tinutuyo na niya ng face towel ang mukha nang tumunog ang cellphone na nasa loob n

