Shiver 7

2977 Words
The days passed like a whirlwind. Wala ako masyadong ginagawa sa mansiyon kundi ang magdilig ng halaman at kumain. Ilang araw din bago tuluyang makipag-usap ang mga kasambahay pagkatapos kong sabihin kay Lucien na para na akong mababaliw dahil wala akong makausap dito. Speaking of Lucien, I thought something will happen after that ‘night’. Minsan ay naaabutan ko siyang nakatitig sa katawan ko lalo na bago matulog. Akala ko nga ay may mangyayari sa amin tuwing gagawin niya iyon, pero wala. Humihiga lang siya sa aking tabi at niyayakap ako. Minsan ay hahalikan ako sa leeg o kaya naman ay pag-lalaruan ang singsing na nasa aking daliri. Tuwing umaga ay wala rin siya madalas sa mansiyon para pumunta sa ospital o kaya naman ay sa kaniyang mga kompanya. Gabi na siya nakakauwi galing dito at hindi naman ako nagrereklamo, it’s part of his work anyway. Hindi porke pinakasalan niya ako ay dito lang siya mamamalagi sa aking tabi. At dahil Linggo na ngayon, bigla akong nabunutan ng tinik na makakalabas na din ako bukas ng mansiyon para pumasok sa school! “Girlie,” tawag ko sa isang kasambahay na napatigil sa pagpupunas ng lamesa. “Senyorita..” “Ano ang mayroon sa kwartong iyon?” turo ko sa isang pinto na nasa dulong bahagi ng mansiyon. Lumingon ito dito at takot na lumingon sa akin. “Ah.. eh.. hindi ko rin po alam. Pero madalas po natutulog si Sir Lucius sa kwartong iyan.” “Eh ano naman ang mayroon sa katapat nitong kwarto?” tanong ko ulit at unti-unting lumapit sa itinurong pinto. Mabilis akong pinigilan ni Girlie pero hindi ako nag-paawat. Gusto ko lang naman makita kung ano ang nasa loob niyon. Ilang beses ko na kasing nalibot ang buong mansiyon maliban sa dalawang pinto na aking itinuro. Nang makarating sa tapat ng pinto ay tinitigan ko ang letrang nakaukit. Isa itong malaking titik na E na may iba’t-ibang mga bulaklak na nakapalibot dito. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito ngunit naka-lock. Dalawang kasambahay na ngayon ang lumapit sa akin at nagmamakaawang huwag buksan ang pinto. “Wala naman po akong kukuhanin o gagalawin sa loob. Gusto ko lang talaga itong makita. Ano ba ang nasa loob nito? Hmmmm. Siguro mga alahas ano?” Nang iimik na sana ang dalawa ay biglang bumukas ang tapat nitong pinto at lumabas si Lucius na nakasweat pants at plain t-shirt. May hawak siyang wine glass sa kamay at sinisimsim ito nang marahan. “And you’re here because?” tanong niya at mabilis na pinaalis ang mga kasambahay. “What’s inside this room?” matapang kong sagot at sinulyapan ng kaunti ang loob ng kaniyang kwarto. I gasped when I saw someone lying on the bed! And she’s naked! He chucked a bit then closed his door. “Nagdadala ka ng babae dito na hindi alam ng kapatid mo?” “Oh that! Don’t mind her baby and Lucien knows about it, by the way.” Kumunot ang noo ko sa tawag niya sa akin. “Bubuksan mo ba ang pintong ito o hindi?” “Give me a minute,” at mabilisang ininom ang nasa wine glass. It smells rusty. Siguro ay kakaiba itong wine kaya ganoon ang amoy. He tried to twist the doorknob for a while before he gestured me to open it. I tried once, then twice pero walang nangyayari sa doorknob. I smirked at him. “I still can’t open it Lucius.” Ilang beses ko itong pinihit pero nanatili parin itong naka-lock. “Oh my bad Ember! That only means it is forbidden to open,” he said while grinning at me. “What??! Pinagloloko mo ba ako?” Umiling siya. “Nope. But I’ll show you something that might interest you.” Sinundan ko siya papalabas ng bahay hanggang sa makarating kami sa b****a ng mansiyon. I saw the large stone that I firstly noticed when I came here. “This is a stone,” panimula niya na mabilis ko namang pinutol. “Obviously Lucius.” His lips raised a bit before he continued. “It is our birth symbol. L stands for Levithan, our family name.” Lumapit ako doon sa bato at tinitigan ang malaking letrang L sa gitna nito. I look closely to it and see different letters around it. “Wala akong maintindihan sa nakasulat.” “Because it is written in Romanian. Look.” Itinuro niya ang isang mahabang mga letra na “iubirea este o iluzie” “Anong ibig sabihin nito?” “Love is an illusion.” I glared at it for a second. It is written here. That means their family believed that love is only an illusion? I wonder how they came up with that idea. Lucius mentioned a lot of symbols. Ni hindi ko na maintidihan kung anu-ano ang mga iyon dahil puro nakasulat ito sa ibang lenggwahe. It actually released me from boredom. Kaya naman kinabukasan ay maaga akong nagising. I didn’t see Lucien when I woke up so I decided to enter the bathroom and take a bath. Sinuot ko ang uniform ko at mabilis na bumaba ng hagdan. “Nasan po ang kapatid ko?” I asked one of the maids and busied myself in glancing at the food on the table. Isa sa mga gusto ko sa mansiyon na ito ay ang napakaraming pagkain! “Your little sister is already in school.” I gasped in the air then faced Lucila who’s sitting in crossed legs on the chair and reading a book. “Sabay kaming papasok. Bakit siya mauuna?” Tumigil siya sa pagbabasa ng libro at tumaas ang kilay sa akin. “Oh, you didn’t know?” Hindi alam ang ano? Itatanong ko pa sana ito nang makita kong naglakad si Lucien papalapit sa akin. Sa likod niya ay ang may isang babae na nakapostura at nakasalamin. May hawak itong mga libro at isang laptop. “What is happening Lucien?” I asked getting annoyed for a moment. He touched my arms but I moved away. I got a feeling about this but I don’t want to think that I might be right! Mabilis niya akong nilingon dahil sa pag-iwas kong iyon. He come closer again and said something undesirable. “You will stay here in the mansion as you continue your study. I arranged your schedules already with your new professors and you can actually start today.” Umiling na ako sa gitna palang ng kaniyang sinasabi. “No. No.. no.. Lucien.” Naglakad ako papalayo para makausap at makapagreklamo nang maayos. I am fuming mad! I took a deep breath and face Lucien who’s already behind me. “What is this Lucien? Hindi ito ang pinag-usapan natin! Hindi ganito!” Marahas kong tinabig ang kamay niya nang hawakan niya ako sa pisngi. “Calm down Ember. It will only last for few months! I asked them if you can finish the semester this year and they’ve granted it! Please understand Ember.” “How can I Lucien?! Why am I being guarded? Lucien, sa buong buhay ko parati nalang akong tinatago! Why can’t I make decisions now?” Nag-unahang tumulo ang mga luha ko sa pisngi. I don’t want to be in that phase again. I saw his eyes softened a bit before he embaced me for a hug. “I can’t let you be in danger. Being outside means putting you into it. Ember, you married me and you must know how many competitors I have. I can’t sacrifice your life for that.” Tinulak ko siya nang malakas papalayo. “What do you mean in danger? Lucien, nasa school ang kapatid ko! If my life is really at stake here, then bakit mo siya pinayagang lumabas?” “You’re the one I married not her and she has bodyguards and a driver. She’s safe.” “Then I can also have a driver and multiple of bodyguards right?” Hindi siya nakaimik at tinimbang ang disposisyon ko. I looked back at the dining room and saw Lucila happily watching us. Ang babae naman kanina ay nakaupo na sa salas at hinihintay ang anumang utos ni Lucien. “Hindi ako papayag sa gusto mo. Make her leave Lucien,” I spoke with finality. Mariin niyang tinikom ang bibig at sa mabilis na paraan ay lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa baba. Iniwas ko ang tingin ko pero pinilit niya akong titigan siya sa mata. “Listen love, you will go upstairs to study and you will not question it.” Blanko akong nakatingin sa mga mata niya. I saw a sudden changed of color in his eyes but I ignored it for some reason. Slowly, Lucien motioned the lady to go upstairs with me. Kanina pa akong tulala habang nakikinig sa sinasabi ni Ms. Sanchez. Walang pumapasok sa isip ko kahit na ilang ulit niyang pinapaulit-ulit ang lesson. I’m kind of confused. There is a strange feeling within me that commands me to complaint at something, pero hindi ko alam kung ano iyon. Nagpatuloy ang mga araw na ganoon ang nangyayari tuwing Lunes hanggang Biyernes. Every weekends I tried to learn how to do different hobbies. Katulad na nga nito ay ang pagpipinta na kanina ko pang ginagawa. “What are you painting, love?” he hugged me from behind then kissed my neck. “What do you think?” sabi ko at marahang dinampi ang paint brush sa kulay asul na pinta. “Hmm.. a flower I guess?” Umirap ako sa kawalan. I know I’m far from being a good painter, but this is definitely far from a flower. Ganito na ba kasama ang ginawa ko? “It’s a butterfly Lucien,” he chuckled behind me then guided my hand to make some strokes. “How does a man feel inlove?” Lucien knows how to paint, well I can only guess. He has this defined strokes that makes my work really looked like a butterly. Kung kanina ay naisip ko kung tama ba ang ginagawa ko ay ngayon ko ito napagtanto nang ayusin niya ang pagpipinta ko. I looked at his hand that is gripping on mine. I saw some of his rooted fingers fit perfectly on my hands. “You mean this?” “What?” Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kaniya. Nabitiwan ko tuloy ang paint brush at ng pupulutin ko ito ay hinila ako ni Lucien papalapit sa kaniya. He grabbed my hair from behind to expose my neck as he attaches his lips to my exposed skin just below my ear. I gasp as soon as his lips touch my neck and I can feel his smile against my skin. Bigla ay hinawakan niya ako sa hita para tuluyang maiharap sa kaniya. His lips detached from my neck and his blue eyes are staring at me. Para na akong matutunaw sa upuan ko. Butterflies and rainbows are coming in like waves in the ocean. Hindi na ko nag-isip pa nang ipulupot ko sa kaniyang leeg ang aking mga braso at dinampi ang aking labi sa kaniya. I’m pressing my body closer and closer to his as I struggle to breathe but reluctant to break away from the kiss. My hands go from his face down to his neck. I am about to kiss him more when I felt something gushing over on my legs. I pulled away from the kiss but Lucien didn’t let me go. Mahigpit ang hawak niya sa aking baywang at braso! I was distracted when, in a slow movement, I felt his hand just under my boob, tracing it. Napaungol ako but the sticky liquid is something I cannot ignore. I pushed him a bit. Nagulat ako ng makitang halos kulay asul na ang buong hita ko. The paint just spilled all over my legs! “Don’t mind it,” bulong ni Lucien habang pinapaulanan pa din ako ng malulumanay na halik sa aking leeg. Tumayo ako at nagpasyang hugasan ang aking hita at kumuha ng bagong asul na pinta. Lucien growled. “Kukuha lang ako ng bagong pinta.” Nagmadali akong umalis doon sa kahihiyan sa nangyari kanina. I’m the one who kissed him, but argghh! I went to the common bathroom in the first floor to wash off the blue paint. When I’m done, I looked for Ate Girlie to ask for the new paint. Hindi ko siya mahanap ay nagpasya akong silipin siya sa gilid ng mansiyon. Napako ang tingin ko sa bukas na pinto ng kwartong naka-lock noon. I looked around to see anyone looking at me. Nang makita kong wala namang tao sa paligid ay dahan-dahan akong tumakbo papalapit. The room is quite dim and I can see a set of cleaning material on the side. Naiwan sigurong bukas ng kasambahay habang naglilinis. I went inside. The room is spacious. An impressive old chandelier was hanged in the ceiling. This is where the dim light coming from! May walk-in closet din dito at iilan pang antique na bagay. I tried to sit on the wooden chair but I almost stumbled because of its flimsiness. Naglibot ako sa loob at hindi na namalayan ang oras. I was about to walk outside when something caught my eye. I saw an old medieval dress inside the see through closet. Naglakad ako papalit at dahan-dahang binuksan at kinuha ito. I was fascinated with the fabric used. Halatang mamahalin ito. But what fascinates me the most is that, who wore this? Maliit ang hubog nito sa katawan. I tried putting it in. Ng hindi magkasya ay hinubad ko muna ang soot kong damit at shorts bago ko ito pinagkasya sa akin. I walked slowly near the full length mirror. Hindi ko agad nakilala ang aking sarili. The yellow medieval dress length falls on the floor with a bandage sexy belt on the waist. Muntik pang hindi magkasya dahil doon! Nagmukha rin akong si Katherine Pierce ng Vampire Diaries! Napaikot ako sa sobrang tuwa nang sa mabilis na paraan ay may humablot ng braso ko. Galit na galit ang mukhang nakatitig sa akin si Lucien. “What the f**k are you doing here?!” He scanned me from head to toe with his jaw clenched. “I—I didn’t know—” nauutal kong sabi dahil hindi ko alam kung may mali ba sa ginawa ko. Nagalit ba siya dahil pumasok ako dito sa loob ng kwarto at nag-aakalang may nanakawin dito o dahil sa hindi ako nagpaalam bago pumasok? But I wasn’t welcomed to come in the last time I asked Lucius! “Sir Lucien..” Galing sa galit na mga mata ni Lucien ay naging mas galit na galit ito. Mabilis niya akong tinalikuran at walang pasubaling naglakad papalit sa kasambahay. “I told you to f*****g stay close, you fcking—” I can sense that he’s going to punch or do something bad to the maid when Lucius interrupts. Inunahan niya ang paglapit ni Lucien sa kasambahay at pinigilan ito sa paghawak sa leeg ni Lucien. “Lucien!! Calm down brother!” sigaw ni Lucius. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatulala lang ako sa kanilang gilid at may takot sa aking dibdib. I haven’t seen him like this. “Bitiwan mo ako Lucius! I told you to f*****g keep this room guarded!” sigaw ni Lucien at tinuro pa ang kasambahay. Hindi ko na napigilan ang magsalita. “Guard from who Lucien? From me? Bakit? May tinatago ka ba dito? I wouldn’t touch anything in here kung yun pala ang gusto mo!” Lumingon siya sa akin. “You shouldn't be going here in the first place Ember. Now, remove that f*****g dress.” Binitawan siya ni Lucius at hinayaang lumapit sa akin. Lucius then leaned on the wall with his arms crossed looking entertained. “Bakit? Who owns this? Sino ang nagmamay-ari nito Lucien? Bakit? Where does your anger coming from?” Nakalapit na siya sa akin. His anger is dripping like acid. “Stop asking. You don’t own that so remove it and don’t let me repeat myself.” Naiintindihan ko ang lahat. We’re only married in papers. Dapat ay hindi ko na iniinda ang sakit na nararamdaman ko ngayon. But how can I disregard my feelings? I felt my eyes watered. “Why do I feel unimportant, Lucien?” I softly uttered then run out of the room. Hawak ang mahabang tela ng suot ko ngayon ay tumakbo ako habang may luhang dire-diretsong tumutulo. Tumigil ako sa pagtakbo nang nasa harap na ako ng Levithan stone. Tumitig ako sa mga letrang nakaukit at doon humagulhol. They don’t believe in love. He doesn’t believe in love in any forms. What am I expecting here? Sa malamig na hangin ay unti-unti kong naramdaman ang mainit na yakap mula sa aking likod. Lucien inhaled my scent from my neck. “You are the very important person in my life now, Ember. Don’t ever think I don’t.” Suminghot ako galing sa pag-iyak. “You don’t believe in love right? It is written here.” We both looked at the stone. “Did you ever fall in love Lucien?” He paused for a while and hesitatingly continued. “I did. And it wasn’t a good love story. But to you, I know it will.” Hinarap niya ako at dahan-dahang hinawakan ang aking baba. “I love you Ember. You are my life, my strength and the only reason for my breathing.” He confessed. I didn’t say anything. And even if I didn’t respond, I know that he can hear my heartbeats for him. He doesn’t believe in love. But today he confessed his feelings in front of the stone that symbolizes his family’s tradition, that he loves me. And that’s all I want to know, for now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD