Shiver 5

2027 Words
“I just hope he’s handsome Ate,” anang kapatid ko na ngayon ay nag-aayos ng mga gamit sa bag. Napairap ako. “So okay lang sayo basta gwapo?” She stopped arranging things and come closer to me. Naramdaman kong lumubog ang kama sa kaniyang pag-upo. “You sacrificed a lot ate. Kung ‘yun ang naiisip mong paraan para makaahon tayo ay walang problema sa akin. Basta dapat mabait, maalaga at syempre gwapo ang mapapangasawa mo!” maligaya niyang sabi. I laughed so hard and hugged her. “I missed mama and papa.” We both do Esther. Kung nandito siguro sila, this will never happen. Mabilis na lumipas ang mga oras. Pareho na kaming nakatayo sa labas ni Esther habang hinihintay na dumating si Lucien. “Saan kaya tayo pupunta Ate? Is it a mansion? Siguro oo kasi sabi mo may-ari siya ng ospital at maraming buildings.” Wala akong ideya kung saan kami pupunta o titira. Basta ang alam ko lang pupunta kami sa bahay niya. Inayos ko ang black na jacket na soot ko ngayon. Kagaya ko, nakasuot din nito si Esther dahil ito ang huling bilin sa akin ni Lucien. Hindi ko nga alam kung para saan, siguro ay dahil medyo malamig na ang simoy ng hangin ng ganitong oras. Maya-maya pa ay may kulay itim na Aston Martin ang pumarada sa harap. Lumabas dito si Lucien na naka-white t-shirt, black leather jacket at black pants. “Hi. You ready?” Tumango ako kaya lumapit siya sa amin. Sinulyapan niya ang kapatid ko na nasa aking tabi na nakalaglag pangang nakatitig sa kaniyang mukha. He then laughed and offered his hand. “Good evening pretty,” he said while shaking his hands on my sisters’. Pumasok na kami sa loob ng kapatid ko habang inaasikaso ni Lucien ang mga bag at nilalagay sa likod. Parang balewala lang niyang binubuhat at tinatapon sa compartment ang mga ito. “Omg Ate! Bakit hindi ako ang ikakasal sa kaniya? I’m willing, you know?” siko ni Esther sa akin. “Magtigil ka nga Esther.” Natigil ang tawanan namin sa loob nang pumasok na si Lucien. Nang makita niya akong nakaupo sa likod katabi ng kapatid ko ay nagsalita siya. “Sit beside me Ember,” he commanded. Rule number 2 right? Follow his orders. Lumipat ako sa unahan at nagsimula na siyang mag-drive. Habang tumatakbo ang sasakyan ay iniisip ko ang mga mangyayari. The marriage will either be good or bad right? Pero sana maging okay ito. Hindi naman ako nagpapadalos-dalos ng desisyon talagang wala na akong choice na madaling paraan para masolusyunan ang mga problema ko. Ilang oras ang naging byahe. Nang sulyapan ko ang labas ay madilim na. Nakita ko rin na papasok na kami sa isang napalaking mansion. The mansion is elegant. Kahit na halata mong matagal na ito ay hindi pa rin maipagkakaila ang kalinisan at kagandahan. Parang hindi kumukupas ang disenyo. The outside is covered in marble walls and complex designs. As we step inside to the golden gates of the property, we are instantly greeted with the sight of a big letter L encrypted on one of the big stones on the left. Mas lalo akong napahanga nang pumasok kami sa loob. It was a three story house. Sobrang lawak din sa loob at may napakalaking chandelier na nakabitin sa gitna. Kulay gold ang halos makikita sa loob na disenyo pati na rin ang mahabang hagdan papataas. “I’ll show you our room.” Mangha ay sumunod kami ng kapatid ko sa kaniya. Maraming nakapalibot sa amin na hinuha ko ay mga kasambahay. They are wearing their biggest smile habang ginigiya kami papaakyat. May isa pa doon na hinawakan ako sa braso at inalalayan. “Okay lang po. Ako na po ang bahala,” sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nang marinig ako ni Lucien ay huminto siya at lumingon sa akin. “It’s okay Felicitas. Prepare the dinner downstairs.” Tumango ito at nagmadali silang bumaba ng hagdan. Nasa third floor ang kwarto na pinasukan namin. Una niyang binuksang pinto ay ang kwarto ni Esther. Malawak ito at may malaking kama sa gitna. Nang papasok ako para sana tulungan siya sa pag-aayos ng kaniyang gamit ay hinila ako ni Lucien. “I’ll ask for some maids to help her. Come with me.” Nilingon ko ang kapatid ko na masayang-masaya na tumalon sa kama. Nagkibit ako ng balikat at sinaraduhan ang pinto. Nagtawag si Lucien ng katulong para tulungan ang kapatid ko pagkatapos ay pumasok na kami sa isang pinto hindi kalayuan sa pinasukan kanina. Unang bumungad sa akin ay ang napakagandang kama sa gitna. Walls and floors were adorned with finely coloured designs. There is a mood lighting and plush furniture of the highest quality material and an elegant sofa and coffee table at the center. Hindi ako nakapagsalita agad. When I glanced at Lucien, he is staring at me in crossed-arms and leaning on the wall. Naglakad siya papalapit sa akin at hinawi ang buhok ko. “Do you like our room?” “First time ko lang makapasok ng mansiyon at lalo na sa ganitong kaganda na kwarto.” I can’t contain the happiness inside my heart. It’s fluttering. He then touched my ear that makes me shiver. “You’re alluring, my love.” Hindi ako nagsalita. He traced my jaw down to my neck then back to my jaw until he stopped on my lips. Kinabahan ako bigla. Natakot akong baka halikan niya ako. Masyado pang maaga at hindi ko pa siya lubos na kilala. Hindi pa rin kami kasal. Pero habang nakatitig ako sa kaniyang mga mata ay para akong nahihipnotismo. Unti-unting namungay ang mga mata ko at napatitig sa labi niyang pulang-pula. Huminga siya nang malalim at bahagyang lumapit sa aking mukha. I closed my eyes waiting for him to come closer and kiss me on the lips, pero hindi niya iyon ginawa. His lips just touched my neck for about 5 seconds then he stood straight. “Prepare yourself. We’ll have dinner downstairs and I’ll introduce you to my family,” sabi niya bago mabilis na lumabas ng pinto. Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Lumapit ako sa salamin at tinitigan ang sarili. I’m blushing. Sobrang pula ng mukha ko kaya pumasok ako sa banyo at naghilamos. Ilang sandali pa ay may dalawang kasambahay na pumasok sa loob. Ang isa ay tinulungan ako sa pag-aayos habang ang isa naman ay inilalagay sa loob ng malaking cabinet ang aking mga damit. I am wearing a sleeveless black sexy Maxi Dress with split on the two sides. Kanina ko pa binababa ang dulo nito dahil masyado itong maiksi, hindi tuloy ako kumportable. “Ahh… wala po bang maayos at hindi po ganitong kaiksi na dress ang puwede kong suotin?” tanong ko sa kasambahay na hindi naman nagsalita at nagpatuloy lang sa pagsusuklay sa aking buhok. Bumaba na ako ng hagdan nang matapos. Nakita kong nakaupo na ang kapatid ko sa isang mahabang table na nakadress din katulad ko. Marami na ring pagkain doon. Lucien immediately stood when he saw me. He’s wearing a formal suit paired with black pants. He guided me to sit beside him and whispered “gorgeous” beside my ear. I smiled. Napatigil lang ako ng pag-ngiti nang makita ko na may dalawa pang tao sa lamesa na hindi ko kilala. Napalingon doon si Lucien kaya nagsalita siya. “This is my sister Lucila,” ani Lucien. Napatingin ako sa babaeng itinuro niya. She got the same blue eyes like Lucien. Her black jet hair falls smoothly on her shoulders as she wears sparkly low-cut backless mini dress. Nakakaintimidate din ang tingin niya sa akin. Nakataas ng kaunti ang kaniyang labi na pulang-pula. Napaiwas ako ng tingin. Nakakahiyang napatitig ako dito ng matagal. She’s perfect! “And this is my older brother, Lucius,” he continued. Hindi pa man ako lumilingon dito ay nararamdaman ko na ang matatalim niyang titig sa akin. Nang lumipat ang tingin ko sa kaniya ay hindi ako nagkakamali! He’s wearing a classic look with a blue shirt and grey sweater. Prente siyang nakaupo doon habang nakahawak ang mga daliri sa kaniyang labi. He smirked when he saw me checking him out! Gosh! “And this is Ember and her sister Esther. I hope you’ll be comfortable with each other,” sinabi niya iyon nang nakatitig sa kaniyang mga kapatid lalo na kay Lucius. “Well then, let’s eat,” ani ni Lucius. Maraming kasambahay ang lumapit at nag-asikaso para makakain na kami nang may naalala ako. “Teka.. hindi ba natin hihintayin ang mga magulang mo, Lucien?” Napatigil silang lahat pati ang kasambahay na naglalagay ng pagkain sa aking plato. Ilang saglit pa ay narinig kong tumawa ng malakas si Lucila. “Ce rahat,” sabi niya na sinundan din ng tawa ni Lucius. Hindi ko iyon naintindihan dahil iba ang lengwahe niyon. “Lu..,” tinig ni Lucien ng may pagbabanta. May mali ba sa sinabi ko? Hindi ko kasi nakita ang mga magulang niya ngayon. Ikakasal ang anak nila at dapat na nandito sila. Tumigil ng tawa ang dalawa at sumimsim ng wine si Lucius, nang may ngiti pa rin sa labi. “They’re not living with us Ember. They are in Europe,” sabi ni Lucien. Hindi na ako nagsalita sa takot na may mali na namang masabi. Hindi ko naman kasi alam na wala pala dito ang mga magulang niya… Nagsimula na kaming kumain. May instrumental jazz music din akong narinig na tumutugtog. Nilingon ko ang kapatid ko na maganang kumakain sa aking tapat. Nang maramdaman ang titig ko ay sumulyap siya sa akin at ngumiti rin. “What kind of food is this Lucien?” tanong ni Lucius. Napabaling din tuloy ako sa pagkain na nasa hapag. May problema ba dito? Masasarap naman ang mga pagkain. In fact, ngayon ko lang natikman ang iba rito. “What, brother?” tanong ni Lucien at umigting ang kaniyang panga. “I’m not satisfied with the choice of food you have, Lucien.” “You mean, the human food? It stings actually. I’d rather die than eating this kind of s**t forever,” segunda ni Lucila at sumimsim sa wine glass. Hindi ko na napigilang sumabat. “I like the food. It’s delicious. Thank you,” nilingon ko ang mga kasambahay na naprepare ng mga pagkain at bumaling sa dalawang nagsalita. “You must be grateful. Maraming mga bata ang hindi nakakakain ng mga ganitong klaseng pagkain. You’re lucky.” Suddenly, I felt a hand on my lap. Huminga ng malalim si Lucien at hinaplos ang aking hita. “Yes, we’re lucky. Don’t mind my siblings they’re just overwhelm that you are here,” he smiled sweetly at me so I continued eating. Lucius on the other hand, gestured one of the maids to give him more red wine. Nakatitig naman sa akin nang matalim si Lucila pero nagpatuloy din siya sa pagkain. We were silent the whole time until we’re finished. Binasag ni Lucien ang katahimikan sa mesa. “We’re getting married tomorrow. Stay for the night both of you.” “Getting married from who?” asked Lucius with an obvious answer. “Who else Lucius? You’re asking your brother who consistently-” Napatigil sa pagsasalita si Lucila nang malakas na tinapik ni Lucien ang lamesa. Pati ako ay nagulat doon. Hindi ko alam bakit ganito ang usapan. Ayaw ba sa akin ng mga kapatid niya? Sabagay, mahirap lamang ako. Marahil ay may kilala at gusto silang babae para sa kanilang kapatid. “I’ll be getting married with Ember tomorrow and YOU.WILL.STAY.HERE.TONIGHT,” matigas na sabi ni Lucien. Walang nagsalita pagkatapos kaya nagpasya na kaming umakyat sa taas. “Did you enjoy the food Esther?” I asked her while guiding her inside her room. Tumango siya sa akin kaya humalik ako sa pisngi niya at naglakad na papasok ng kwarto. Wala pa si Lucien kaya pumasok muna ako ng banyo para makapagpalit ng damit. Pagkalabas ko ay wala parin siya doon kaya nahiga na ako sa malambot na kama at natulog. Tomorrow is my wedding day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD