Lumabas kami ni Mr. Nataniel Valentino sa garden ng hotel para doon mag-usap. Nagtataka ako bakit ganito na lamang siya sa akin. “Ano po ba ang pag-uusapan natin, Sir?” tanong ko. “Don’t call me, Sir. Please, Naya…” aniya. “Pero hotel guest po kayo at normal lang na—” Marahan niya ako na tiningnan. Naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya kahit hindi pa man ako natatapos. “I am sorry if I let my wife talk to you like that.” sabi niya. Kumunot ang noo ko sa matanda. “Kung tungkol po ito sa kanina, wala po kayong kasalanan. It’s your wife who needs to apologize po.” saad ko. Tumango siya sa sinabi ko at tila ba kinakabahan. “Ilang taon ka na hija?” tanong niya. Nakita ko na parang hindi na rin siya kumportable sa kaniyang kinauupuan. Panay ang tingin niya sa malayo

