Today is Saturday.
Maaga akong nagising ng umagang iyon dahil sa napakasarap at malambot na kama buong gabi. I felt strong arms wrapping around my waist. Hindi ko na kailangan pang linungin kung sino iyon. It is Lucien for sure.
Gumalaw ako ng kaunti. He moved too when suddenly got surprised when I felt sharp teeth on my neck. What was that?
“s**t! f**k!” dinig kong sabi ni Lucien sa aking tabi at mabilisang kumalas ng yakap sa akin.
Nang nilingon ko siya ay nakatayo na ito malayo sa kama habang kinakalma ang sarili.
“Ayos ka lang ba, Lucien?”
Umupo ako nang maayos sa kama at hinintay siyang sumagot.
He’s topless and only wearing his pants from last night.
I checked on myself. Wala naman akong nararamdamang kakaiba o masakit. Napangiti ako sa aking isip na wala syang ginawa kagabi habang natutulog ako.
Nagsimula siyang humakbang. Nakakunot ang kaniyang noo nang lumapit sa akin. Ito na naman ang akala ko’y hahalikan niya ako sa labi pero sa leeg ko ulit iyon dumapo.
“Are you hurt? I’m sorry. It’s my first time to sleep with someone,” he said while scanning my neck.
Wala naman akong naramdamang masakit doon. Hindi ko alam bakit niya iyon tinanong. Siguro ay dahil iyon kanina.
“Bakit? Do you usually bite every morning?” pagbibiro ko
Napahinto siya sa pagtingin sa leeg ko at tumalim ang tingin sa akin.
“I’m not joking,” pagseseryoso niya.
“Okay lang ako. And will you stop being grumpy? Maaga pa para diyan Lucien.”
“Right. Maaga pa. Why don’t you go downstairs and prepare yourself,” maarte niyang sabi kaya naman tumayo ako at pumasok na ng banyo.
Pagkalabas ko ay wala na doon si Lucien at may nakita akong isang kasambahay na nag-aayos ng kama.
Bigla akong nahiya! Ako na dapat ang nag-aayos ng kama namin! Naligo lang ako tapos may naglilinis na sa kwarto!
Bumaba tuloy ako para maghanap ng pwedeng gawin.
Nakita ko ang kumpulan ng mga kasambahay sa isang gilid habang sa maliit na boses ay nagkukwentuhan.
Wala akong marinig dahil masyado pa akong malayo. Nang mapansin nila ako ay mabilis silang nagsialisan sa pwesto nila.
Ang iba ay nagsimulang maglinis at magdisenyo ng mansiyon. May mga kinakabit sila doong mga puting bulaklak at iilang ilaw.
Para siguro ito sa magaganap na kasal mamaya. Marahil ay dito na sa mansiyon iyon magaganap.
Nilapitan ko ang kasambahay na umalalay sa akin kagabi. Si Aling Felicitas!
“Ano po ang pwede kong maitulong sa inyo?” tanong ko
Wala kasi akong ginagawa at hindi ako sanay na hindi naglilinis ng bahay. Natatakot naman akong gumalaw dito at kumilos mag-isa dahil baka may mabasag ako.
Takot na umiling-iling sa akin ang babae pagkatapso ay nilagpasan ako. Sinundan ko naman siya na papunta pala ng kitchen.
“Ako na po ang magwawalis. Magluto na lamang po kayo riyan.”
Kinuha ko sa kaniya ang walis na nasa kamay ngunit napapitlag ako ng marahas niya itong nilayo sa akin, nang wala pa ring sinasabi.
“What’s going on here?”
Mabilis na nakayukong umalis ang matanda.
Lumapit sa akin si Lucien at hinawakan ako sa braso. Umiling ako sa kaniya at ipinakita ang walis.
“Gusto kong tumulong sa pagwawalis Lucien. Wala kasi akong ginagawa, hindi ako sanay. Marunong naman ako.”
Sinundan niya ng tingin ang kasambahay bago ako nilingon. Napatingin ako sa soot niya na naka-suit and tie. Bagong ligo na rin siya.
“Did she say anything to you?”
“Wala gusto ko lang talagang maglinis. Hindi rin niya ako kinakausap. Did you tell them not to talk to me?”
Kagabi ko pa kasi napapansin na hindi ako kinakausap ng mga kasambahay dito. Kahit siguro tumalak-talak ako ay wala silang sasabihin. Naisip ko na baka pinagsabihan sila ni Lucien tungkol dito.
“No. Why should I?” sabi niya at kinuha ang walis sa akin.
“I’ll give you some errands to do.”
Naglakad kami papasok sa isang room. Pagkapasok ko palang ay naamoy ko na ang mababangong bulaklak. Nakita ko pa ang kapatid ko na kanina pa pala gising at tumutulong dito.
“Arrange these flowers Ember.”
“Bakit, saan ka pupunta?” tanong ko at muling sinulyapan ang soot niya.
“I’ll just visit the tower. Sabay tayong kakain ng breakfast pagkabalik ko.”
Tumango ako sa kaniya kaya naman mabilis siyang humalik sa leeg ko at lumabas. Naestatwa ako. Hindi parin talaga ako sanay sa ginagawa niyang paghalik-halik sa leeg ko.
Nang bumalik ako sa mga bulaklak ay nakita kong nagbulungan ang ilang kasambahay. Hindi koi yon pinansin at lumapit na ako sa aking kapatid na ngayon ay nag-aarrange ng mga bulaklak.
“Kanina ka pa ba dito?”
Umiling siya at nagpatuloy na kami sa pag-aayos ng bulaklak. Ilang kasambahay din ang napansin kong pabalik-balik ng tingin sa amin. Hindi ko sila pinansin hanggang sa dumating si Lucien at nagsimula na kaming kumain ng agahan.
Mabilis na lumipas ang umaga. Nang dumating ang tanghali ay busy’ng busy na ang lahat para sa paghahanda mamaya. Balita ko ay walang inimbita si Lucien kundi ang pari lamang na magkakasal sa amin pati na rin ang mga kasambahay at ang kaniyang mga kapatid.
Nang sumapit ang hapon ay ilang kasambahay na ang tumutulong sa akin sa pag-aayos. Nakasoot na ko ng isang mahabang Boho wedding dress. Simple lang din ang ayos ng buhok ko at tanging lipstick lang at kaunting foundation sa aking mukha.
Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagpihit ng pinto. Hindi ako makalingon kung sino iyon dahil kasalukuyan akong nilalagyan ng bulaklak sa aking buhok.
Nang matapos ay narinig kong nagsalita ang pumasok.
“Leave us.”
Lumapit sa akin si Lucien at tinitigan ako gamit ang repleksiyon ko sa salamin.
“You’re gorgeous love,” aniya habang pinupulupot ang mga braso sa aking baywang.
“And you’re handsome Lucien,” sabi ko at tinignan ang soot niya. He’s wearing a white polo shirt underneath his grey suit paired with a grey cotton pants.
He smiled at me on my reflection. I smiled too.
“I hope you’re not backing out.”
Hindi ito dumaan sa isip ko kagabi bago matulog at pagkagising kaninang umaga. Namangha ako na siya pala itong nag-iisip na baka aalis ako at tatakbuhan siya. I feel comfortable around him, wala akong maisip na maaaring dahilan para hindi ituloy ito.
“Hindi, Lucien,” sagot ko at naramdaman kong may inilabas siya sa kaniyang bulsa na isang kwintas.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at inilandas sa aking dibdib ito. Kulay asul ito na may isang di-kalakihang dyamante sa gitna.
“Do not remove this Ember. Whether you’re near or far from me, don’t remove this.”
“I won’t Lucien.”
He then quickly kissed me on my neck and sighed heavily. Para bang nabunutan siya ng tinik sa matagal niyang pagtitimpi.
Kinakabahan ako. Ilang minuto na lamang at bababa na ako sa hagdan at maglalakad papalapit kay Lucien. Parang nanghihina ang paa ko sa kaba kahit na alam kong wala naman masyadong makakadalo.
I am extremely nervous. Kaya naman nang kinatok na ako sa kwarto at pinalabas ay hindi na maghumayaw ang puso ko.
I heard the serene sound of a violin somewhere. Dahan-dahan kong inihahakbang pababa ang aking mga paa sa pulang carpet.
When I was young, I dreamt of walking down the aisle with my father. Now that he’s gone, it’s my sister who will lead me to Lucien. Hindi ko napigilang mapaiyak. I promised my parents to find the man who probably killed them. And here I am, marrying a guy whom I barely know.
Nang makababa ako ng hagdan ay nakita ko si Esther na nasa gilid ko. She motioned her hand so I cling to it.
Sabay na kami ngayong naglalakad.
We walked at the center passing through the people who’s watching us. Nakita kong maayos na nakatayo sa unahan si Lucien katabi si Lucius.
Nang makarating dito ay hinila ako papalapit ng kapatid ko para sa isang mahigpit na yakap. We cried there for about 2 minutes at ang tanging tunog lamang ng violin ang naririnig ko sa background.
“Ate, promise me that you will be happy with him or else aagawin kita sa kaniya.”
I laughed a bit of what she said.
“Talaga ba? O aagawin mo siya sa akin?”
Sabay kaming tumawa hanggang sa binitiwan niya ako at hinayaang lumakad papalapit kay Lucila.
Her smile didn’t reached her eyes when she offered her hand for a hug.
“You better be a good wife or I’ll make your life a bloody hell,” bulong niya sa tenga ko.
Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
“Are you threatening me?”
“I am my sister-in-law.”
She pushed me a bit to continue walking forward.
Lucien growled.
Napalingon ako sa kaniya sa harap at nakitang hawak ni Lucius ang kamay niya para pigilan sa kung ano man ang kaniyang gagawin.
Naglakad na ako papalapit at hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. I can feel my hands are sweating.
“Welcome to the family Ember,” bulong ni Lucius sa aking tabi.
I smiled at him and noticed the wound cut near his eyes. Nang mapansin niyang nakatingin ako doon ay nagsalita siya ulit.
“Oh don’t mind this baby. Some lunatic punched me last night,” sabi niya sa nakakalokong ngiti.
Lucien growled again. This time, he pulled me carefully to him.
“Tss,” ani ni Lucius at umalis na siya sa aming tabi.
“You’re too beautiful, my love.”
I raised my eyebrow and faced the front.
Nagsimula na ang seremonyas. Parang lumilipad ang sarili ko sa kasalukuyang nararamdaman nang maramdaman ko ang kamay ni Lucien sa aking baywang.
“Lucien, do you take this beautiful woman to be your wife, to live together in holy matrimony, to love her, to honor her, to comfort her, and to keep her in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"
“I do,” mabilis na sagot ni Lucien.
“Ehem,” napatingin ako sa pari na tumikhim sa unahan at bahagyang natatawa. I noticed that he’s a young priest.
“Ember, do you take this brute man to be your husband, to live together in holy matrimony, to love him, to honor him, to comfort him, and to keep him in sickness and in health, forsaking all others, for as long as you both shall live?"
I heard a bark of laughter in the background coming from Lucius. Pati ako ay nagulat sa tanong ng pari. Brute man?
“I ahm….”
“Pwede ka pang tumanggi kung napipilitan ka,” segunda nito.
Kumindat pa ito sa akin.
“Say it Ember,” walang pasensiyang bulong sa akin ni Lucien. He’s glaring darkly to the priest in front.
“I do, Father.”
I heard a deep sigh beside me.
“I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride, Lucien.”
Hinila ako papalapit ni Lucien sa kaniya. I saw his blue eyes staring back at me.
“I’ll kiss you Ember.”
Tumango ako at pumikit nang mariin. I don’t want him to see that I’m too nervous for this.
Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa aking leeg papunta sa aking panga. I couldn’t breathe anymore.
“Open your eyes.”
Sa nanginginig pang mga mata ay binuksan ko ito nang dahan-dahan. He then towered his face until a soft thing brushed my lips.
My whole body tingled as I closed my eyes and feel of his frame leaning on me as his arms wrapped around me. He pulled me in, claiming my mouth again with featherly kisses.
Para na akong naliliyo sa mga halik niya.
Nang magpalakpakan ang mga tao sa paligid ay doon ako dumilat at tumayo nang maayos. He then once again kissed my neck before facing the crowd.
Mabilis na lumipas ang oras.
Nang makaramdam ako ng antok ay humilig ako sa balikat ni Lucien. I feel so tired. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko sa sobrang pagod sa araw na ito.
Lucius and Lucila are still enjoying the night thou. May mga pinapunta silang ibang tao dito kanina na kasama nila ngayong umiinom ng wine at nagkukwentuhan. Pailan-ilang tingin din ang ibinigay nila sa amin dito sa lamesa.
“You want to sleep love?”
Hindi na ako nakaimik nang maramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at ang pagbuhat sa akin ni Lucien.